Chapter 19

10 0 0
                                    

"Isipin mong mabuti, Lesly." Sabi ni Vincent sa hindi mapakali ng dalaga

"S-sa tingin ko..alam ko na kung sino ang King.." Biglang sabi ni Lindsey kaya napatingin sa kanya ang lahat.

"S-sino?" Tanong ni Chescka

"W-wala sya dito ngayon.."

"Sino? Si Lancelot? Si Zake? Claymore? J-" hindi na natuloy ni Vin ang sasabihin nang magbago ang ekspresyon nito

"Si Juliana." Sabi nito

"P-papano mo naman nasabi?" Tanong ni Niccolo

"Dahil hindi sya ang totoong Juliana.. Noong una ang akala ko dahil lang sa trauma gaya ng sinabi mo, Lesly..pero hindi. Kagabi nakasalubong ko sya at tinanong kung anong pangalan ng mama nya dahil may pakiramdam talaga ako."

"Anong sinagot nya?" Tanong ni Ivan

"Juana Marquez." Seryosong sagot nya

"Yun naman talaga ah." Takang sabi ni Vin

"Hindi mo kase alam! Noong seatmate kame madalas kaming nagkukwentuhan. Marami na akong alam tungkol sa kanya at isa sa alam ko sa kanya ay hindi yon ang isasagot nya. Ampon lang si Julia at kapag tinanong mo kung sino ang mama nya...sasabihin nya ang pangalan ng tunay nyang ina.." Mahabang sabi ng dalaga

"P-pero imposible yon.. M-may nagpapanggap na si Juliana? At sya ang King?" Hindi makapaniwalang tanong ni Chescka

"Pwedeng mangyari yan dahil hindi namin nakasama si Juliana noong summer break bago ang start ng mid sem." Sabi naman ni Vin

"P-pero kaibigan ko parin sya..." Nanghihinang sabi ni Lesly. "A-ayoko ng pumatay! Huhuhu! Hindi ko na kaya!"

"Lesly, kapag hindi mo pinatay ang King lahat tayo mamamatay!" Sigaw ni Lindsey dito sabay higpit sa kamay nito ang kutsilyong hawak nito

.......

Magkaharap ngayon sina Claymore at Juliana sa hall ng dorm. Ang atmospera ay mabigat kung titignan nang biglang magsalita si Juliana.

"Claire, bumalik ka na." Seryosong sabi ni Juliana

"Wala na si Claire. Isa karin ba sa mga nababaliw na?" Nakataas ang kilay na sabi nya

"Claire, alam kong dapat akong magsorry sa ginawa ko pero dapat tinuloy ko ang tawag noon!" Matigas na sabi nya kaya natigilan ito

"A-anong sinabi mo?" Nagpipigil ang galit na sabi ni Claymore

"Ang akala mo siguro napatay mo na ako pero hindi.. Bumalik ako para pigilan kita! Itigil mo na to!" Sigaw nya

"Ano bang pinagsasabi mo?!"

"Ikaw ang King! Kaya itigil mo na to!" Sigaw ng dalaga dito

"Baliw ka na.." Napapailing na sabi ng dalaga pero nang ipakita nito ang isang kwintas ay doon na to natigilan

"Paano napunta sayo yan?" Seryosong tanong nya na isang maling sagot ay kamatayan ang kapalit

"Ako ang totoong Claymore.. Kasabay mo akong nagpapalit ng mukha at boses. Nabuhay ako! Buhay ako, Claire!"

Napaatras ang dalaga. Sumakit ang kanyang ulo na para bang binibiyak. Inuntog nya ang ulo sa dingding ng ilang beses. Tila ba nagulahan si Juliana sa nakikita.

"C-Claire-"

Sya naman ang natigilan nang makita ang pagbabago sa mata nito. Iba na to.

"Buhay ka pa pala?" Nakangising sambit nito

"C-claire.."

"Ako nga. Bakit parang gulat ka?" Sarcastic na tanong nga dito doon na nakakuha ng lakas ng loob ang dalaga.

The King's GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon