'To the bonnet singer' Isa nanamang video sa youtube ang sumisikat, isa itong panawagan ng isang bata, binuksan ko iyon at laking gulat ko na iyon yung grade 7 na narinig kong gusto niyang makita si bonnet singer.
"Hello, to Ms. Bonnet Singer, My name is Athena Mendez, I am battling Leukemia and somehow, when I heard your voice, I felt a sudden happiness and hope. If it's not too much of a bother, could you do a cover of Hero by Mariah Carey? " It's a 1 minute video pero maraming nag agree sa comments, marami ring nag comment na parehas sila ng case, or may sakit din sila, or depressed sila.
"Do a cover. " Iyan ang sagot ni mama ng tanungin ko siya kung gagawa ba ako.
"Why? I mean, hindi naman sila gagaling kung kakanta ako."
"Pero sasaya sila and there's nothing wrong with making other people happy."
"Pero iisipin nila na gusto ko yung exposure na iyon at sinasamantala ko para sumikat ako."
"You know yourself, hindi importante kung anong sinasabi nila. Kilala mo ang sarili mo at hindi iyon ang intensyon mo diba? Pero kung big deal talaga sayo ang paggawa ng cover, then don't do it. Hayaan mong maghintay sila sa wala." Naramdaman kong nangungusensya si mama. Okay, okay. I'll do it.
"Ayla, halika, kunin mo yung phone mo."
"Wait no, Ayla kunin mo yung plastic sa sofa." Plastic? Pagbalik ni Ayla ay mayroon na siyang hawak na box ng video camera. "I bought it. Naramdaman kong magagamit mo yan."
"Aww, ma. Ang sweet mo talaga." sabi ni Ayla, ako naman eh lumapit at niyakap lang si mama at pumunta na kami ni Ayla sa least suspicious na part ng room ko.
"Oh ready na?" Nakaupo lang ako at nagplay si Ayla ng minus one ng Hero at iyon ang sinabayan ko. Pinatigil ko siyang magsalita habang kumakanta ako dahil baka may mas malaman pa ang mga nag-iimbestiga.
"There's a hero, if you look inside your heart. You don't have to be afraid of what you are. " May kaunting kirot sa puso ko, ngayon ko lang kinanta tong kantang to na damang dama ko. This is a very nice song about hope , being strong and standing on your own feet . I loved it and felt the song until I reached the end.
"Muntik na akong maiyak ate, ang ganda talaga ng boses mo. Sana nagtira ka ng kaunting talent sa akin. "
"Magaling ka namang umarte eh."
"Oo pero, iba yung magaling kumanta. " napangiti lang ako. "Ay teka, paano natin ito maip-post sa youtube?" Binalikan namin ang video at may facebook page yung nagpost nun. Gumawa kami ng panibagong account at pinaabot namin ang video.
'OMG! YOU ARE THE BONNET SINGER!' Ang pangalan na nilagay namin eh, ASDF GHJKL, hindi na namin nireplayan kahit na nag flood siya ng messages. Pero napagdesisyunan naming humingi muna ng pabor.
YOU ARE READING
The Search for the Bonnet Singer (COMPLETED)
RomanceA story about family, friendship, pure love, sacrifice, faith and life. Hindi pangkaraniwan ang kanyang boses, lahat gustong malaman kung sino siya. Ikaw? Kilala mo na ba siya?
