Chapter 16

881 38 1
                                    


DIAMOND

Narito kami ngayon sa loob ng arena. Nag-anunsyo kaninang umagang wala kaming pasok ngayong araw dahil magtitipon raw kami rito sa loob ng arena, para sa isang palabas, ngunit... anong palabas?

"Hello, gangstas! I guess, inip na inip na kayo kanina pa?" biglang sulpot ni Headmaster Cassandra sa unahan na siyang nagpa-kunot ng noo ko. Naka-ngisi ito't mayroon rin itong dalang baril at dagger na naka-kabit sa binti niya.

"Ilabas ang dalawang paparusahan dahil sa pag-labag sa ating secret rule," sambit pa nito, kasabay ng pag-labas ng dalawang naka-tuxedo na dala ang dalawang babaeng hindi pamilyar sa akin, ngunit nasisigurado ko. Gangsters sila.

Binalot ng bulungan ang buong paligid. Tila nagtataka. Gano'n rin naman ako. Hindi nabanggit sa akin noong bago pa lamang ako rito na mayroong secret rule.

"Sila ay mula sa black class. Sayang naman. Mataas na sana ang class niyo, kaso, mamamatay na kayo ngayon eh," Sambit ni Headmaster Cassandra, habang naka-titig sa dalaga't mayroong napaka-laking ngisi sa mukha.

"Ngayon ay makaka-saksi kayo ng isang live torture na aming ipapa-live sa Dark Web. Isang website kung saan lahat ng nangyayari ay ilegal. Sigurado naman akong alam niyo na kung ano 'yon," ani pa nito. Ah! Dark Web. 'Yong mas delikado pa sa Deep Web. Balita ko'y maraming gores, candies, at iba pa rito. Doon rin nangyari ang Daisy's Destruction.

"Ngayon, itali ang dalawang 'yan sa silya," utos nito sa dalawang naka-itim na tuxedo na agad naman nilang sinunod. Pabilis rin ng pabilis ang takbo ng puso ko. Hindi pa kase ako nakaka-saksi ng live torture, na as in harap-harapan talaga.

Mayamaya lamang ay nag-simula na sila. Tinanggalan nila ang kuko ng dalawang babae ng paisa-isa, habang todo hiyaw naman ang dalawa't kami nama'y tutok na tutok lamang.

Matapos tanggalin ang kuko nila'y pinutol isa-isa ang mga daliri nila, gamit ang gubting. Take note, buhay pa sila. Kaya sigurado akong ramdam na ramdam nila ang sakit.

Nagulat naman ako nang biglang ilagay no'ng dalawang lalaki ang isang tinidor sa mata ng dalawang babae. Sa kaliwang mata nilang dalawa. Unti-unti nilang tinusok roon ang tinidor at saka 'yon inikot na para bang isa iyong meatballs bago nila tuluyang hinugot ang eyeball. Todo hiyaw at iyak lamang ang dalawa. Tumutulo na rin ang dugo sa kaliwa nilang mata.

Tinapon nang dalawang lalaki ang mata habang si Headmaster Cassandra nama'y tila tuwang-tuwa pa sa nasasaksihan ngayong karumal-dumal na krimen.

Mariin akong napa-pikit nang gupitin nila ang tainga ng dalawang babae. Dalawang tainga mismo. Kahit ang mga bulong nilang daing, naririnig ko. Pakiramdam ko, sasakit ang ulo ko.

"T-tulong..." Rinig kong bulong nilang dalawa, kaya mas lalo akong napa-pikit. Sumara rin ang palad ko't bumigat ang pag-hinga ko. Nagsisimula na ring sumakit ang ulo ko.

Napa-mulat akong muli nang maka-rinig ako ng napaka-lakas na pag-hataw at hiyaw. Nilalatigo sila! Naka-hubad na rin ang pang-itaas nila ngayon.

Tatayo na sana ako nang biglang may humawak sa balikat ko't hinila ako paupo.

"Z-zeus?" utal at nanginginig kong sambit ngunit tinitigan niya lamang ako.

"Huwag mong pakinggan at tignan," biglang sambit nito, ngunit napa-iling lamang ako.

"Ipikit mo ang mga mata mo," mahinahon nitong sambit. Napa-isip naman ako't napa-lingon sa harapan, at doon. Nakita ko ang kalupitan nila sa dalawang babae, kaya kaagad na lamang akong napa-pikit, kasabay nang pag-takip niya sa mag-kabilang tainga ko. Ramdam ko ring naka-tayo siya sa likuran ko.

Codename Red Where stories live. Discover now