Chapter 16

5 1 0
                                    

Maghahating gabi na kaya wala ng masyadong tao sa paligid. Dumiretso si Claire sa tagong lugar kung saan sila patagong nagkikita ni Claymore.

Napangiti ang dalaga nang makita ang kaibigan na palinga at pagkatapos ay titingin sa wrist watch nito.

"Claymore!" Tawag nya sa pansin nito kaya napalingon sa kanya ito.

"Claire! Bakit ngayon ka lang?" May pagtatampong tanong nito

"Pasensya ka na. Mahirap na kasi ngayon ang umalis sa dorm namin eh. Tapos anlayo pa dito." Paliwanag nya

"Dahil ba yan sa laro?" Nakakunot ang noo na tanong nito

"Ah basta! Nga pala, may ipapakita akong litrato." Excited na sabi nya at hinila sa upuan ang kaibigan pagkatapos ay inilabas ang cellphone. Maya maya ay tumambad sa screen ang mukha ng isang gwapong lalaki.

"Zake Harvy ang pangalan nya. Ang gwapo nya noh? Pero alam mo ba-"

Hindi na nya natapos ang sasabihin nang kinuha ni Claymore ang kamay at dinala yon sa dibdib nitong ang bilis ng tibok.

"Mahal ko na ata sya.." Sambit nito habang nakatitig sa screen kaya natigilan si Claire.

"H-huh? C-claymore?"

"Ang bilis ng tibok ng puso ko! Nalove at first ako sa kanya!" Excited na sabi nito kaya natigilan lalo ang dalaga

The King's GameOù les histoires vivent. Découvrez maintenant