Chapter 13

21 0 0
                                    


Gabi na pero halos lahat ng F class gising parin. Alerto sila sa mga nangyayari sa kani kanilang paligid.

Maya maya ay nagulat na lang nang mag message ang King.

_Mission accomplished!

Invincible is the first to finish its mission. As for reward you can take off the device.

PS. This is the start. Goodluck! 0:)

PPS. The second and third will be granted this reward too. 0;)

Lahat ay na curious kung sino man ang Invincible na yon. Ngayon ay mabuhay ang kanilang motibasyon.

Sa kabilang banda naman ay napangisi si Edreighne habang maingat na naglalakad papuntang clinic.

Hindi ko alam na may makakauna ng mission kesa sa akin.

Mail sent to Edreighne:

_Your mission

Raging hatred is your prey.

You need to get his/her two lungs from your target.

PS. Be careful or mistake will take you down?
PPS. Goodluck!

Ilang sandali pa at narating na nya ang kwarto ni Ronald. Tahimik at walang nagbabantay. Napakaswerte nga dahil walang kalaban laban ang kanyang target.

"Hello, Ron.. Sorry pero pwede bang wag kang gagawa ng ingay?" Parang baliw na saad ng dalaga habang pinapadaan ang kutsilyo sa katawan nito

Sasaksakin na sana nya ang lalaki nang may pumalo sa ulo nito. Napasubsub sya at nahulog sa kamay nya ang kutsilyo ngunit hindi nawalan ng malay.

Agad syang bumangon upang harapin kung sinong may gawa non.

"Serina?" Naniningkit ang matang banggit sa pangalan ng kaibigan.

"Sa tingin mo ba hahayaan kitang saktan mo si Ronald?" Nakataas ang kilay na tanong nito

"Huh? Papanigan mo pa talaga yang lalaking yan? Eh halos patay na sya. Ina, kaibigan mo rin ako!" Sigaw dito ni Ed

"Alam mo higit pa sa pagkakaibigan ang tingin ko sa kanya!"

"Huh? Hindi mo pa ba nakakalimutan ang walang kwenta mong feelings na yan? Hindi sya magkakagusto sayo dahil mahal nya parin hanggang ngayon si Jen!" Pagmumulat nito kaya bigla namasa ang mata ng dalaga ngunit ngumiti ito.

"Pero patay na sya. Sinunod ko ang King sa utos nya kaya sya namatay. At ang sabi nya ay tutulungan pa nya ako kung huhulihin si Bunny." Parang baliw na sabi nito na ikinagulat ni Edreighne.

"I-ikaw? Tinulungan mo ang King sa mga balak nya?!" Hindi makapaniwalang tanong nito

"Tama..dapat lang naman sa kanya yon dahil nilandi nya si Ronald. At si Bunny naman ay narinig ko noon na kinausap nya ng private si Ron.. Hindi ko yon palalampasin." Nagliliyab ang matang sabi nito

The King's GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon