From There, 'till Here [1]

214 2 0
                                    

CHAPTER 1

So, magpapakilala muna ako pede? Ang pinaka-magandang bida dito sa storyang to! Choss. Ako nga pala si Nasha Zharyne Angeles, ugh, pero Nasha nalang, mas gusto ko un. 18 yrs old. Oo pede na makulong, pure pinay at...AB JOURNALISM ang course sa Xoxo University, at syempre hindi mawawala si Bestfriend! Si Katrina Nicole Cabrera, "Kat" for short, since grade 5 besties na kame! At kung may boyfriend ako? ABANGAN MO NALANG!

Okay so much for that...ito na nga eh, sisimulan na.

Linggo ngayon, wala akong klase. Napakaboring, hinihintay ko si Kat kaso ang tagal naman, kinain na yata siya ng lupa, at eto ako, nandito lang naman ako ngayon sa kwarto ko, as usual alone ako, mahal na mahal ako ng mama ko e, hinayaan niya ako mag isa para daw maging independent daw ako. Haysss. Magbubugtong hininga pa lang ako biglang...

*DINGDONG*

Anjan na si Kat! Dali dali akong binuksan yung pintuan at pinapasok siya.

"Beshe! Sorry natraffic e. Ito oh, dinalhan kita ng Funshots, alam kong gutom ka na!" Sabi ni Kat

"WAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!" Napasigaw ako ng at nag-sparkle yung mga mata ko kase ngayon na lang ulit ako makakakain ng Funshots, YUM! Ang bait talaga ng Beshe ko! Haha!

"o yan, peace na tayo a!" nagpeace sign siya, tas ako kinain ko nalang yung funshots na binili niya para sa akin, kagutom e! Tas umupo na ako sa sofa tas tinaas ko yung pareho kong paa sa table. hihi, magmomovie marathon kasi kami, tapos siya naghahanap pa ng movie na papanuodin namin.

"Beshe, kamusta kayo ni Stephen?" Tanong ni Kat

Stephen daw! Narinig ko nanaman yung pangalan na yun. HAY JUSKOPO! SI STEPHEN MERCADO ANG AKING BOYFRIEND FOR 2 YEARS NA. Nagcool off kami, kasi yun ang sabi niya. 2 weeks ng siyang hindi nagpaparamdam sakin, kahit sa school hindi ko siya nakikita. Sabagay, cool off nga kami e, hindi talaga magpapakita yun sa akin, hay grabe. May cool off pa siyang nalalaman, magiging busy daw kasi siya sa mga school paperworks niya, mawawalan daw siya ng oras sa akin, hindi na daw niya ako mahahatid-sundo, hayss. daming reason! Actually nakikipagbreak nga siya e, kaso hindi ako pumayag. DUH! Kung yun lang naman ang dahilan e maiintindhan ko naman diba, ano pang silbi ng pagiging isang mabuting girlfriend?! Sabi ko naman sa kanya magaantay ako sa kanya, anytime, anywhere, chos! Kaso iniinsist niya break na lang daw, MAS MAKAKABUTI DAW YUN SA AKIN. SA AKIN DAW! Ang sakit, huhu.kaso hindi ako pumayag, kaya cool off lang.

**FLASHBACK**

Nakain kami ni Stephen sa Mcdo, kain lang ako ng kain, tapos siya nakatingin lang kung saan saan. Hindi siya umiimik, hindi rin naman ako, kanina ko pa siya tinatanong kung ano o kung may problema siya, WALA DAW! laging si WALA, kaya hindi kami nagkakaintindihan.

Tapos bigla niyang hinawakan ang kamay ko, magkatapat lang kame.

 "Magbreak na tayo..." Dumiin lalo yung hawak niya sa kamay ko.

ANO DAW?! BREAK DAW?!! Teka gutom lang ata to.

"Gutom ka pa ba? Kain ka na." Tanong ko sakanya, inalok ko siya ng pagkain ko pero tinanggihan niya. Nanginginig na ang mga tuhod ko, ang saklap saklap naman neto. ano bang problema niya? 

"Nasha, seryoso ako. I want a break up." At doon niya binitawan na ang kamay ko.

Then my tears started falling down, hindi ko alam kung totoo ba to o hindi, Si Stephen Mercado makikipagbreak saken? Gisingin niyo 'ko sa bangungot na itoooooooooooooooooooooo! Hindi ko alam kung anong dapat sabihin, kung dapat bang pigilan siya o hayaan na siya. Hindi ko mapigilang hindi umiyak, ang sakit e. Bakit ba gusto niyang magbreak kame? 

"Am I not enough?" Tanong ko sakanya habang humihikbi sa iyak.

"Its not that Nasha. There are lots of reasons kung bakit kailangan ko tong gawin. Nasha, I don't want you to...to wait too long for me." Sabi ni Stephen.

"Wait!? bakit aalis ka ba?!" Nanlaki ang mga mata ko. Aalis ba tong lalaking to?! 

Nanginginig na talaga ako, hindi ko alam ang gagawin ko, pumapatak na ang luha ko at pinagtitinginan na kami ng ibang tao, eh pakelam ba nila?!

"No...Mawawalan ako ng oras sayo, hindi kita kayang ihatid sundo cause i will be busy this coming week." Pagpapaliwanag niya, napaka-lame ng reason niya! O baka excuse?

Hindi ko siya inimikan at nagpatuloy lang sa pagiyak. E kasi naman eh! Naiiyak ako bwisit naman.

"Ayokong umasa ka saken." Dagdag niya.

"Hindi naman ako aasa a! Maghihintay ako sayo kahit gaano katagal! paperworks lang ba? Kaya kitang antayin jan, kahit nga tulungan pa kita e! Pero wag ganto! WAG GANTO! PLEASE DON'T..." Sabi ko sakanya with determination! 

"Cool-off?" Tanong ni Stephen. Suggestion ba yun o iniinsist niya? Hay!

"Stephen naman oh. Promise ko sayo, hindi kita kukulitin, I won't text you and I won't call you either. Pero please lang, don't leave me. Hindi ko kaya." Sabi ko sakanya, 

"Okay..so cool off lang...pero im telling you all of this. Ayokong aasa ka sakin this coming weekend, busy ako." Sabi niya at tuluyan na siyang umalis, sumunod na lang din ako kahit di ko alam kung dapat ba ako sumunod. 

**END OF FLASHBACK**

"Eto...cool off pa din..." Sabi ko ng malumanay. 

"tinawagan mo na ba?" Tanong ni Kat.

"sira ka ba Besh? Edi baka natuluyan nakong hiwalayan nun." Sabi ko sakanya sabay pout. 

"so anong balak mo?"

"Maghihintay..ano pa nga ba." Sabi ko.

Hanggang 10:52 pm kami nag movie marathon ni beshe, ginabi na siya kaya sabi ko dito na lang matulog although 3 streets lang naman ang distance ng bahay namin sa isa't isa. Isa pa, 9:00 am pa naman ang pasok namin bukas kaya makakatulog pa kami ng mahimbing...Pumunta na ako sa kwarto ko tas siya pumunta sa guest room, hindi kami magkatabi matulog, ang lakas kasi niya magsnore eh hindi ako makakatulog pag ganun.

Nagpalit na din ako ng damit, nagpajama nalang ako para mas komportable para matulog. Kaso hindi pa ako inaantok, tinitingan tingan ko yung cellphone ko kung nagtext na si Stephen, kaso ni isang text wala. Kamusta na kaya yun?

Hayyyyyy. Miss ko na siya. Malapit na ang 3rd anniversary namin, sana naman kahit sa anniversary naman pede ko siyang maistorbo, anniversary naman namin e. And I'm still his girlfriend right? Hindi naman kami nagbreak e di ba? Aabot pa kasi sa anniversary diba? Mahal parin naman niya ako e di ba? Maghihintay ako sa kanya kahit gaano katagal. Yun naman talaga ang gawain ng isang mabuting girlfriend diba? 

---------------------------


From There, 'till Here [ONGOING SERIES]Where stories live. Discover now