Chapter 15

13 0 0
                                    

"Kumusta ang first day mo?" Tanong ni Andrei habang yakap yakap ang kasintahan.

"Mabuti naman.. Mukhang mababait naman sila." Sagot nito. "Ikaw? Diba sa A class ka nagtuturo?" Tanong naman nito

"Hmm.. Tinignan ko ang dating records at alam mo ba? Nakita ko ang pangalan ng kaibigan ng kapatid ko." Sabi kaya napatingin si Haze dito

"Sino?"

"Claymore pero hindi naman talaga ako siguradong sya yon. Wala akong alam sa apilyido nya. Nakasama namin sya ng kapatid ko noong nasa orphanage pa kami."

"Anong apilyido ng nakita mo?" Biglang tanong nito

"Cliff. Claymore Cliff ang pangalan nya."

"Pwede mo syang makausap. Nasa klase ko sya." Sabi naman nito kaya napakislot ang lalaki.

Nasa F class din sya? Kung ganon..

"Kausapin mo sya kung pwede syang makausap." Seryosong sabi nito

.......

Parang normal na lang ulit kung titignan ang classroom ng f class. May nagbibiruan at nagkukwentuhan.

Maya maya ay nilapitan ni Lindsey Castro ang dating kaklase na sina Lesly.

"Bakit antahimik nyo ata?" Puna nito. Napakunot noo si Juliana tila kinikilala ang babae.

"Grabe ka makatingin, Juls, wag mong sabihing kinalimutan mo na ako?" Tila ba nagtatampong sabi nito

"Ah-eh hindi naman." Medyo awkward na sabi nito.

"M-medyo t-trauma lang." Salo naman ni Lesly

"Anong trauma?" Takang tanong nito kaya nagkatinginan ang dalawa.

"Malalaman nyo rin." Sabad naman ni Vin na seryosong seryoso ang ekspresyon.

Maya maya ay nagsitunugan ang mga cellphone nila. May ilang nagulat at may ilan ring natawa.

"Frank ba to?" Tanong Rosey Mae Apao, galing C class.

"Oo nga! Surprise welcome to noh?" Sabi naman ni Marion Diamse

Pero natapos ang kanilang ingay nang tumayo si Claymore sa harap. Ang bagong vice president ng klase.

"Bakit kayo tumahimik?" Walang emosyong tanong nito

Nagsimulang magbulungan ang mga to.

"Hindi man lang ba kayo nagtataka kung bakit wala ang ibang F class?" Tanong ng dalaga.

"H-hindi ba dahil n-nagdrop out sila?" Tanong naman ni Chelsea Nickson, galing E class. Dun na tumayo si Marcos.

"Sa tingin mo talaga nagdrop out sila?" Seryosong sambit nito

"Patay na silang lahat." Dagdag ni Zake kaya hindi alam ng iba kung matatawa ba o matatakot na sa sinasabi nito.

"Guys, alam naming hindi ganon kasimpleng paniwalaan pero nasa loob na din kayo ng isang laro." Paliwanag nito

"King's game..huh?" Nakangising bulong ni Lancelot habang nakatingin sa screen ng cellphone. Lancelot Alcantara, galing sa A class.

_WELCOME TO KING'S GAME!!

INSTRUCTION ON HOW TO PLAY!

SIMPLE BUT BRUTAL: YOU NEED TO FOLLOW ANY COMMAND FROM THE KING SENT BY MAILS

SIMPLE BUT STRICT: YOU SHOULD NOT WIDRAW FROM THE GAME. SECOND, DONT BLOCK THE KING. THIRD, DONT DESTROY YOUR CELLPHONE. FORTH, DONT ASK FOR HELP OUTSIDE THE GAME. AND LAST, DONT CHALLENGE THE KING.

The King's GameWhere stories live. Discover now