From There, 'till Here [26]

7 1 0
                                    

Chapter 26

Nasha's POV

"End of discussion...you may go now class." Sabi ng prof namin. 

Anong oras naba? Tumingin ako sa orasan ko, 3:50pm na pala. Kaya pala antok na antok na ako. May kailangan pa ako asikasuhin dito, kaso paano ko maasikaso e wala si Zem, at anong papel ni Zem? Siya lang naman ang kapartner ko sa di ko naintindihang project. Bakit nga ba ako antok na antok? At bakit napakarami kong tanong? Hay.

AH. Naalala ko na. Ginabi nako ng uwi kagabi, buti nalang hindi nagalit si mama. Pagkahatid sakin ni Zem kagabi, dumeretso nako ng kwarto ko at natulog...ay hindi, pinilit pala matulog.

Nakakahiya ung nangyari kagabi! Daig ko pa ang lasing. Bakit ko ba naman kasi hinalikan si Zem!!!! E bakit hindi rin siya kumontra? Kumbaga, hinayaan lang niya ako. Ayaw ko ng maalala yung kagabi pero kahit anong pilit ko na kalimutan yun, sumasagi parin sa isip ko. 

Napatingin ako sa upuan ni Zem, wala siya ngayon. Absent. Bakit kaya? Hindi ko naman siya matext kung bakit siya absent, wala akong load. Nag-aalala ako, nagalit kaya siya sakin nung hinalikan ko siya? Hindi ko naman sinasadya e. Hindi nga ba? 

After kasi nung nangyari sa garden nila, pumasok na kami sa bahay nila at nagpaalam na. Hindi kami nag-imikan ni Zem habang nasa kotse. Ewan ko, nahihiya lang ako sa ginawa ko. Wala rin naman siyang sinabi tungkol don, kaya hindi ko na inopen up. Magsosorry nalang ako sakanya kapag nagkita kami. Kaso asan naba yun? Daanan ko nga siya mamaya sakanila.

Nagpaalam na ko sa barkada na uuwi na ako, hindi ko narin sila masyado nakausap pa, kahit si Kat. Gusto ko na makita si Zem, este, makauwi pala.

Pagkalabas ko ng campus dumeretso agad ako sa bahay niya, nilakad ko nalang. 

Kaso nung medyo malapit na ako, kita ko may mga grupo ng lalake at isang babae dun sa tapat ng bahay niya. Mga nakauniform din kaso yun ang uniform ng pinakamagandang university dito Pilipinas. Wow! Pangarap ko nga pumasok sa school nila, kaso ayaw ko naman at nalalayuan ako. Dagdag pa sa gastusin ang titirahan ko don, saka hindi ako belong don, puro artista at mayayaman lang pumapasok don. Hindi rin naman ako ganon katalino para magkaroon ng scholarship.

Tatalikod na sana ako para huwag nalang tumuloy kaso narinig ko na tinuro ata ako nung isang lalaki at sinasabi na ka-school uniform ko si Zem. Napalingon ako sakanila at kita kong papalapit na sila.

"Hi miss. May kilala ka bang Zemickis Chua?" Nakangiting sabi nung chinitong kaharap ko ngayon. 

Apat na lalake at isang babae. Bakit kaya nila kilala si Zem?

"Pare baka naman hindi niya kilala si Zemickis." Sabi naman nung isang pogi din na kasama nila. Bakit kaya grupo ng mga gwapo to?

"Ka-ano ano ba kayo ni Zem?" Tanong ko sakanila na nakapagpalaki ng mata nila, yung babae naman kumunot ang noo.

"Pare, first name basis!" Sabi nung isang poging mejo kulot ang buhok dun sa unang nagtanong sakin.

"Bakit mo tinatawag si Chua sa unang pangalan niya?" Mataray na tanong sakin nung babae.

E sa anong pangalan ko ba dapat tawagin si Zem? E Zem naman pagpapakilala niya sakin dati!

"Hahaha! Trina, relax." Sabi nung isang lalake pa. So Trina pala pangalan nitong babaeng to? Tiningan ko siya. Hindi naman maganda! Chos. Maganda, slight. Mahaba ang buhok, tuwid na tuwid din, may highlights, mas matangkad din siya sakin. . Dapat na ba akong ma-threathen? Napatingin ako sa dibdib niya, flat-chested siya. Buti nalang ako meron! Hahaha. Joke. Bakit ko ba kinukumpara ang sarili ko sakanya? 

"Ah miss, taga dito kaba? Kanina pa kasi kami dito kaso mukhang walang tao sa bahay ni Chua. Mga kaibigan niya kami sa dati niyang school. Ako nga pala si Patrick." Sabi nung Patrick. Nakipagkamay naman siya sakin at ganon din ako. Yung iba nginitian nalang ako, yung babae naman nakapamewang na nakaharap sakin. Problema ba nito?

From There, 'till Here [ONGOING SERIES]Where stories live. Discover now