From There, till Here [43]

22 2 1
                                    

Chapter 43

Third Person's POV

Napahawak si Nasha sa doorknob dahil akala niya'y matutumba siya.

"Kaya ko pa." Sa isip ni Nasha. Nasa school siya ngayon, at balak niyang pumunta ng clinic para magpa-reseta ng gamot. Sobrang sakit kasi ng ulo niya.

Nagpa-tuloy siya sa paglalakad nang muntikan ulit niyang makabungguan ang lalakeng nakabungguan niya na dati, si Dan.

Gulat si Dan ng makita niya si Nasha na hirap mag-lakad kung kaya't inalalayan niya ito,

"Nasha? Huy, okay ka lang?" 

Tumingin naman si Nasha sa kanya at parang inaaninag kung sino ba itong parang bumubuhat sa kanya. Naalala niya, ito yung lalaking madaldal kahapon.

Umayos naman si Nasha sa pagkaka-tayo at hindi na nagpatulong pa kay Dan.

"Okay lang ako. Hindi mo ako kailangan hawakan." Sabi ni Nasha.

"Okay? E matutumba kana nga e. Ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Dan.

"Oo. Nahihilo lang." 

"Baka naman gutom ka? Kumain kana ba?"

Napa-isip si Nasha, naalala niyang hindi pa nga pala siya nag-aalmusal, at kagabi ay konti lang kinain niya. Wala siyang gana. Hindi na din kasi siya hinayaan ni Zem mag-kikilos pa kahapon dahil kailangan niya nga magpahinga kung kaya't si Zem ang gumawa ng lahat kagabi. Nagawa pa nga nito na irevise ang chapter 3 thesis ng girlfriend niya. 

"Hindi pa." Sagot ng dalaga.

"Ganon ba? Kaya naman pala. Wag kana ngang mag-diet, ang payat mo na nga e! Haha. Halika kain tayo. Lilibre kita." Yaya ni Dan sakanya. 

"Close ba tayo? Kaya ko kumain mag-isa." Nilampasan na ni Nasha ang binata ay nagpatuloy sa paglalakad papuntang canteen. 

Buong akala ni Nasha ay mag-isa lang siya, ang hindi niya alam ay kasunod parin pala niya si Dan.

Nang makapasok si Nasha sa loob ng canteen ay agad naman nitong nakita si Kat kaya lumapit ito sakanya.

"Hi bes! Bakit hindi ka nag-sabi na kakain ka pala? Edi sana sabay na tayo." Masiglang tanong ni Kat sa best friend niya.

"Wala akong load e." Sagot ni Nasha.

Napatingin naman si Kat sa likod ni Nasha, at takhang takhang tumingin sa lalake,

"Kasama mo siya?" Tanong ni Kat

Ngumuso naman si Kat na tinuturo kung sino yung nasa likod ni Nasha, lumingon naman si Nasha at sinabing, "Ikaw?! Sinusundan mo ba ako?"

"Haha! Nag-alala kasi ako sayo, baka kasi mapano ka. Kaya sumunod ako, pero mukha naman may kasama kana e. Kaya aalis na ako."

"Bes sino yan?" Bulong ni Kat

Pero sa halip na sagutin ni Nasha si Kat, ay bumaling ito kay Dan at sinabing, "Pagka-tapos natin kumain, maglaho kana sa paningin ko ha." 

Hindi maitatanggi na masaya si Dan sa narinig niya kaya naman ay hindi na rin siya nagpakipot. Sinundan lang niya ang dalawang dalaga na naghahanap ng upuan.

Nang maka-upo sila ay nagpresenta si Kat na siya nalang ang bibili ng pagkain nila, ngunit pinigilan siya ni Dan at nagpaka-gentleman ito, "Ako na ang bibili ng pagkain niyo. Libre ko na." Ngumiti ito ng malaki.

Tiningan lang siya ni Nasha, pero si Kat naman ay nagliwanag ang mata ng marinig niya ang salitang 'libre'. Kaya inutusan na siya ni Kat na bumili ng kakainin nila, si Nasha naman daw ay kahit ano nalang.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 27, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

From There, 'till Here [ONGOING SERIES]Where stories live. Discover now