Agad kong iwinaswas ang sandata ko at dahil hinarangan nya ito, napatalsik sya papunta sa pader dahilan mapahinto ang mga nagsasanay at mapatingin sa pader na gumuho.

Oh, my bad.

Lagot ako kay tito.

"Seanica"

Agad kong binalik sa silver ang sandata at humarap kay tito na nakangiti.

"Bakit po?"

"I told you, don't use your sun magic" seryosong sabi nya.

"Pero, mahina lang po yun tito. Sa katunayan nga po, kasing level lang po nun nang mga ibang mahika ko po" paliwanag ko sa kanya.

"Kahit na. Iba pa rin ang sun magic mo. Main Element mo iyun Seanica. Sa susunod, wag mo na ulit gagamitin. Maliwanag ba?"

Tumango nalang ako.

Umalis na si tito at bumalik ulit ang lahat sa pagsasanay. Nakita ko naman kung paano magkatinginan ang mga colors name. Napakunot noo ako dahil dun

Ano nanaman iniisip nang mga yun?

Feeling ko talaga, hindi sila galing dito eh.

Tumingin ako kay Xeanel na ngayong nakatayo na. Lumapit sya saakin.

"Sorry"

Paghingi ko nang tawad dahil nakita kong puro sugat sya na agad naman din nawala.

"It's okay, pahinga muna tayo ulit" sabi nya.

Tumango nalang ako at umupo kami sa bleacher. Tiningnan ko sina Bellear at Mike.

"Mukhang ginagamit din nila yung mga main elements nila" sabi ni Xeanel nang makita naming kulay black ang espada ni Bellear samantalang kulay white naman ang kay Mike.

Hindi ko nalang sila pinanood at bumaling ako kay Yeoneun.

Napakunot noo ako nang makita kong ginagamit na ni Yeoneun ang main element nya dahil kulay green na ang sandata nya na pinapalibutan nang kuryente samantalang ang kay Green naman ay kulay green din ang sandata na akala mo ay gawa sa yelo.

Ganun ba kalakas ang mahika nya para makapantay nya lang ang main element ni Yeoneun?

Nakita ko kung paano napatalsik si Green.

Mukhang, may lamang pa rin si Yeoneun.

"Okay! Sa ngayon, ito na ang last training nyo. May isang linggo kayong bakasyon kaya makakapagpahinga kayo. Nagpapasalamat ako sa pakikicooperate nyo saakin. Sana maging malakas pa kayo at sana maging handa kayo sa ano pang laban ang haharapin. Sige na, bumalik na kayo sa mga dorm nyo" anunsyo ni tito dahilan magsialisan na ang iba.

Lumapit saamin sina Bellear, Mike, Yeoneun, Stacy at Jack. Maski rin sina Stacy at Jack ay nagtratraining at silang dalawa ang magkalaban. Ang cute nga nilang tingnan eh.

"Bumalik na kayo sa dorm nyo"

Napatingin kami kay Tito. Tumayo na kami at nagpaalam sakanya.

***

Bigla akong nagising. Tiningnan ko ang oras at napamura nalang ako nang makita kong alas tres palang ng madaling araw.

Pinilit kong pumikit pero hindi na ako makatulog pa kaya wala akong nagawa kundi tumayo nalang. Lumabas ako nang kwarto at nagtimpla nang gatas.

Baka makatulog ako ulit kapag uminom ako nito.

Napatingin ako sa pintuan nang bumukas ito. Pumasok lang pala si Xeanel sa kusina.

Nakita kong nagulat sya nang makita nya ako.

TPP 2 : POWERFUL ELEMENTS Where stories live. Discover now