Chapter 7

15 1 0
                                    

Tumunog ang bell kaya umupo na si Airene sa tabi nina Frances at Vanessa.

"Diba galing ka sa Southeast Academy?" Tanong nito kay Frances na ikinagulat ng dalaga. Fan kasi sya nito noong nag aaral pa sya doon. At hindi nya inakalang ang dating iniidolo ay makikilala sya.

"O–oo.. P-paano mo nalaman?" Tanong ng dalaga

"Diba isa ka sa lumaban ng volleyball sa division? Pinanood ko ang laban nyo." Nakangiting sagot naman nito

"Airene, bakit ka nga pala nagtransfer dito? A–atsaka bakit ka napunta sa section namen?" Iwas ang tinging tanong ni Vanessa

"Gusto ko lang. Masama ba?" Nakakunot ang noong tanong nito

"H–hindi naman." Sambit ng dalaga na hindi makayanan ang tingin ng babae na para bang tigreng handang manlapa ng isang biktima.

"Ano nga pala ang pangalan nung lalaking sumagot ng tanong ko kanina?" Biglang curious na tanong nito

"Ahh. Si Zake Harvy Laxamana. Escort namin sya. Gwapo nya noh?" May pagmamalaking sabi ni Frances

Nag usap pa ang dalawa habang si Vanessa ay nakinig na lang sa lesson. Kapag napapatingin sya sa babae ay para bang kinikilabutan sya. May kung anong meron itong nagbibigay ng pakiramdam na dapat itong iwasan.

Lumipas ang oras ay tumunog na ang bell para sa break time. Agad na nilapitan ni Airene si Zake na tahimik lang na nakatitig sa cellphone nya.

"Hi, Zake." Bati ng dalaga dito kaya napatingin si Zake dito at kuway nginitian ito.

"Hi?"  Bati din nito kaya lalong lumawak ang ngiti ng dalaga.

"Pwede ba tayong magkita mamayang gabi?" Maya mayay medyo flirt na tanong nito. Lahat ay napatingin sa kanila. Delikado.

"Pag iisipan ko.. Hmmm.. Hindi pwede dahil baka may magalit." Nakangiti paring sabi nito but then palihim itong tumingin kay Claymore na halatang inaabangan ang susunod na mangyayari. "But I can at least do this."

Sa isang iglap ay hinapit ng binata si Airene at sinakop ang mga labi nito. Napasinghap ang lahat sa nakita maliban kay Claymore or..the King of the game, code name Wither Winter or W.

"Nag umpisa na nga ang original game.." Napapailing na bulong ni Vin, code name Handsome Smog.

"C-claymore, ayos lang ba na gawin sayo yan ni Zake?" Tanong ni Lesly, code name Butterfly kaya nagulat si Juliana, code name Jelly ace.

"Kayo na ni Zake?" Hindi makapaniwalang tanong nito

"Nah." Yun lang ang sabi ng dalaga.

Sa isang banda ay nasa sulok sina Azer habang inaabangan ang live rollette kung san mga codename nila ang nasa bola. At ang unang lumabas kanina ay W, meaning sya ang King at pwedeng mag utos ng kahit ano.

Hindi nila alam ang code name ng isat isa kaya napangisi si Claymore sa loob loob na tama ang inutusan nya.

Format sent to Zake Harvy P. Laxamana

_This mission is for Prince Zero

Kiss the transferee in front of every one.

If mission failed, strip inside the faculty while the teachers are having their meeting.

The King's GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon