Pangatlong Kabanata

Start from the beginning
                                    

Patuloy lang sila sa pag hahakot. Malapit na bumaba ang araw. Mamaya, mag didilim na.

Nakatayo si Julia sa gilid ng highway at hawak ang kaniyang armas. Umaasa siya na pagka balik ng mag kapatid ay kasama na si Jensen. Ayan na naman siya sa pag-asa. Kaya sila laging nasasaktan, lagi kasi silang umaasa.

May narinig silang kaluskos kaya lahat sila ay sumalubong sa gilid.

Lumabas si Wade at Enrique at........wala na. Silang dalawa lang. Walang dumagdag. Walang bumawas.

"H-hindi niyo s-siya n-nakita?" nanginginig si Julia. Ayan na naman ang mga luha niya na walang tigil sa pag tapon.

"Biglang nawala ang track niya. Hindi na namin makita." paliwanag ni Wade. Kita mo ang pagka putla ng mga mukha nila lalu na ni Victoria.

Napaupo sa railing si Julia. Tinabihan siya nila Kathryn. Nabalot sila ng katahimikan. Wala silang ibang inihihiling kungdi ang pag sulpot ng bata sa kanilang likuran.

Nag iintay sila na lalabas siya diyan ng naka ngiti. Puno ng putik ang mukha. May mga galos. May kaunting sira ang damit pero naka ngiti. Hindi naka busangot. Hindi malungkot. Hindi patay. Kungdi naka ngiti sa kanila at nag sasabi na every thing is okay.

Pero habang bumababa ang araw, kasabay nito ang pag baba ng kanilang mga ulo. Kasabay ng araw ang pag baba ng pag-asa nila.

"P-paano mo siya n-nagawang iwan doon m-mag isa?" si Julia ang naunang bumasag ng katahimikan. Nakatingin siya kay Victoria. Tuloy ang pag agos ng luha niya. "Bakit m-mo s-siya iniwan?"

"Hindi ko siya iniwan. I killed the roamers for him...." umiiling si Victoria dahil kahit papaano na giguilty siya.

"Mag hahanap ulit tayo bukas." sabi ni Daniel sabay akbay kay Julia.

"But he's just a boy. Hindi niya kayang mag-isa sa labas." sabi ni Julia. Yumakap si Kathryn kay Enrique na kanina pa tulala sa gubat. Niyakap din siya pabalik ng binata.

Hinawakan ni Champ si Victoria pero umiling lang ito at lumayo na. Humiwalay siya sa mga kasamahan niya at nag tungo sa isang sasakyan.

Hindi sila nakatulog ng maayos.

***

"Sila lang maiiwan dito?" tanung ni Kathryn kay Enrique habang nakatingin sa kaibigan na masama ang pakiramdam.

"Oo. Kailangan kasing tapusin ni Christopher ang pag-aayos ng RV. Para pagka balik natin, makaka alis na tayo." nireready niya ang armas na dadalin.

"Na kasama si Jensen. Yun ang importante di ba?" biglang singit ni Julia.

Tumango si Enrique at hinalikan sa noo ang dalaga. "Hindi natin siya iiwan."

"Tara na! Para hangga't maaga malayo ang marating natin." tawag ni Wade sa kanila.

Nakapila silang umalis. Nasa harapan si Enrique at Daniel. Nasa likuran si Broody at Daniel. Nasa gitna ang mga babae at iba pa. Yung mga nasa likuran lang ang may dala ng baril. Ang nasa gitna ay may dala ng mga kutsilyo, itak, o kahit na anung pwedeng ipang hampas.

Halos isang araw na silang nag lalakad. Wala pa rin silang makita.

Maya-maya....

"Anu yun?!" tanung ni Wade. Siya ang unang nag tanung kahit lahat sila ay nakarinig na.

"Is that a bell?" tanung ni Zeus.

Parang may tunog ng kampana. Parang may nag tatawag. Parang nang gagaling sa di kalayuan na lugar.

"Baka may nang hihingi ng tulong."

"Baka may nag sasabi na nakuha nila si Jensen."

"Baka si Jensen na mismo yun."

Nag-unahan sila sa pag takbo. Sinusundan nila ang tunog nung kampana. Mabibilis sila. Wala nang pakialam kung sino ang nahuhuli.

Huminto sila sa bukana ng makakita sila ng isang simbahan. Diretso ang takbo ni Enrique.

"Teka !" sigaw ni Broody. Hindi siya sigurado kung ito ba ang tamang simbahan. Hindi sila sigurado kung ito ba yung pinang gagalingan nung tunog.

Sumunod sila kay Enrique hanggang sa pintuan. "Dito ba talaga?" tanung ni Champ. "Wala naman kampana."

Inilagay ni Enrique ang daliri niya sa kaniyang bibig sabay bukas ng pintuan.

*GROAAN*

Tatlong roamer ang dahan-dahan itong lumingon sa kanila.

Daniel.Broody.Enrique

Sinugod na nila ang mga ito bago pa makalapit sa kanila. Hinampas nila ito. Tinira ni Enrique ang isa gamit ang pana niya.

"JENSEN !!!" sigaw ni Enrique pagka tumba nung huling roamer.

Humarap sa altar si Daniel. "Are you taking request?" sabay umiling.

"This is the wrong church. Walang kampana. Baka nag kamali tayo ---" natigilan si Broody ng biglang tumunog ulit ang narinig nila. Nag unahan sila sa pag labas.

May hinila si Champ mula sa isang fuse box. "Naka timer." sabay turo niya sa itaas na speaker. Ito ang ginagamit pag nag tatawag ng mga tao para sa misa.

"Papasok muna kami sa loob." sabi ni Emily sabay hila sa anak niya at sumunod sila Wade. Naiwan si Enrique at Julia sa labas. Nasa may puno naman si Kathryn at Daniel.

"Hindi ka ba religious?" tanung ni Kathryn kay Daniel. Nag kibit balikat lang ang binata. Tumingin si Kathryn kay Julia na umiiyak kay Enrique.

"Hindi ba? o Hindi na?" pag tatama ni Kathryn sa tanung niya.

"Hindi na." tumayo na ng diretso si Daniel mula sa pagkaka sandal. "Simula ng bangungot na ito, hindi ko alam kung talagang nandyan ba siya. Hindi ko alam kung umpisa pa lang, mayroon ba talaga siya sa itaas."

Lumapit si Kathryn at pinatong ang kamay sa balikat ng binata. "Hindi kita masisisi. Mahirap talaga tanggapin. Pero we'll never, baka mamaya, magparamdam siya sa atin."

Maya-maya ay nag tipon-tipon na sila sa gitna. Naka pamewang si Broody.

"Mag hihiwalay tayo." yun agad ang sinabi nila. Halos malaglag ang panga ng buong grupo.

"Babalik kayo dun sa highway pero sa ibang daan. Ako at si Wade ang kasama niyo." paliwanag ni Broody. Tumingin siya kila Enrique, "Kayong apat naman mag papatuloy dun hanggang sa may creek. Pag naramdaman niyo na ang init, tsaka kayo bumalik sa highway."

Tumango ang apat.

"Sigurado kayong kaya niyo?" tanung ni Champ sa apat.

"Oo naman. Umpisa pa lang kaming apat na ang magkasama." naka ngiti pa si Enrique pero may bahid ng kalungkutan sa mga mata.

Nag paalam na sila sa isa't-isa at tuluyan ng nag hiwalay. Naka linya silang apat.

Nakalayo na sila ng kaunti ng may marinig silang kaluskos. Natigil silang apat.

"Wag kayo maingay." sabi ni Daniel. Sinilip nila kung anu iyon.

"Wow.." bulong ni Kathryn ng may makita siyang isang kabayo na puti. Bihira ang ganito. Siguro galing ito sa isang bahay. Baka naligaw.

Lumapit ng dahan-dahan si Kathryn. Pipigilan sana siya ni Julia pero umiling sila Daniel. Kita kasi nila kung gaano kasaya ang dalaga.

Kahit na sila ay nagkaroon ng ngiti sa mga mukha. Natutuwa sila. Hindi lang pala mga kapangitan ang nakapaligid sa kanila, kahit papaano, may nag papaganda pa dito.

Nang makalapit na si Kathryn. Mabilis ang pangyayari. Tumumba na lang siya ng marinig nila ang isang tunog na nakaka bingi. Isang tunog na kayang-kaya kang burahin kaagad sa mundong ito. Isang tunog na nagpapigil sa kanilang mga hininga. Isang tunog.

Isang kalabit na posibiladad na kumuha na sa buhay ni Kathryn.

At ito ay ang putok ng baril.

Already GoneWhere stories live. Discover now