Chapter 15

970 40 0
                                    


DIAMOND

Nang maka-pasok na ako ng tuluyan sa diamond building ay kaagad akong sinalubong ng isang malamig na ihip ng hangin. Maliwanag rin ang lugar, ngunit napaka-tahimik, kumpara sa gold building. Napaka-dilim ng aura ng building na ito. Napaka-bigat rin ng atmospera rito. Tila isang maling galaw ko lang, sasabog ang ulo ko, o baka'y paulanan ako ng kung anong nakakamatay.

"Red!"

Nagulat naman ako nang biglang may kung sinong humawak sa balikat ko at saka ako mabilis na napa-lingon bago napa-hinga ng maluwag.

"Ginulat mo ako, Silver!" sabi ko pa sabay irap sa kanya, ngunit tumawa lang ang bruha sa akin.

"Sabay na tayo sa dorm room natin?" alok pa nito sa akin na agad ko namang sinang-ayunan. Mabuti nang mayro'ng kasama kaysa ang mag-isa. Mahirap na't baka mayroon ako maka-salubong na kung sino o mapa-rambol ako ng wala sa oras. Matataas pa naman ang ranggo ng mga narito.

Nang makarating kami sa palapag kung saan kami manunuluyan ay agad na hinanap ng mga mata namin ang magiging kuwarto naming dalawa't hindi naman kami nabigo dahil kaagad rin namin 'yong nakita.

Mabilis kaming nag-lakad patungo roon at saka kami pumasok bago nag-libot. Hindi hamak na mas malaki at saka mas maganda ang dormitoryong 'to kaysa sa gold, pero ang atmospera lamang ng paligid ang problema. Napaka-bigat. Hindi ako kumportable. Si Silver naman ay parang wala lamang sa kanya. Malamang ay sanay na siya.

Mayamaya lang ay nadaanan ko ang isang pintuang kulay pula at mayroong pangalan ko. Ito siguro ang magiging kuwarto ko mismo.

Mabilis kong hinawakan ang doorknob at saka 'yon pinihit at binuksan ng dahan-dahan.

Bumungad naman sa akin ang isang dark red themed na kuwarto na mayroong halong puti. Elegante ring tignan ang kabuuhan nito. Tila ba nag-check in lang ako sa isang five star hotel.

Mabilis akong lumapit sa cabinet at saka nakitang naroon na ang mga kagamitan ko. Ang kama ko nama'y ayos na't gano'n rin ang buong paligid. Malaki't kulay rin ang kama ko na tila kasiya pa para sa tatlong tao.

Agad akong lumapit roon at saka mabilis na humilata't pumikit. Nakaka-pagod ang araw at buwan na 'to. Puro patayan, awayan, o ano pang mayroong kinalaman sa violence.

Bagong dorm, bagong class, bagong section, at siguradong mayroon ring bagong problema.

Napa-hinga na lang ako ng malalim. Napaka-smooth ng galaw ko. Nasa first step na ako ngayon ng plano ko.

Napa-ngisi ako't napa-iling bago tuluyang pumikit, dahil na rin sa pagod. Kapag pala nasa diamond ka na, kailangang naka-survival mode ka. Mas mataas na class, mas mataas ang pursiyentong puntiryahin ng mga kalaban.

KINABUKASAN ay maaga akong nagising. Tumitig na muna ako sa kulay puting ceiling ng ilang minuto bago tuluyang tumayo't nag-tungo sa banyo dala ang tuwalya at saka ang mga gagamitin ko.

Naligo ako't nag-bihis ng uniporme bago tinitigan ang sarili sa salamin at saka napa-iling bago tuluyang lumabas ng banyo't ng mismong kuwarto ko at saka ako nag-tungo sa mini sala ng dorm at doon naabutan si Silver na humihigop ng cup noodles. At saka, oo nga pala. Dito sa diamond building, mayroon kaming kusina. Mayroon ring stock ng pagkain. Kumbaga, full package na.

"Kanina ka pa?" tanong ko kay Silver. Agad naman siyang tumingin sa akin, bago nginuya 'yong noodles, kaya napa-tango na lang ako.

"May isa pa doon. Naka-lagay sa mesa. Kainin mo," biglang sabi niya pa nang akmang maglalakad na ako patungo sa kusina na agad kong ikina-ngiti.

Codename Red Where stories live. Discover now