Chapter 21

684 28 3
                                    


DIAMOND

Ngayon na ang araw kung kailan gaganapin ang battle of the gangsters, at kasalukuyan na kaming naghahanda dahil anumang oras ay ipatatawag na kami sa arena upang simulan na ang labanan.

Matapos kong mag-handa ay umupo na muna ako sa sofa at pinag-masdan ang mga kasamahan ko na busy pa rin hanggang ngayon.

Napa-buntong hininga ako at saka ko ipinikit ang mga mata ko saka ako nag-isip. Kung hindi man kami manalo rito, mapaparusahan kami kaya naman ay dapat lang na manalo kami. Ano man ang mangyari ay dapat naming mapag-tagumpayan ang laban na ito sa ngalan ng mga ka-uri namin at kapakanan ng mga inosenteng nadadamay sa amin gulo.

Mayamaya lamang ay nag-bukas ang pintuan ng aming pinaghahandaan at saka pumasok ang isang babae, saka nito sinabi na tumungo na kami sa gilid ng arena kung saan kami naka-assign na pumwesto.

Marami na ang taong narito. Malakas ang kanilang hiyawan. Tila excited na excited na sa labanan. Nakita ko na rin ang mga makakalaban namin nina Zeus. Ang mga tatlo pang grupo na kakaharapin namin bago kami maka-akyat sa tuktok ng laro. Ang finale.

Habang naka-tingin ako sa ikalawang grupo ay biglang nahagip ng mata ko ang isang lalaki na ngayon ay naka-ngisi at naka-titig sa akin.

Siya si Romanov. Nakilala ko siya noong ipinakilala ang mga sasabak sa laro noong nakaraang linggo. Isa siyang matangkad na lalaki, may kaputian, at itim na itim na buhok. May tattoo rin itong cross sa leeg na mayroong rosas at kadena. Ramdam kong delikado siya at alam ko na isa siyang gangster. O baka nagkamali ako?

"Huwag kang tumingin sa kanya," biglang sambit ni Zeus na ikina-kunot ng noo ko, ngunit sinunod ko na lang siya dahil sa sumegunda sina Zero at Uno sa kanya.

Mayamaya lang ay biglang lumabas ang babae sa isang stage na nasa tuktok. Ang tower. Kailangan umakyat ng tatlong grupo roon at magpapa-unahan, at ang ika-apat na makaka-akyat o ang pinaka-huli sa lahat ay matatanggal na sa laro at hahatulan at ipapadala sa punishment room kung saan mararanasan nilang mapunta sa impyerno sa sakit na ipapa-dama sa kanila. Nasa kanila na rin ang kapalaran kung nanaisin pa ba nilang mabuhay o mamatay na lang na walang ginagawa laban sa mga kalaban at panganib na maaaring mag-dala sa kanila sa kapahamakan.

"Magandang araw, Shi University!" bati ng emcee. Kulay asul ang buhok niya at naka-suot siya ng all black. Naka-tingala naman kami sa kanya. Bumati pa ang mga studyante ng unibersidad na ito pabalik.

"Ako nga pala si Azul! Ako ang inyong emcee sa larong ito. At narito tayo ngayon upang tunghayan ang ikalawang linggo ng hunting season. Ngayon ay matutunghayan natin ang kanilang galing sa pakikipag-laban at pag-isip ng taktika na maaaring gamitin upang mapa-bagsak ang mga kalaban," sambit ng babaeng emcee at muling nag-hiyawan ang mga naka-palibot na mga studyante sa loob ng are.

"Ngayon ay isa-isa ko ng tatawagin ang bawat grupo at manlalaro. Kapag tinawag ko ang pangalan niyo ay maaari na kayong pumasok sa battlefield at kapag natapos na ako ay hintayin niyo ang aking hudyat sa pagsisimula ng ating laro," sabi pa nito sa amin na amin namang ikina-tango bilang pagsang-ayon sa kanyang mga sinabi, at saka niya na kami tinawag.

"Ang unang grupo! Blaze, Acid, Rain, Zyker, and Ezrel!" tawag nito sa unang grupo. Nag-hiyawan naman ang mga kababaihan sa paligid. Sino ba naman ang hindi titili kung makikita mo sa harapan ang limang nagguwa-gwapuhan at mala-adonis na mga lalaking 'yan?

Codename Red Where stories live. Discover now