Chapter 1

3.1K 83 10
                                    


DIAMOND

"Welcome to Black Organization everyone!" sigaw nang babaeng emcee sa harapan. Narito ako ngayon sa isang event, kung saan ako ipinadala ng nakatataas.

Bored lamang akong naka-upo ngayon sa upuan habang hawak ang isang basong mayroong lamang kulay pulang likido. Wine.

Pinagmamasdan ko ngayon ang isang lalaking nasa edad kuwarenta na. Isang business man lang naman ito na ang business ay pag-benta ng mga droga. Buy and sell ng droga. Tsk! Napa-iling na lamang ako't napa-ngisi. Masyado siyang desperadong umangat sa buhay to the point na kailangan niya pang gumawa ng ilegal.

Mayamaya lamang ay mayroong naka-suit na lalaki ang lumapit sa kanya at saka siya binulungan at pagka-tapos naman ay tumango siya't mabilis na tumayo.

Agad ko namang isinuot ang kulay pula kong maskara at saka ako tumayo't sumunod sa kanila ng hindi man lang nila napapansin.

Dalawa lamang sila no'ng lalaking naka-suit na kulay itim. Nice, men. Hindi yata ako masyadong mapa-pagod ngayon at masyado na talaga akong bored.

Mayamaya lamang ay lumabas na sila ng tuluyan at saka nag-tungo sa parking lot habang ako nama'y tahimik lamang na naka-sunod sa kanila ngayon.

Nagulat naman ako nang biglang lumingon 'yong naka-itim na suit sa gawi ko at saka ituturo sana ako ngunit mabilis kong nakuha sa ilalim ng suot kong dress ang aking pistol na mayroong naka-kabit na silencer at saka 'yon mabilis na ipinutok ng diretso sa noo niya.

Napansin pala niyang sinusundan ko sila. Too bad, mamamatay pa rin sila kahit na nakita na nila ako.

Walang ingay na lumabas ako at ang tanging pag-bagsak niya lamang sa simento ang aking narinig.

Lumapad ang ngisi ko at saka ko hinipan ang dulo ng aking pistol kasabay ng pag-lakad ko palapit kay Mr.Chua. Ang aking target ngayon. Isang drug dealer slash drug lord na gaya nga ng sabi ko, buy and sel ang benta. Buy and sell ng mga droga.

"Well, well! Hello, Mr.Chua," bati ko pa sa kanya habang naka-ngising nag-lalakad palapit sa direksyon niya.

"Sino ka? What do you need?!" nanlalaking matang tanong nito sa akin at akmang mag-titipa sa kanyang cellphone upang tumawag ng mga aso niya ngunit agad ko 'yong nasipa at saka namuo ang isang nakaka-kilabot na ngisi sa aking labi.

He looks scared and it's really funny.

"Me? Hmm... I'm," tumigil ako sandali at saka nag-kunwaring nag-isip bago muling ibinaling sa kanya ang aking paningin. "Sino nga ba ako?" tanong ko pabalik sa kanya at saka ako sarkastikong humalakhak na parang isang psychopath na naka-takas sa isang mental institution.

"Wait! I know t-that gun..." nanginginig nitong sambit at tila tinakasan ng dugo habang naka-tingin sa kulay ginto at itim na baril na hawak ko.

Umakto naman ako ng nalulungkot. "Ohhhh! Buti pa 'yong baril ko, nakikilala mo," sabay hawak ko pa sa dibdib ko.

"Baliw!"

Agad ko naman tinaas ang baril ko at saka itinutok sa kanya.

"And oh, this gun? Ano bang meron sa baril na 'to?" tanong ko pa sa kanya at saka ako nag-lakad palapit sa kanya ngunit hindi pa rin ibinababa ang hawak kong baril. Habang humahakbang ako palapit sa kanya ay humahakbang rin siya paatras, hanggang sa mapa-upo na siya ng tuluyan sa semento.

Codename Red Where stories live. Discover now