Chapter 6

27 1 0
                                    

Natapos ang buong araw at mapapalitan na naman ang King na ikinadimaya ni Mourice.

Bakit kailangan pang palitan ang King? Hindi ba pwedeng ako na lang lagi? Mas masaya naman kung ganon ah.

Kinabukasan ay nag umpisa na naman ang kanilang laro. Ngunit sa pagkakataong yon ay hindi na sya ang hari.

"Bilang King, inuutusan ko ang B-7 na maglap dance kay B-1!" Natatawang utos nito na sinundan ng tawanan ng mga kaklase.

Si Mourice naman ay tahimik lang na nakamasid na halatang nababato sa kanyang nakikita.

Napakaboring..walang thrill. Hindi naman ganito ang nangyayari dun sa nabasa kong istorya.

Kinuha na lang nya ang librong piksyonal na may pamagat na The King's game. Isang kwentong naglalaman ng kabrutalan, misteryo at thrill na umiikot sa isang laro tulad kanilang nilalaro.

Napangiti sya habang ninanamnam ang bawat salita ng mga pahina.

Kung ganito lang sana ang condition ng laro namen, sobrang saya ko na siguro. At kung magiging kapareho ng kwentong ito ang laro namen, yon na siguro ang pinakamasayang araw ko dito sa mundo.

Isang larong ako lang ang hari. Madugong laro at maraming aksyon! At lahat sila ay mag tutulungan para labanan at hanapin ako katulad nitong binabasa ko! Isang napakagandang pangarap...

The King's GameWhere stories live. Discover now