Chapter 22

658 25 0
                                    


DIAMOND

"Try us," paghahamon pa sa amin ni King.

"Akalain mo nga naman at muli tayong nag-kita," biglang singit naman ni Ana, saka siya lumingon sa akin at saka niya ako sinamaan ng tingin.

Anong ibig niyang sabihin? Na mag-kakilala kami sa labas ng paaralan na ito?

"Anong ibig mong sabihin?" taka kong tanong saka ko pilit na inisip kung kailan at saan ba kami nag-kitang dalawa.

"Nakalimutan mo na ba? Ikaw ang sikat na si Red na sumira sa image ko sa gangster world! Ipinahiya mo ako sa maraming tao lalo na sa council of death!" pagpapa-alala nito sa akin, kasabay ng pag-pasok ng isang memorya sa aking utak.

Flashback

"So you are Ana? The best bitch of all bitches sa gangster world? I don't think so," I smirked pagka-tapos kong sabihin iyon habang hawak ang isang mikropono. Sinampal naman ako ng kaharap kong babae na nagngangalang Ana, kasabay ng pag-singhap ng mga narito.

Tumagilid ang mukha ko, at saka ako ngumisi at tumawa. Nag-spread arms pa ako habang tumatawang naka-harap sa nanggigigil na si Ana na siguradong hiyang-hiya na sa mga narito lalo na sa council.

"Iyan lang ba ang kaya mo?" maang-asar kong tanong kasabay ng pag-sugod niya sa akin, habang umiilag lang ako hanggang sa napagod na siya ng tuluyan at napa-luhod.

"I hate you!" gigil niyang sambit habang naka-luhod at saka niya ako dinuro-duro.

"Good... good... let the hate flow through you. High five!" sambit ko pa saka ko itinaas ang kamay ko at saka tumama ang palad ko sa makinis niyang mukha.

End of Flashback

"Oh, naaalala na kita. You said that you hate me before, right? Sinampal mo pa ako. Don't worry, it's not your fault. I'm really not good with animals," sambit ko na ikina-inis ng mukha niya. Habang palipat-lipat lang ng tingin sa aming dalawa ang kasamahan namin.

Mayamaya lang ay nauna na ring umatake si Ana sa akin na kaagad ko namang sinangga. Tig-iisa kami ngayon ng kasangga at tila pantay rin ang labanan sa hand to hand combat, hanggang sa nag-labas na kami ng aming mga patalim.

Tinira ko si Ana ng dagger ngunit naka-ilag siya, kasabay ng pag-ikot niya patungo sa akin at pag-tangkang sasaksakin ako pero nasipa ko siya sa kanyang sikmura at saka ko hinila ang buhok niya.

Ngumisi ako sa kanya saka ko tinignan ang kasamahan kong naka-titig lang sa amin at kasamahan niyang naka-handusay na ngayon sa malamig na sahig ng field.

"I really h-hate you..." mahinang sambit niya.

"Sorry, I don't understand a thing you say. I don't speak bullshit," I said ngunit ngumisi lamang siya sa akin.

"Mag-handa ka sa mga bagay na maaari mong malaman, Red. Malayo ka pa..." sambit niya bago niya biglang sinaksak ang sarili na siyang ikina-gulat ko kaya kaagad ko siyang binitawan. Ngunit bago siya bumagsak ay may pana pang tumama sa puso niya, kaya't napa-tingin kami sa direksyon kung saan nanggaling ito at saka nakita ang isang naka-cloak ng kulay pula na may linings na puti. Nasisiguro kong hindi siya si Black, ngunit sino siya?

"Ayos ka lang ba?" tanong sa akin ni Dos. Tumango lang ako sa kanya, at saka ko itinuro 'yong naka-pulang cloak.

"S-sino siya?" takang tanong ko, ngunit umiling lang sila. Kaya naman ay hindi na kami nag-dalawang isip na habulin iyong naka-cloak. Patuloy lang kami sa pag-takbo kahit na nakaka-ramdam na rin kami ng pagod, hanggang sa huminto kami sa harapan ng isang pinto.

Codename Red Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon