Chapter 24

675 24 0
                                    


DIAMOND

Isang linggo na naman ang lumipas at ngayon na naman gaganapin ang panibagong round. These past few days ay wala namang nangyayaring kakaiba, maliban na lamang sa abilidad ko at sa patuloy kong pag-tuklas ss sinumang traydor sa aming grupo.

Ang kapangyarihan ko ay destruction. Kaya kong sumira. At alam kong may kakayahan rin silang kakaiba katulad nito, ramdam ko iyon.

Napa-buntong hininga ako kasabay ng pag-tunog ng doorbell, kaya kaagad akong nag-tungo sa pinto at saka binuksan 'yon at bumungad sa akin ang hindi ko kilalang babae.

"Magsisimula na raw mayamaya kaya't mag-handa ka na at kaagad na tumungo roon," sambit niya bago siya tumalikod at umalis. Nag-kibit balikat naman ako at saka sinunod ang sinabi niya.

Nag-handa na ako ng mga gagamitin ko at konting pagkain. Baka kasi gutumin ako at hindi mamalayang ilang araw na pala ang lumipas ng nasabing laro at habulan upang maka-punta sa tuktok. Finale.

Today is the game of hunting death. If battle of the gangsters is hard, this is harder and more dangerous. I know it, and I can feel it.

Nang matapos akong mag-handa at saka lumabas at habang nasa hallway ako ay napa-isip ako bigla. Ano na naman kaya ang ibibigay na pagsubok sa amin? Mahirap ba ito o mas pinadali?

Nang makarating ako sa arena ay muling nag-hiyawan ang mga tao. Narito na pala sila lahat. Mayamaya lang ay biglang may timer na lumabas kasabay ng pag-labas ng emcee na Si Azul at pag-tawag nito sa pangalan namin ng paisa-isa.

"So, so, so! Today is hunting death, and next week is already the finale! Ang bilis ng panahon, 'di ba? Ngayon, sa larong ito ay kailangan niyong malagpasan ang isang ilusyon. Maaari kang mapahamak sa iyong ilusyon lalo na kapag may intruder roon na hindi na saklaw ng monitor," sambit niya kaya naman ay medyo kinabahan ako. Isa-isa pala kaming sasabak sa larong ito. Parang palabas rin na ipinlay ang video nung unang sumabak sa apat na naka-palibot na malaking TV rito.

Sinabi rin nitong iba ang oras sa huwad at tunay na mundo. Ang isang araw sa huwad na mundo ay katumbas ng tatlong araw sa totoong mundo.

Pagkatapos kaming tawaging mga manlalaro ay isa-isa na kaming sumabak sa mga ilusyon. Magkaibang ilusyon, lugar, at pangyayari. Magka-hiwalay kaming lahat ngunit may monitor na tumitingin sa amin habang kami ay naglalaro.

Naglalakad lang ako sa gitna ng kawalang tila walang patutunguhan.

Sumigaw ako ng sumigaw ngunit echo lang ng mga isinisigaw ko ang naririnig ko. Hanggang sa unti-unting nawala ang ilaw, at saka ko nakita si Dad.

"D-dad? Dad!" gulat kong sambit, at saka ako kaagad na tumakbo papalapit sa kinaroroonan ni Dad. Niyakap ko si Dad nang maka-lapit na ako ng tuluyan sa kanya at niyakap niya naman ako pabalik ng walang pag-aalinlangan.

"Dad! Gusto ko ng umuwi mula sa paaralang iyon. Mali po pala ang napasukan ko," sambit ko, bago ako kumalas. Tinapik naman ni Dad ang balikat ko, saka siya ngumiti.

"Okay lang 'yon. Masaya ka ba?" sambit naman ni Dad at saka ako napa-isip at napa-ngiti na lang bigla. Ngumiti si Dad at saka ginulo ang buhok ko, saka niya ako hinila papasok sa loob ng bahay at saka niya ako pina-upo sa upuan sa may kusina kaharap ang mahabang mesa na maraming pagkain na naka-lagay sa itaas.

"Anong meron, Dad?" takang tanong ko kay Dad, habang naka-tingin sa mga handang nasa lamesa. Nagtataka lang ako dahil maraming handa, pero kami lang namang dalawa ang narito sa bahay.

Codename Red Where stories live. Discover now