Chapter 1- Isang Napakahaba at Napakadilim na Gabi

898 21 3
                                    

"Ma, aalis po pala ako mamayang gabi." Biglang pagpaalam ni Teresita sa kanyang ina na si Helen.

"O, saan ka pupunta? Bakit ngayon mo lang sinabi?" Nalilitong tanong nito.

"Magroroadtrip lang po ako. Masyado na po talaga akong stressed sa trabaho nitong mga nakaraang araw kaya kailangan ko munang magpahinga."

"Sino ang kasama mo doon?"

"Ako lang pong mag-isa. Pupunta po ako ng San Ignacio."

"O, napakalayo naman nun. Bakit naisipan mong pumunta doon nang mag-isa lang at gabi pa?"

Hindi na sumagot si Teresita sa kanyang ina na may pag-aalala ng pag-aala sa mukha nito. Iniisip nitong may naging problema ang anak kaya gusto nitong umalis. 

"Sige Ma, pupunta na muna ako sa office para i-follow-up yung pagreresign ko doon."

"Resignation? Bakit ka magreresign?"

"Medyo tatagal din po kasi ako dun sa pupuntahan ko. At isa pa, hindi ko na rin po gusto ang trabaho ko. Pupunta ako doon at aalamin kung may trabaho doon na pwede kong mapapasukan kung sakali."

"Bakit naman? May problema ba pag dito ka na lang magtatrabaho?" Tanong ng ina na tila nalulungkot dahil sa kanyang narinig.

"Wala naman, Ma. Pero gusto ko lang po sana na subukang magtrabaho sa ibang lugar. Malay niyo, baka mas malaki ang pasahod nila doon. Wag po kayong mag-alala, kung sakali man na makakahanap ako roon ng trabaho, buwan-buwan po akong uuwi." Katuwiran pa ni Teresita.

"Sige po, pupunta na po ako." Paalam pa nito sa kanyang ina. 

"Sige, mag-iingat ka."

Umalis na si Teresita para ipasa ang resignation letter sa bangko na kanyang pinapasukan. 

Nagtungo si Helen sa kwarto nito para tingnan kung ano ang pinagdadaanan ng anak. Nakita niyang nakaimpake na ang isang bag. Pumunta siya sa mesa kung saan naroon ang litrato ni Teresita kasama ang boyfriend nitong si Paulo. Napansin niyang may mga girit-girit ang litrato kaya naisipan niyang ito ang dahilan kung bakit aalis ang kanyang anak. Kakahiwalay lang kasi nina Teresita at Paulo noong kamakailan lang.

Nagulat si Helen nang may taong nakatayo sa may pintuan nung palabas na siya.

"O, Mac-Mac. Andyan ka na pala. Tapos na pala trabaho mo." Bati pa niya sa kanyang asawa.

"Oo, kanina pa akong nakatitig sayo at parang hindi ka mapakali." Sagot pa ni Macario.

"Yung anak mo kasi, aalis daw mamayang gabi.. Eh, nag-aalala ako dahil mag-isa lang siya."

"Bakit, saan daw siya pupunta?"

"Mag-roroadtrip daw siya papuntang San Ignacio at magbabakasyon doon. Sa katunayan nga, magreresign na rin siya sa trabaho ngayon, at sa San Ignacio raw magbabakasakaling maghanap ng trabaho. Pero ang iniisip ko, dahil ito kay Paulo. Baka gusto niyang magkalimot kaya siya pupunta roon."

Ang Pagkawala Ni Teresita GomezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon