Chapter 3

21 2 0
                                    

"Hindi totoo yannn!!!" Sigaw ni Jackson

"Anong hindi totoo? Nasa harapan mo ang reyalidad." Walang emosyong sambit ni Claymore at umatras na

Biglang nanlaki ang mga mata nila nang biglang naglabas ng kutsilyo ang lalaki mula sa likod nito.

"Hindi ko hahayaan yon!! Mabubuhay akooo!!" Parang mababaliw na sambit nito. Hindi na sya nakikilala ng mga kaibigan nya. Para na itong hayop na hindi makikinig sa kahit na sino dahil sa takot.

"Huhuhu! Please, tumigil ka na.. P–please." Pagmamakaawa parin ng dalaga pero wala ng pakielam ang binata. Wala na tong naririnig.

Pagsugod nya ay biglang nagulat ang lahat. Napasuka ng dugo si Jackson at napaatras. May hawak ding kutsilyo si Eiri at sinamantala ang pagpanic ng lalaki.

Nilapitan nya ang naghihingalong lalaki at inundayan ng saksak. Binuksan ang tiyan nito. Halos masuka ang lahat sa nakikita. Hindi si Jackson ang hayop kundi ang dalaga. Parang isang hayok na mamamatay tao na hinila nya ang mga lamang loob nito.

"T–tapos na.. A–ayos na to hindi ba?" Tanong nya habang hawak ang puso ng lalaki. Inilapit iyon sa president na halos nasusuka na. "Ayos na to, diba, president?" Tanong nya dito pero hindi sumagot ito dahil sa sobrang takot. "SUMAGOT KA!!" sigaw nito kaya napaatras ito

Bigla namang nagising si Jovann na halatang naguguluhan. Nanlaki ang mga mata nya nang makita ang wakwak ng katawan ni Jackson.

"S–sinong may gawa nyan?" Tanong nya. Napasuka sya sa gilid dahil hindi nakayanan ng sikmura ang nakikita. Lumapit naman sa kanya ang kasintahan na hawak parin ang puso ng lalaki.

"B–babe, diba, nagawa ko na? T–tama na to, diba?" Nanginginig ang boses na tanong nya sa binata pero napaatras to.

"E–eiri.. I–ikaw yan, diba..?" Takot na tanong binata

"A–ano bang pinagsasabi mo, Babe? Ako si Eiri.." Sagot naman nya na napaluha na. Binitawan na nya ang hawak at niyakap ang lalaki. "Babe, natatakot na ako!! Huhuhu! Ayoko na!! Ayoko na!!"

Doon na natauhan ang binata at niyakap narin ng mahigpit ang kasintahan.

"H–hindi ba nakakapagtaka to? Bakit wala pang nasesend na mail satin?" Takang tanong ni Bunny

Katahimikan ang bumalot sa buong klase at pagkatapos ay sunod sunod na mga mails ang nasend sa kanila.

'Toot! Toot! Toot! Toot! Toot!'

"Error?" Hindi makapaniwalang sambit ni Merry

"Ayaw tumigil sa pagsend!!" Nagpapanic na sigaw ni Bunny

"H–hindi kaya may mali sa misyon?" Kinakabahang sambit naman ni Rachel

"Claymore, anong sa tingin mo ang dahilan?" Tanong ni Juliana sa dalaga. Tinuro naman nya ang gutay gutay na katawan ni Jackson.

"Bakit hindi mo basahin ang mail para sa mission?" Walang emosyong sabi nya

_Mission for today

____ need to get one internal organ from ?.

This mission is to be completed until dawn so she/he can make a plan.

If she/he failed this mission, she/he need to do her/his mission to her/himself as punishment.

The King's GameNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ