[ 20 ]

148 7 0
                                    

"So.... what's your plan?" kuya wiggles his eyebrows. I shrugged.




"Anong wala! Anak ng...." napaface palm pa sya. Kumagat nalang ako sa sandwich na inorder ko.







"Seriously? Bunso? Baka naman malaman ko napatawad mo na agad yon ha! Pwede bang taasan mo muna pride mo ng kahit kaunti? Pinahirapan ka na nga nya sa pagsuyo sakanya, Hindi ka pa nagawang ihatid pauwi non. Tapos, putcha, hindi nga sya nagpaka boyfriend sayo nitong mga nakaraang araw? Seriously?" nginitian ko si Kuya bago magpunas ng aking bibig.







"Hatid mo nalang ako sa bahay ni Misha tapos paki dala nalang din sa bahay yung mga gamit ko." tiningnan ako ni kuya na para bang nagtataka kung bakit gusto ko doon dumeretso sa bahay ni Misha.






"Ano gagawin mo don?" pangungulit nya pa. Lumabas na ako ng restaurant at iniwan ang bayad sa table kasama ng bill namin. Dumere-deretso ako papunta sa kotse at sumakay sa shotgun seat.






"Ano nga kasi gagawin mo don?" tanong nya ulit. Hindi ko nalang sya pinansin. Alam ko naman na dadalhin nya pa din naman ako doon eh.







Ilang sandali pa ay nasa tapat na ako ng bahay ni Misha. Lalabas na sana ako sa sasakyan ng pigilan ako ni Kuya. "Mag text ka saakin o di kaya kay Mommy kung may kailangan ka ha? Mamayang lunch inumin mo na yung gamot mo. Alam mo naman na siguro kung ilang beses mo iinumin sa isang araw yung gamot mo diba? Magiingat ka bunso. Ayokong makita ka ulit nasa hospital ay may nakasaksak sayong dextrose." malumanay nyang sabi.






Niyakap ko sya at hinalikan sa pisngi, "Don't worry Kuya. Iinumin ko na yung gamot at mas magiging maingat na ako ngayon para hindi na kayo nagaalala nila mommy. Ingat sa pagdadrive! Love you brodie!" ngumiti saakin si Kuya bago ako halikan sa pisngi.







Lumabas na ako sa kotse tapos tumayo muna ako sa may gilid at inaantay ko munang makaalis ng tuluyan ang sasakyan. Pagka alis ng sasakyan ay agad na akong naglakad papunta sa tapat ng pintuan nila Misha. Pinindot ko ang doorbell.






"Ma'am Ataxia! Kayo ho pala! Pasok ho kayo." bati sakin ni Ate Peachy, isa sa mga katulong nila. Pinapasok nya ako at agad kong inilibot ang aking paningin. Nasan kaya si Misha?







"Ate, nasaan ho si Misha?" nginitian nya ako at itinuro ang library room. Ano kayang ginagawa non doon?







"Sige ho, Salamat." tapos ay naglakad na ako papunta sa library room. Dahan dahan kong binuksan ang pintuan at maingat akong naglakad papasok.








Ingat na ingat ako na hindi maka gawa ng kahit anong ingay habang naglalakad. Naglakad ako patungo sa direksyon ni Misha. Nasa likod na nya ako at nagbilang ako hanggang tatlo bago ko sya gulatin. Pigil na pigil ang tawa ko dito sa likod nya.







1.....2.....3..... "BOOOOOO!!!!!" agad nyang naibalibad ang hawak nyang libro sa ere. Wala akong ginaaa kundi tumawa ng tumawa. Napahawak pa ako sa sandalan ng upuan nya. Sapo sapo ko pa ang aking tyan.







"Walanghiya ka! Pag ako nagkasakit sa puso, ikaw ang magpapagamot saakin ha! Walanghiyang 'to! Hala sige! Tawa pa! Peste ka. Mawalan ka sana ng hininga." umirap sya at pinulot na ang librong nasa sahig na. Hindi ko pa din mapigilan ang aking pagtawa.








"Hindi ka talaga titigil? Sasapakin kita sinasabi ko sayo Ataxia." mataray nyang sabi kaya napatigil ako agad. Tinikom ko lang ang aking bibig pero natatawa pa din ako.








Ravishing Serenity Where stories live. Discover now