Prologue

55 3 0
                                    

Nakatipon lahat ng natitirang estudyante ng last section ng Holy Missionary academy. May ilang seryoso, at karamihan ay umiiyak.

Sa kalagitnaan ng katahimikan ay tumunog lahat ang kani kanilang cellphone.

"I–Ito na!" Sigaw ng president nilang si Marcos. "T–tandaan nyo, maging mahinahon tayo sa kung ano mang maaring ipagawa sa atin ng kin–"

Hindi na nito natapos ang sinasabi nang biglang lumapit sa kanya ang kaklaseng si Lesly na umiiyak habang hawak sa kaliwang kamay ang duguang kitchen knife.

"Les?"

'Slasshhh'

Sa pagsaksak ng dalaga dito ay sumirit ang sariwang dugo sa kanyang leeg.

Nanlaki ang mata ni Marcos at napahawak sa sariling leeg. Napasuka sya ng dugo habang nakatingin sa kaklaseng itinuring nyang best friend mula ng bata pa.

"P-paano mo–"

Nang nawalan na nang buhay ang lalaki ay sunod sunod na tumunog muli ang cellphone ng mga to.

"Mission Accomplished..?" Hindi makapaniwalang sambit ng isa sa mga to na si Vin.

Napahagulgol si Lesly at binitawan ang kutsilyong ipinangsaksak. Nang tumingin sa sariling cellphone ay lalo syang napaiyak at nanlambot.

"Sorry! Sorry! Kailangan kong gawin yon! Ayoko pang mamatay! Ayoko pang mamatay!" Paulit ulit na sambit nito habang patuloy ang pag iyak

Format para sa gagawa ng mission :

_Mission for today

This mission is for G-8 of class F.

You need to slice the neck of the class president.

If this mission failed in one hour, you need to pull out your own eyeballs after cutting your both feet on your own without the help of anyone or anything.

Format para sa lahat ng estudyante.

_Mission for today

_____ need to slice the neck of the class president.

If this mission failed in one hour, he/she need to pull out her/his eyeballs after cutting her/his both feet on her/his own without the help of anyone or anything.

Format para sa gumawa ng mission.

_Mission Accomplish!

Congratulation for completing your mission.

As for reward you're given a chance to kill the King.

Now, you can put a death curse on one of your classmate that you think that he/she is the King.

Goodluck!

PS. If your prediction is wrong, you're dead. 0:)

PPS. You need to use your reward, if not, you'll die. It expires in 12 hours. Your time bomb starts now!

The King's GameOnde as histórias ganham vida. Descobre agora