Chapter 14

13 0 0
                                    

"Checkmate." Nakangising sambit ni Andrew pero walang pakielam si Claymore sa kutsilyong nakatutok sa kanyang leeg.

Tinulak nya ang kamay nito na may hawak na kutsilyo sabay ikot sa likod nito. Hinila rin nya ang isang kamay nitong kulang na sa daliri sabay pisil dito. Napasigaw sa sakit ang lalaki.

"Ahhhhh!! B-bi-bitawan mo y-AHHHH!!"

Naalarma naman si Francisco sa mga nangyayari. Una, hindi talaga nila inaasahan na si Claymore ang kausap. Pangalawa, si Francisco ang Blank.

"C-claymore, b-bititawan mo na sya.."

"Paano kung ayoko?" Nakangising tanong ng dalaga nang biglang lumusob ang lalaki.

Pinansalag nya si Andrew kaya ito ang natamaan.

"Ack! A-anong ginawa mo?!" Hindi makapaniwalang sambit ng binata na napasuka ng dugo

Napaatras naman ito dahil hindi naman yon ang plano nya.

"May gusto pala akong itanong sa inyo. May kilala ba kayong Slayer ang code name?" Tanong ng dalaga. Hindi nakasagot ang dalawa kaya marahan nyang iginadgad sa leeg ni Andrew and kutsilyo dahilan para bahagyang dumugo yon.

"B-bro, s-sabihin mo na kung m-may alam ka-" hirap na pakiusap ng lalaki. Napaisip ito sandali.

"S-si Alvin! Oo sya nga yon! Y-yun ang madalas nyang gamiting user name sa mga account nya sa online games!" Natatarantang sabi nito kaya napangiti si Claymore

"Salamat at dahil jan.." Mabilis nyang sinaksak ang leeg ng lalaki na ikinagulat naman ni Francisco.

"A-ang akala ko-"

Hindi na nito natapos ang sasabihin nang sunod na binato ni Claymore ang kutsilyong ipinangsaksak nya. Sapul sa ulo nito.

Bumagsak ang lalaki. Doon nilapitan ng dalaga ang katawan nito at hinugot ang kutsilyo.

Hindi ako nag aksaya ng ilang araw para lang mamatay ng ganito. Tch.

Walang sinayang na oras at dumiretso sa kwarto ng mga to.

Mail sent to Claymore:

_Your mission

Your prey is Slayer.

You need to get his/her nose.

PS. Let's do this!

Pagpasok nya ay katahimikan ang sumalubong sa kanya. Dahan dahan syang lumapit sa mahimbing na natutulog na lalaki.

Nang hahatiin na sana nya ang ilong nito ay biglang may humawak ng kamay nyang may kutsilyo. Sinamaan nya ng tingin ang lalaki. Si Zake na nakapansin sa kanya.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" Mariing tanong ng binata ngunit sa mahinang boses

"Hindi ba halata?" Seryosong balik nito dito

"Sa tingin mo ba papayagan kitang gawin yan?" Naniningkit ang matang sambit nito. Lumapit naman si Claymore dito at bumulong.

"Paano kung sabihin kong hskksk skvdlkskhhj..pipigilan mo pa ba ako?" Nakangising sambit ng dalaga at lumayo na.

Natigilan si Zake. Hindi nya alam kung paniniwalaan ang sinabi nito. Nagawa ni Claymore ang kanyang misyon at iniwan ang natulalang lalaki.

Paglabas ni Claymore ay nanlaki ang mga mata nya sa hindi inaasahan. May tao sa kanyang likuran at huli na bago pa sya nakaiwas.

The King's GameWhere stories live. Discover now