Chapter 13

990 49 0
                                    


DIAMOND

Ngayon na gaganapin ang ranking battle ngunit wala pa ring balita tungkol sa pagkamatay ni sir Arnold. Walang kahina-hinala. Naka-plano lahat ng 'yon. Lahat rin ng CCTV no'ng time na 'yon ay hindi gumagana. Napaka-malas nga naman talaga!

"Hey," nagulat naman ako nang biglang sumulpot si Zeus sa tabi ko habang naglalakad ako sa gitna ng hallway ng center building palabas upang mag-tungo sa arena kung saan gaganapin ang aming ranking battle. Ang kauna-unahang battle na sasalihan ko rito sa Shi University.

"Yow," bati ko pabalik sa kanya. Tumango naman siya bago namulsa. Napa-titig naman ako sa kanya sandali habang naglalakad kami. Napaka-guwapo niya, sa totoo lang.

"Baka matunaw ako niyan, miss Red," biglang sambit nito habang diretso pa ring naka-tingin sa daan. Agad naman akong napa-iwas ng tingin.

Ang hangin!

"Handa ka na bang lumaban?" biglaang tanong nito sa akin. Agad naman akong napa-isip, ngunit para kasing double meaning 'yong sinabi niya eh. Ngunit sa tingin ko'y 'yong sa ranking battle ang tinutukoy niya.

"Ahh. Yeah. Ikaw ba?" sagot ko pa sa kanya at saka ko siya sinulyapan sandali. Tumango naman siya sa akin bilang sagot kaya napa-ahh na lang ako. 'Di ko alam sasabihin ko eh. Na-tango zoned ako.

Nang makarating kami sa arena ay bumungad sa amin ang napaka-ingay na paligid. Todo-hiyawan ang lahat, habang mayroong naglalaban sa gitna. Gang versus gang ang labanan rito. Ako lang ang nag-iisang solo rito.

Napa-buntong hininga na lang ako't umupo sa may harapan habang si Zeus nama'y nag-tungo sa kung saan. Napa-iling na lamang ako't nag-focus sa mga naglalaban sa harapan.

Ilang oras ang lumipas ay tinawag na ang ika-isang daan at isang daan at isang grupo, at saka ko nakita si Silver na kasama sina Zero, Zeus, Uno, at saka Dos. Teka! Paano napunta si Silver sa grupo nila? Si Zeus rin? Teka nga! Anong nangyayari? At saka ang mga kalaban nila. Ang lalaki! May mga dala pa talagang kung ano, habang sila Zeus ay wala. Mas tumodo rin ang hiyawan ng mga narito. Mapa-gangster o special man.

Isa 'tong labanan between gangsters and specials, ngunit mayroong isang gangster na napa-halo kina Zero. Si Zeus. Ngunit, isa nga ba siyang gangster... o special? O baka nama'y wala siya sa dalawa? Nakaka-lito. Nalilito ako.

"Ngayon ay mag-lalaban na ang ating dalawang malalakas na grupo! Ang top one gang na siyang grupo nila Zero, at ang top three gang na siyang grupo naman ni Scorpion! Magandang laban 'to. Ngayon, sa pag-bilang ko ng tatlo'y siyang simula na ng labanan! Isa, dalawa, tatlo!" mabilis na saad ng emcee na tila excited talaga't hindi na makapag-hintay sa labanan ng dalawa sa pinaka-malakas na mga grupo.

Pagka-tapos niyang sabihin ang salitang tatlo ay siyang pag-sugod naman ng grupo nila Scorpion. Mabilis namang umilag sina Zero at nagkanya-kanya ng mga pupuntiryahin. Puro lalaki ang kalaban nila at si Silver lamang ang nag-iisang babae sa loob ng ring o battlefield.

Mabilis na natapos ang labanan at saka nanalo ang grupo nila Zeus. Medyo napuruhan rin si Silver at saka si Dos. Hindi siguro sila masyadong nakapag-focus, eh.

Wala pang sampong minuto'y natapos na nila ang laban. Magaling. Malakas rin ang hiyawan ng lahat ng narito. Ano pa nga ba ang inaasahan sa rank 1 ng paaralang 'to? Expected nang mananalo sila.

Codename Red Where stories live. Discover now