Inambahan ko sya nang kamao ko dahilan mapaatras ang ulo nya

"Siguraduhin mo lang! Baka sa isang iglap tutuluyan kitang mawala" pagbabanta ko sa kanya dahil may pagkasira ulo din toh.

"Easy lang, hehehe" kinakabahang sabi ni Sean.

"Good. Mabuti nang nagkakaintindihan tayo. Anak, sabihin mo saakin kapag binubully ka nang ama mo ah? Uupakan ko talaga yan" sabi ko dahilan matawa si Seanica pati rin sila Cass.

"HAHAHA sure mom" natatawang sabi ni Seanica.

"Tara na Stein" pang-aaya ko kay Stein.

Tumayo naman ito.

"Stacy, Jack. Dito muna kayo, ok? kung may kailangan kayo, sabihin nyo lang kay tita Cass nyo o kaya kay tito Jack. Ok?" sabi ni Stein sa dalawa.

Tumango naman ang dalawa.

"Sige na anak. Aalis na kami" paalam ko sa anak ko at hinalikan ko sya sa pisngi.

Tumalikod na ako at magsisimulang maglakad nang may tumikhim.

"Pano naman ako? Walang good bye kiss?"

Humarap ako sa kanya at ngumiti nang malawak. Ngiting ngiti akong lumapit sakanya at hahalikan ko sana sya sa pisngi nang bumulong ako sa tenga

"Good bye punch?" tanong ko sa kanya.

"Ah, hindi hehe. Sige na umalis na kayo. Ingat ka nalang mahal. Hehehe" biglang bawi ni Sean.

Umayos ako nang tayo at tatalikod na sana nang mabilis ko syang halikan sa pisngi.

"Biro lang"

Natawa ako sa reaksyon ni Sean dahil namula ang tenga nya. Tumalikod na ako at umalis na kami ni Stein.

Pumunta na kami sa Elfiertal Kingdom. Kung nagtataka kayo kung bakit doon kami nagpupulong? Dahil sa gusto ko lang. Feeling ko kasi, hindi pangmeeting place ang palasyo ko.

***

"So kailangan na nating kumilos?" tanong ni Sabelle.

"Ganun na nga. Lalo na't may pangitain kaming nakita ni Ella" sabi ko sa kanila.

"Ano naman iyon?" tanong ni Dark Queen

Nagkatinginan kami ni Ella.

"Magkakaroon nang digmaan. Kailangan natin itong paghandaan dahil hindi biro ang mga makakalaban natin" seryosong sabi ni Ella.

"Anong klaseng mga kalaban ang mga ito?" tanong ni Maxenne.

"Sa ngayon, hindi pa namin alam kung anong klaseng creatures sila pero nasisiguro namin na galing sila sa future" seryosong sabi ko at napasandal sa upuan ko.

"Ibig mo bang sabihin na dahil sa future sila galing paniguradong malalakas sila?" pag-iintindi ni Arron.

"Oo, ganun na nga. Lalo na't napatunayan ito nang dalawang nilalang na lumusob sa Magica Dark Academia" sabi ko.

"Kailan ang simula nang training?" tanong ni Delixean.

"Sa pagbalik nang mga estudyante" sagot ni Ella sa asawa nya.

"Sya nga pala, bumalik na si Sean" nakangiting wika ni Stein.

Nakita kong nanlaki ang mata nila.

"Si kuya Sean?!" gulat na sigaw nila.

Tumango ako nang mapatingin sila saakin. Nakikilala pa nila si Sean dahil bumalik na ang mga alaala ng mga white magicians.

"Kung ganun, babalik na ang Light Kingdom?" tanong ni Stevan.

"Siguro" sabi ni Stein

"Namiss ko sya! Dalaw sya dito, Anica. Sabihin mo, namiss na namin sya!" tuwang tuwang sabi ni Lyra.

"Sure" nakangiting sabi ko.

"Oh sya, basta yung training na pinag-uusapan natin. Magiging trainor nila ako. Ako na rin ang bahala sa mga sandata" paalala ni Stein.

"Sure! ikaw pa!" natatawang sabi ni Christian.

Napatawa nalang kami. Basta talaga ganito, active tong si Stein sa pagiging trainor.

_____________________________

Seanica POV

Isang linggo na ang nakakalipas at sa loob nang isang linggo, nangbonding kami nina mom at dad. Ang saya ko dahil finally, nakita ko na si dad. Hindi ko naman kasi namukhaan si dad sa panaginip ko dahil hindi ko masyado maaninag ang mukha nya. Tinanong ko sya kung bakit, nagpakita sya sa panaginip ko. Ang sagot naman nya...

"Para gisingin ka"

Alam ko naman yun. Ang sarap talaga minsan batukan ni papa.

"Seanica"

Napatingin ako kila Stacy. Nandito kami ngayon sa labas kasalukuyang naglalakad papuntang Magica Dark Academia. Kasama ko sila dahil dun muna daw sila yun ang sabi saakin ni mom at hindi ko alam ang dahilan.

"Bakit?"

"Wala lang. Kanina ka pa kasi tulala" nakangiting sabi ni Stacy. Tumango lang ako.

Mabilis kaming naglakad at dahil dun, mabilis din kami nakarating. Pumasok kami agad sa Academia at nakita naman namin sila Xeanel.

"Seanica! oh, Stacy! Jack!"

Lumapit lang kami sa kanila.

"Buti nakarating na kayo" nakangiting sabi ni Yeoneun.

Tumango lang kami. Alam na rin nila na dito muna yang dalawa pansamantala. Pumunta nalang kami sa dorm dahil dun din magdodorm ang dalawa. Agad naming nilagay ang mga gamit namin at naisipang umupo sa sofa para makapagpahinga saglit.

"Attentions! To all students! Please, go to the field! I repeat, To all students! Please, go to the field now!"

Napatayo kami nang biglang tumunog ang speaker makalipas nang ilang minuto.

"Ano na naman ito?!" medyo inis na tanong ni Bellear. Siguro, hindi sya nakontento sa minutong pagpapahinga.

Hindi nalang namin sya sinagot at dumeretso sa field. Pagkarating namin, marami nang estudyante ang nandito. Malawak naman ito kaya kasya ang lahat na magicians. Maya maya lang, nagpakita si HM sa harapan namin.

"Good morning students! Pasensya na kung naistorbo ko kayo pero nandito ako dahil may ipapakilala ako sa inyo" anunsyo ni HM dahilan magbulungan ang mga estudyante.

"Quite! Pinapakilala ko sa inyo, ang magiting at ang mahusay sa paggagawa ng mga sandata.....Stein Alberts!"

Nagulat kami nang makita namin si tito nang magpakita sya. Anong ginagawa nya dito?
Nakita kong natahimik ang mga estudyante.

"Hello, students! Ako si Stein Alberts. Nandito ako upang ipaalam sainyo, na ako ang magiging trainor nyo" nakangiting pahayag nya.

What?! Trainor? Ibig sabihin...

"Ako ang magiging trainor nyo, sa training na magaganap. Be ready, students. Hindi ako mabait kapag ako'y naging trainor"

Say what?!

TPP 2 : POWERFUL ELEMENTS Onde histórias criam vida. Descubra agora