Chapter 18

5 0 0
                                    

Nagising si Claymore sa isang kwartong hindi nya maalala pero pamilyar sa kanya. Medyo masakit ang ulo nya dahil isang buong araw syang nakatulog kaya hindi sya nakapasok. Maggagabi na ngayon at tapos na ang klase.

Nagtaka pa sya nang yakap ang isang libro. Tumayo sya at inilapag sa kama ang libro.

"Ang akala ko tulog ka pa." Anang isang boses kaya napatingin ang dalaga. Ang principal.

"Anong ginagawa ko dito?" Tanong ng dalaga kaya napailing ang kausap

"Tulog na pala sya." Bulong nito na narinig ng dalaga.

"Anong sinasabi mo?"

"Wala. Don't mind me. Bumalik ka na sa dorm nyo." Utos nito. Agad namang tumalima ito at nanglalagpasan na nya ay narinig nya ang sinabi nito

"Goodbye..King.."

Napakunot noo sya pero iniwan nya lang ito. Napailing sya habang iniisip kung sya ba ang tinutukoy nitong King.

Nang nasa dorm na sya ay nakasalubong nya si Zake na mukhang may hinihintay. Pagkakita sa kanya ay biglang nagbago ang ekspresyon nito.

"Nandito ka na.." Sambit nito. "Kanina pa kita gustong makausap."

"Tungkol saan?" Tanong ng dalaga

"Claire.. I-ikaw yan diba?" Tanong nito na ikinagulat ng dalaga

"Nagkakamali ka." Matigas na sabi nya at nilagpasan to

"Claire!" Tawag nito ngunit hindi na sya lumingon

.....

Sa kabilang banda ay tuloy ang laro. Parang sinusubukan ng King si Haze dahil sya ngayon ang Blank.

_Mission for today

___ needs to get 1 small intestine from ? And big intestine from ?.

If she/he failed the mission, the self punishment is..suicide.

PS. Its a do or die now ;)

Ang target ay si Vincent at Ymar. Hindi na nya alam ang gagawin. Gusto man nyang magsalita pero ayaw nyang madamay ang pamilya nya.

Kahit takot ay kailangan pa nyang mabuhay. Yan ang nasa isip ni Haze habang nakatitig sa litrato kasama ang kasintahan at kanyang pamilya.

M-mabubuhay ako!

Lumabas sya habang hawak ang kutsilyo. Papasok na sya nang makita ang isa sa kanyang target. Si Ymar.

Palinga linga ito at papasok na sana pero may pumasok sa kanyang isip.

"Ymar!" Tawag nya sa isang estudyante. Gulat naman ito at hindi alam kung sasama o hindi.

"B-bakit po?" Tanong nito. Napalunok si Haze. Kailangan nyang magsinungaling.

"Naligaw kasi ako eh. Alam mo ba kung nasan yung isang library?" Tanong nya

"O-opo.." Sagot nito na puno ng hesitasyon.

"Samahan mo ko." Sabi nya kaya walang nagawa ang binata kundi sundin ang guro

Habang naglalakad ay katahimikan lang ang buhay. Walang imikan. Mahigpit ang pagkakahawak ni Haze sa patalim habang naghihintay ng tiyempo. Maya maya ay biglang tumigil ang binata.

The King's GameWhere stories live. Discover now