Chapter 25

694 26 0
                                    

DIAMOND

Kinabukasan ay maaga akong nagising at saka naligo. Napag-isipan ko kasing mag-saya. Tatlong araw na lang rin at finale na, at tiyak kong magiging bakbak na naman kami sa training sa mga susunod na araw dahil alam ko na hindi magiging madali ang larong ito.

Nag-bihis lang ako ng isang simpleng kulay itim na jeans, sneakers, at puting v-neck shirt, saka ako nag-dala ng isang maliit na baril at ini-lagay iyon sa may likod ko, bago ako umalis patungo sa cafeteria.

Habang naglalakad ako sa hallway ay tanaw ko ang iilan sa mga estudyante na naghahalakhakan na tila ba ay walang kinakaharap na anumang problema sa mga oras na ito. Buti pa sila at nagagawa nilang tumawa. Mi-hindi ko nga man lang magawang ngumiti ngayong araw na ito.

Bigla kong naka-salubong si Silver sa hallway at babatiin sana ito ngunit hindi niya ako pinansin at patuloy lang siyang tumatakbo na tila ba ay mayroon siyang hinahabol o hindi kaya ay mayroon siyang kung anong tinatakasan.

These past few days ay lalong nagiging weird ang mga ikinikilos ni Silver. Tila ba may pinagdadaanan siya, pero bakit hindi niya sinasabi man lang sa amin?

Napa-buntong hininga na lang ako, at saka ako nag-simulang muli sa paglalakad. Alam kong sasabihin niya rin sa amin kung ano man ang problema niya ngayon... sa tamang panahon at tamang pagkakataon. Ngayon ay hindi na muna maaari dahil na rin sa maraming mga mata ang naka-masid at maraming tenga ang nag-aabang ng bagong balitang maihahandog.

Lumipas ang ilang oras, naglalakad ako sa malawak na field nang makarinig ako ng napaka-lakas na tili ng isang babae. Kaagad namang naalarma ang mga narito at saka tumungo sa pinagmulan ng boses. Sa garden.

Kaagad akong patungo roon at saka ako nagulat dahil sa nakita.

Isang babaeng tadtad ng saksak ang katawan, puno ng dugo, at naka-bigti ngayon sa isang puno. Nawawala rin ang ilang body parts nito kagaya ng kanyang iilang daliri.

Ngunit ang mas nag-pagulat sa akin ay nang makita ko kung sino ito.

Dahan-dahan akong napa-atras at saka nanigas ang aking katawan. Hindi ako maka-galaw sa sobrang gulat.

"S-silver?" gulat kong sambit, kasabay ng biglang pag-dating ni Zero. Galit na galit ang mukha niya at nagsisisigaw siya kung sino ang gumawa ng bagay na iyon, ngunit wala ni isa ang sumagot. Nag-wala lang si Zero, hanggang sa bigla na lang akong hinila ni Zeus.

Bakit tila apektadong-apektado si Zero? Sino ang gumawa ng bagay na iyon kay Silver? Parang kanina lang... t-teka!

"Zeus!" sigaw ko, at saka ako huminto kaya naman ay napa-hinto rin siya at saka siya lumingon sa akin.

"Zeus, nakita ko si Silver kaninang umaga, tila balisang-balisa at tila hinahabol ng kung sino sa hallway," sambit ko, tumango naman siya ng wala sa sarili at saka niya ako hinawakan sa balikat at tinignan ng mata sa mata.

"Umaatake na sila. Huwag mong hayaang bumagsak ka. At huwag kang mag-alala...ipagtatanggol kita laban sa kanila," seryosong sambit niya. Napa-lunok naman ako dahil sa sobrang lapit namin sa isa't isa, at saka ako dahan-dahang lumayo at tumango.

"Ngunit wala ba tayong plano?" tanong ko pa sa kanya, ngunit ngumisi lamang siya sa akin.

"Planado na ang lahat ng ito bago ka pa dumating rito," sambit niya, bago siya nag-lakad palayo, kahit hindi pa ako nakaka-sagot.

Anong ibig niyang sabihin na planado na ang lahat ng pangyayaring ito? May hindi ba ako alam sa mga nangyayari?

Tama nga siguro sila. Wala pa ako sa kalahati ng impormasyong naka-kubli rito. Maski ako ay nalilito na rin sa mga bagay-bagay. Kung dati ay magulo na ang buhay ko, mas lalo naman itong gumulo at lumala ngayon.

Codename Red Where stories live. Discover now