Chapter 8

13 1 0
                                    

Figurative language is use when you say words in a different way. This is mostly use in some poems...

Patuloy sa pakikinig ang klase habang sina Azer ay hindi mapakali. Nawawala parin si Kleo dahil hindi ito namatay kundi si Vanessa, matalik na kaibigan ni Frances na kanina pa iyak ng iyak habang inaalo ito ni Angel at Josephine.

"Guys, wala na ba talaga si K-Kleo?" Hindi parin kumbinsidong tanong ni Alvin sa mahinang boses.

"Hindi tayo sigurado." Sagot naman ni Azer

"P–pero diba pinalitan ang isang Blank? Hindi ba ibig sabihin non.." Hindi natuloy ni Marijin ang sasabihin nang sumabad si Zake

"Imposible yon." Seryosong sabi ng binata

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong naman ni Ysabel

"Hindi ko sinasabing buhay sya pero may tyansa na buhay pa sya dahil hindi sya isang Blank." Siguradong sabi nito kaya natahimik sila

......

Napangiti si Mourice nang sya na naman ang nabunot na King. Masaya syang pumunta sa gitna at hinarap ang mga kaklase.

"Ang nakabunot ng number 13, pumunta sa B class at mangalabit ng isang estudyante roon!" Utos nya

Naghintay sila para bumalik ito na kasama ang ilang kaibigan nito.

"Bakit parang antagal ata nila?" Nagtatakang tanong ng President nila

Maya maya ay bumukas ang pinto at niluwa non ang mga kaibigan ni number13. Kasama nila ang kanilang adviser na makikita sa mukhang may masamang nangyari.

"Wala na si Diane." Sabi ng teacher na ikinagulat nilang lahat.

Nang mapatingin ang mga kaibigan ng namatay kay Mourice ay nagsiklab ang kanilang mga galit at nilusob ang dalaga.

"Kasalanan mo to! Kung hindi mo sya inutusan, buhay pa sana sya!"

"Ikaw ang pumatay sa kanya! Ikaw! Kasalanan mo! Sana ikaw na lang ang namatay!"

The King's GameWhere stories live. Discover now