"Paano po ang mga estudyante ng Magica Academia at Dark Academy? Alam po ba nila ang tungkol dito mom?" tanong ko.

Tumango muna sya bago sumagot.

"Oo anak. Alam na nila. Pinauwi rin sila sa mga tirahan nila at tulad niyo, ngayon din ang balik nila. Ibig sabihin, ito ang unang araw na papasok kayong lahat sa Magica Dark Academia" sabi ni mom at ngumiti.

Ngumiti rin ako.

Pumasok na kami ni mom at wala pa kaming nakikitang estudyante.

Mukhang kami palang ang nandito.

Habang naglalakad kami ni mom, nagtanong ako sa kanya.

"Siya nga pala mom, paano po iyon? Uulitin po ba ulit ang contest para sa position?" tanong ko.

Nakita kong umiling si mom.

"Hindi na nak. May nangunguna rin sa Dark Academy. Ang mangyayari, makakasama niyo sila sa office nyo. Bale, may representative na officers ang Dark Academy. Ganun din ang Magica Academia, which is kayo" sabi niya.

Tumango ako bilang sagot. Huminto na kami sa paglalakad ng makarating na kami sa HM Office. Bumukas ng kusa ang pinto kaya pumasok kami ni mom.

Nakita naman namin si HM na nakangiti saamin. Kaunti syang yumuko bago kami binati.

"Buenos días, Queen Anica and Princess Seanica" bati saamin ni HM.

(Good Morning)

Tumango lang si mom kaya tumango na rin ako.

"Maupo kayo" sabi ni HM.

"Princess Seanica, gusto kong malaman mo na simula ngayon, tatayo kang president ng Magica Academia. Aware ka naman siguro na may mga makakasama na tayong dark magicians?" sabi ni HM.

Tumango ako bilang tugon.

"Good. Anyway, huwag kang mag-alala, hiwalay ang building ng mga dark magicians sa mga white magicians pero may pagkakataon na may makikita kang dark magicians dahil nasa iisang Academia lang kayo. May office ang mga officers na tulad nyo. Magkakasama kayong lahat na officers sa iisang office kaya asahan mong malaki ang magiging office nyo. Sinabi kong lahat, ibig sabihin ay makakasama mo ang mga senicians ng white at dark magicians, junicians ng white at dark magicians at kicians ng dark magicians" sabi ni HM at ngumiti.

Napangiti naman ako sa isip.

Makakakita na ako ng mga senicians at junicians.

Tumango ako kay HM at nakita kong may binigay sya sakin na envelope na tinanggap ko naman.

"Sa loob ng envelope na iyan, nandiyan na lahat ang tungkol sa school. Andyan na lahat ang gusto mong malaman pati na rin ang mga names ng mga kicians ng white at dark magicians"

Tumango ako.

"Iyan lang muna ang maisasabi ko. Sa ngayon, gusto kong mameet mo na sila"

Tumayo ako at tumingin kay mom.

"Good luck anak. Mag-ingat ka" paalala saakin ni mom.

"I will, mom" sabi ko at nagpaalam na sa kanila.

Dumeretso ako sa dorm namin.
Pagdating ko dun, nakita kong nandun na sila.

Napatingin sila saakin at biglang napatayo.

Nagulat ako ng yakapin nila ako, pati si Xeanel. Pero mas ikinagulat ko ng makita ko si Lily na nakangiti saakin.

Umalis sa pagkakayakap saakin ang apat.

"Namiss kanamin Seanica" sabi ni Yeoneun.

"Tama" sabay na sabi ni Bellear at Mike.

"Seanica"

Napatingin kaming lahat kay Lily.

Lumapit sya saakin.

"Sorry" mahinang sambit nya dahilan tingnan ko lang siya.

"Its okay" sabi ko at nagulat ako ng bigla siyang umiyak.

"Hindi ko alam kung bakit ang dali mong magpatawad sa kabila ng mga masama naming ginawa ni papa. Alam kong galit ka pa rin saakin pero pinatawad mo pa rin ako. Sorry talaga Seanica. Pasensya na kung nainggit ako sayo noon. Pasensya na kung masyado akong nagmataas sa sarili ko. Sorry talaga Seanica" sabi nya habang umiiyak.

"Okay lang, Lily. Naiintindihan kita. Pwede pa naman tayo maging magkaibigan ulit" sabi ko sa kanya.

Nakita kong mas lalo syang humagulgul ng iyak.

"Maraming salamat Seanica" sabi nya saakin dahilan ngumiti ako.

Nakita ko namang ngumiti rin saakin ang apat. Habang si Xeanel, ngumiti ng saglit bago naging seryoso.

"Siya nga pala, alam nyo na ba ang tungkol sa mga gagawin natin?" tanong ko sa kanila ng umalis na si Lily.

Sabi nya, nagpalipat sya ng dorm. Pumunta lang sya dito para humingi ng patawad.

"Oo. Dapat kailangan na natin kumilos" sabi ni Bellear dahilan tumango kami.

"Panibagong academia, panibagong simula"

TPP 2 : POWERFUL ELEMENTS Where stories live. Discover now