Chapter 17

4 0 0
                                    

"A-anong...p-papanong..." Natutop ang bibig ni Haze sa pagkabigla. Maya maya ay nagising na ito. Pagkalito at pagkatakot ang kakikitaan ito.

"N-nasan ako?! May tao ba jan?! Tulungan nyo ko rito!!" Sigaw nito na pilit pinapatatag ang boses. Ngunit walang sagot.

"A-anong gagawin naten?" Nagpapanic na tanong ni Gelika habang nakakapit sa kaibigang si Mandy

"H-hindi ko alam.." Sambit nito na halatang kinakabahan din para sa kaklase.

"Kung hindi pa nya tatapusin ang kanyang self punishment.. Mamatay sya." Sabi ni Juliana

"Kailangan natin syang hanapin!" Sabi naman ni Niccolo. Lahat ay sumang ayon maliban sa mga natira noon.

"Gawin nyo kung gusto." Sabi bigla ni Claymore kaya natahimik ang mga to

"M-mapaparusahan ba kame?" Takot na tanong ni Chescka pero walang sumagot nang marinig nila ang sigaw ng lalaki sa screen.

"AAHHHHH!! F**KKKK!!" Hiyaw nito pagkatapos hiwain ang balat sa paa. Lumabas ang sariwa at malapit na dugo mula doon. Halos masuka na ang ilan.

Si Haze na hindi makapaniwala sa nangyayari ay para ng mababaliw sa nakikita.

Nanginginig ang kamay na kinuha ang mas malaking saw sabay lagari non sa paa. To do sigaw ito habang ginagawa yon.

Kita na ang buto nito sa paa. Hindi nya maputol. Kinuha nya ang isang itak. Kasabay ng crack ng buto nya ang ubod lakas nyang sigaw.

"AAAHHHH!!!!"

"S**t! Mas malala pa to sa cannibal na napanood ko!" Bulalas ni Ivan

Ilang minuto pa ay naputol na ang isang paa nito. Dugo. Napapaligiran ito. Maya maya ay napayuko ito. May ilang butil na ng luha ang nasa mata nito. Kinuha nito ang mas maliit na kutsilyo.

"Ayoko na.." Pagkasabi non ay ginilitan nya ang sariling leeg.

.......

Hindi mapalagay si Andrei dahil sa mga litrato ng isang araw. Blurred ang mga yon at madilim kaya hindi nya mabasa.

May kung anong meron na sinabing mahalaga yon sa kanyang imbestigasyon. Ngunit nag aalalang na sya sa kasintahan. Ramdam nyang may tinatago ito. At napansin nya ang kakaibang bagay na nasa leeg nito.

Nang sinabi na isang massaging device lang yon ay kalahati ng sistema nya ay hindi naniwala.

Maya maya ay dumating na ang kanyang hinihintay. Pinaayos nya kase sa mga expert ang litrato para mabasa. At dahil sa kanyang propesyon ay naging madali lang yon.

Pag bukas nya sa mail ay may nakasulat pa doon. Napakunot noo sya nang mabasa yon.

_Sir, mukhang malaking kaso yan.

Napakislot sya. Agad nyang binuksan ang file at binasa ang nilalaman non. Nanlaki ang mga mata nya nang mabasa yon.

Mga kontrata...ng mga bata? Binibigay nila ang karapatan sa school para sa buhay ng mga to? At may nakasulat pa na wala silang gagawing aksyon kung mamatay man ang mga to? Kabaliwan!

The King's GameWhere stories live. Discover now