Chapter 2

1.5K 66 3
                                    


DIAMOND

Bigla akong nagising ngunit hindi na muna ako tumayo. Sa halip ay tumitig na muna ako sa ceiling. Umaga na. Mayroon na kasing tumatamang araw sa aking mukha at saka maliwanag na rin ang aking silid dahil sa araw.

Ilang minuto pa akong naka-titig sa may ceiling at saka inilipat ang paningin ko sa aking maleta. Napa-buntong hininga na lamang ako, bago ko napag-desisyunan na tumayo na upang maligo.

Nag-tungo ako sa CR at mabilis na nag-hubad at binuksan ang shower. Hinayaan ko lang na dumaloy at basain ako ng mga rumaragasang tubig.

Napa-pikit ako at saka lumingon sa salamin saka ko nakita ang repleksyon ko. Ang tunay kong hitsura na naka-tago lamang sa likod ng aking pekeng pagkatao... ng aking maskara.

Itim na itim na kulay ng buhok, maputing-maputi ang balat, at kulay dugo ang mga mata. Oo, pula ang mata ko, kaya naisipan kong maging codename ang Red.

Napa-hawak ako sa mukha ko bago ako napa-iling. Sabi ni Dad ay mag-kamukha raw kami ni Mom at pareho raw ng kulay ang aming mga mata, ngunit katulad ko'y nag-tatago rin siya sa isang maskara.

Napa-buntong hininga na lamang ako bago pinatay ang shower at saka ibinalot ang aking sarili gamit ang isang puting tuwalya.

Mabilis akong lumabas ng CR at saka nag-tungo sa walk in closet ko at doon pinatuyo ang buhok ko at saka ko isinuot ang itim kong contact lens.

Mabilis akong tumayo matapos kong mag-ayos sa harapan ng salamin at saka nag-bihis. Isang kulay pulang sando lang ang suot ko at itim na leather jacket at maong short shorts, tapos ay doll shoes.

I look like a typical highschool bad girl because of my look today.

Matapos kong mag-bihis ay hindi ko na ch-in-eck ang suot ko dahil alam ko naman nang bagay sa'kin 'to, at saka ako mabilis na lumabas at dinampot ang kulay pulang pistol ko. Oo nga pala. Infinite ang bala nito kaya kahit ilang putok pa ang pakawalan ko ay hindi mauubos 'to. Upgraded pistol kase 'to.

Mabilis kong ibinalot 'yon sa isang foil at saka ko 'yon inilagay sa secret pocket ng malaking maleta ko, pagkatapos ay agad ko 'yong sinara at saka ko 'yon hinila palabas. Buti na lang may gulong 'to dahil kung 'di itatapon ko talaga 'to pababa ng hagdan.

Nang tuluyan na akong ma-baba mula sa third floor ay mabilis kong ini-abot sa isang maid 'yong maleta ko. Letche 'yan! Pinagod ako niyang maletang 'yan sa pag-hila ha!

"M-madame. Saan ho 'to dadalhin?" tanong pa no'ng maid. Talagang na-utal pa. Akala naman niya kakainin ko siya, eh hindi naman ako kumakain ng panget. Just kiddin'.

"Itabi mo na lang doon sa kulay pula na may halong itim kong sports car," agad naman siyang yumuko, at saka 'yon hinila. Napa-irap na lang ako sa kawalan bago nag-tungo sa kusina.

Nang makarating ako sa kusina'y agad na bumungad sa akin si Dad na naka-upo sa isang dulo ng lamesa. May tasa sa harapan at mayroong hawak na diyaryo. Mabilis naman akong nag-tungo sa kinaroroonan niya at saka humalik sa pisngi niya.

"Morning, Dad," bati ko pa. Mabilis niya namang ibinaba ang diyaryo niya at saka ako nginitian.

"Morning, Daughter," sagot niya pa, bago uminom mula sa tasa niyang may lamang brewed coffee.

Ngumiti na lamang ako bago nag-sandok ng kanin at saka ulam at nag-simulang kumain.

"Oo nga pala, Diamond. Hindi kita masasamahan sa pag-tungo sa papasukan mo, dahil na rin sa mayroon akong pupuntahang meeting mamaya, kasama ang iilang agents," mahabang litanya ni Dad. Napa-kunot naman ang noo ko.

Codename Red Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon