Chapter 10

13 0 0
                                    

Nakaalis na si Zake ng tahimik parin magulo parin ang utak nya.

Sino si Claire at anong koneksyon ko sa kanya?

Napatitig ang dalaga sa litratong iniwan nito kanina bago umalis. Ilang minuto ang lumipas at napansin nya ang teddy bear na hawak ng Claire na sinasabi nito. Bigla ay may pumasok na memory na sa utak nya.

...

"Clayyy!! Mag uumpisa na ang first sem!!" Sigaw nito pero bahagya lang ngumiti ang dalaga

"Sobrang saya mo ah." Puna nito

"Bakit parang hindi ka masaya?" Tanong nito nang makitang walang ka buhay buhay ang mata nito

"Dahil napunta ka sa F class.." Mahinang sagot nito

"Ayos lang yon. Magkaibigan parin naman tayo diba?" Nakangiting sambit nito kaya gumaan ang loob ng dalaga

......

Napakurap si Claymore. Tinatanong sa sarili kung bakit hindi ito maalala. Bakit sila magkasama? At kung bakit tinatanong ni Zake sa kanya ang kinalalagyan nito.

Ang akala ko ba nagpakamatay sya?

Maya maya ay napansin nya ang oras. 11.58 p.m. Mag uumaga na. Patuloy lang syang nakatingin sa gumagalaw na kamay nito hanggang sa tumunog ito.

12 a.m.

Nagbago ang mga mata nya. Naging alisto sya at agad na may tinawagan sa cellphone.

"Hello? Buti napatawag ka na. Nawala na ba ang side effect?" Natatawang sambit ng nasa kabilang linya

.......

Umaga na naman. At ikalimang araw na ng fiesta at bukas na ang huli. Kapag hindi pa gumalaw ang natitirang Blank, mapapahamak sila.

_Mission fiesta update!

Unfortunately, the rollette has been wreck! But this game will be a lot of fun for tomorrow.

I hope you will be patient. :)

Nakahinga ng maluwang ang iba. Time out muna ang laro ngunit lahat ay nacurious kung ano ang sinasabi nitong alternative na laro?

_Mission fiesta

Reminders for the remaining Blank! Your mission last tomorrow.. Or your last mission?

The King's GameWhere stories live. Discover now