Chapter 10

1K 46 0
                                    

DIAMOND

Kaagad naman akong napa-tigil. Nagulat ako dahil sa nakitang hawak niya, ngunit hindi ko 'yon ipina-halata. Sa halip ay nag-panggap pa akong tila nag-tataka.

Pero... paano 'yon napunta sa kanya? Paano niya 'yon nahanap, eh nilibing ko na 'yon sa lupa? Sigurado akong walang naka-kita noon... maliban na lang kung may isa pa siyang abilidad na siya lamang ang nakaka-alam.

"Oh? Anong gagawin ko d'yan? At saka, huwag ako," mataray ko pang sabi sa kanya na siya ikina-igting naman ng panga niya kaya agad akong napa-lunok.

Tangina.

Nakalimutan kong kaya niya nga palang mag-basa ng isip! Damn this man.

"Sagutin mo ako ng maayos, Red. Baka nakakalimutan mo kung sino ako," nagbabantang sabi pa nito sa akin. Agad naman akong napa-iling bago tumango.

"Sige. Mag-usap tayo. Mag-usap tayo dito," at talagang diniinan ko pa 'yong salitang 'dito' dahil bossy pa naman siya. Gusto niya, siya lagi ang masusunod.

"May makaka-rinig sa atin," seryoso niyang sambit kaya napa-irap na lang ako sa kawalan.

"Sige! Fine! Saan ba?" inis ko pang tanong sa kanya.

"Sa kuwarto ko, and may kasalanan ka pa sa'kin, miss Red," seryosong sabi nito bago naka-pamulsang tumalikod mula sa akin at saka nag-simulang mag-lakad kaya agad ko syang hinabol at saka sinabayan.

"Tinapon mo ba 'yong pusa?" tanong ko pa sa kanya. Umismid naman siya, bago tumango.

"Hala ka! Animal abuse ka!" gulat kong sambit.

"Patay na 'yon," simple niya namang sambit sa akin kaya napa-irap na lang ako. Animal pa rin 'yon, eh.

Mayamaya lang ay nakarating na kami sa Diamond building. Uy, kapangalan ko pa building at saka section nila, ha!

Kung ikukumpara ang Diamond sa ibang building, mas maganda talaga ito. Mas elegante. Mas malawak. Perks of being in higher rank and class! Masyadong unfair, ha. Pero nag-hirap rin kase ang mga studyanteng napa-bilang sa building na 'to eh.

Hanggang sa... bigla akong napa-isip. Paano kaya kung mapa-bilang ako rito? Mas marami kaya akong matutuklasan? Siguradong mapapa-bilis ang plano ko.

"What plan?" napa-talon naman ako sa sobrang gulat nang biglang may mag-salita sa tabi ko. Si Zero.

Ay tanga! Nakalimutan kong nasa tabi ko siya. Madali lang kasi siyang kalimutan. Hehe. Joke.

"Wala! Plano ko lang maka-labas rito," pagsisinungaling ko pa with matching kamot ulo at tawa pa. Medyo awkward kase ang atmosphere.

"What a liar," he said while smirking. Well, ano ba ang pake niya? We're not friends. He's not my brother, boyfriend, or father. Wala siyang pake.

Namayani ang katahimikan sa aming dalawa. Lahat ng aming nadadaanan, napapa-tingin sa aming gawi. Maraming specials rito, at iyon ang maganda. Mas maraming nakatataas na kasamahan, mas mapapadali ang lahat.

Alam ko na ang plano niya. Alam ko na ang lahat. Unti-unti ko na ring nage-gets ang lahat ng mga nangyari sa akin. Bakit ba kase kailangan niya pang mag-sinungaling, kung puwede naman niyang sabihin na lang ng diretsahan sa akin?

Codename Red Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon