Chapter 7

1.1K 45 1
                                    


DIAMOND

"Old members, you may now go. And newbies, stay," pagkatapos niyang mag-explain ay agad niya 'yong sinabi na agad rin namang sinunod ng nakararami. Konti lang rin kami ang naiwan at... kasali na roon si Silver. Ibig sabihin, kahapon nga lang siya nag-register? Akala ko ba'y matagal na siya rito? Oh, well. Hindi naman ako nag-tanong, eh.

At ang explanation naman kung paano kami nagkarokn ng enhanced senses ay dahil sa isang malaking gulo na naganap noong taong 1894 dito mismo sa Pilipinas sa loob ng isang laboratoryo. Sumabog ang eksperimento nilang tinatawag nilang project special. Maaari raw na kasama ang mga ninuno namin roon, o baka'y nasa malapit sila sa may laboratory. Sigurado rin raw na mayroon nito ang isa sa mga magulang namin, ngunit hindi ko alam. Sino ba ang mayroong enhanced sense? Si Mom, o si Dad? Ngunit... maaari ring dalawa silang mayroon.

Kung bakit naman raw ginawa ang proyektong 'yon ay dahil sa prediction of world war three. Para talaga 'yon sa mga sundalo, at halos tatlong-daang tao ang pinag-eksperimentohan nito.

"Lahat ng baguhan, pumila rito sa harapan ng stage," sambit noong lalaking kasama ni Zero. Si Uno... Nakita ko pa siyang napa-tingin sa akin at saka napa-ngisi.

Napa-iling na lamang ako't naki-pila na sa kanila. Nasa unahan ko rin si Silver ngunit hindi niya ako nililingon. Napaka-seryoso niya talagang babae.

Bumaba si Zero at saka Uno sa stage gamit ang seryosong mukha at saka kami tinitigan. Sa paningin ko'y kanang kamay ni Zero si Uno kasi naka-buntot ito sa kanya kanina pa.

"So, nasa twenty kayong lahat," sambit pa ni Uno. Oo, twenty nga kami, at ako ang nasa pinaka-dulo ngayon.

Nag-lakad si Zero hanggang sa makarating siya sa puwesto ko at saka siya napa-ngisi't namulsa bago umikot at tinignan 'yong iba saka siya tumango.

"Didiretsuhin ko na kayong lahat," sambit pa ni Zero gamit ang malalim na boses. "Sabihin niyo ang inyong specials and enhanced senses," dugtong pa nito na agad naman nilang sinunod hanggang nasa kay Silver na.

"Enhanced sense of touch and special telekinesis," sambit pa nito gamit rin ang seryosong boses. Napaka-bigat rin ng atmospera sa buong lugar ngayon.

"Nice. So you can read a book, kahit hawakan mo lang ang isang page? Maganda kang tauhan para sa decrypting o searching," biglang singit ni Uno. Ngumisi naman si Silver sa kanya.

"So, what about you, new girl?" sabay baling sa akin ng tingin ni Zero.

"Wala pa akong bracelet, " sambit ko bigla. Napa-tingin naman sa akin 'yong iba habang ngumuso naman si Uno sa may kamay ko kaya agad akong napa-tingin roon... at mayroon na nga ako. Isang kalahating itim at kalahating pulang bracelet.

"Kasabay ng pag-pasok mo rito, mag-a-appear rin ang bracelet. Advanced kami rito. High technology, kumbaga," napa-tango naman ako kay Uno. Medyo napahiya kase ako.

"So, again. What's yours?" wow. Parang nagtatanong lang siya sa isang customer ng order, ha? Bagay pala mag-waiter 'tong si pareng Zero.

"I can read your mind," blankong sambit nito. Agad namang nanlaki ang mata ko at saka napa-iling.

"Weh? Hala! Seryoso ka ba diyan?"

"My brain rewires itself, at noong nakaraang linggo ko lang 'to natutunang kontrolin. So, anong sa'yo? Bilisan mo't marami pa kaming gagawin," naka-pamulsa nitong sambit habang naka-titig sa mga mata ko.

"Enhanced eyesight and... special killing eyes. An ability to kill and control via looking," sabay tanggal ko pa sa suot kong contact lens.

Agad namang napa-tahimik ang buong lugar habang naka-titig lang sa akin.

Codename Red Where stories live. Discover now