From There, 'till Here [13]

33 2 0
                                    

Chapter 13

Zemickis' POV

Napatigil kaming dalwa ni Nasha, nagulat ako nang makita ko si Maxine na nakatayo sa sideway.

Anong ginagawa niya dito? Pinapanuod niya ba kami?

Nakatayo lang siya doon, nakatingin siya sa aming dalwa ni Nasha...Biglang bumitaw si Nasha sa pagkahawak niya sa mga balikat ko.

"Zem, hinihintay ka na yata ng gf mo." Sabi ni Nasha.

Girlfriend!? Anong girlfriend?! Hindi ko girlfriend si Maxine no. ASA PA!

Tinutulak ako ni Nasha papunta kay Maxine. Bakit ba nauurong ang mga dila ko? 

4 steps nalang malapit na ako kay Maxine, si Nasha naman tinutulak lang talaga ako..

"Sige na bukas nalang ulit. Gagawa pa tayo ng project. Pasabi sa gf mo, pasensya na. Baka kung ano pa isipin niya e." Sabi ni Nasha.

Napatitig lang ako sa kanya habang naglalakad siya papalayo, nabitin ako sa kulitan moments namin ni Nasha. Tsk! Bakit kasi nandito tong si Maxine?!

Tumingin ako kay Maxine at sinamaan siya ng tingin, nakatingin lang din siya sakin, pero parang nagpapaamo siya ng mukha.

Damn! Feeling niya maaamo ako sa pagmumuka niya?! Pagkatapos niya sumulpot dito! Nakakainit na naman ng ulo!

"Bakit ka ba nandito!?" Tanong ko sakanya. Oo galit ako!

"Sasabihin ko lang naman kasi na kakain na..." Maarteng sabi niya.

Lalo lang akong nabadtrip sa sinabi niya, yaya ko ba siya?! nanay ko ba siya!? Hindi naman a! Hindi niya ako kailangan sunduin at sundan kung nasan man ako!

Napahawak nalang ako sa buhok ko at sinagi siya sa balikat niya. Pake ba niya!? Eh kasalanan naman niya e! Deretso ako sa bahay.

Pagkadating ko, binalibag (means parang sinarado ng malakas, gets? haha) ko yung pintuan at nagulat siya.

"ANO BANG PROBLEMA MO!? HINDI KITA KATULONG AT MAS LALONG HINDI KITA NANAY! SA BAHAY KO, KANYA KANYA TAYO, OK!? GAWIN MO ANG GUSTO MO AT GAGAWIN KO ANG GUSTO KO!" Sabi ko sakanya, ang ayaw ko sa lahat e yung papakelaman ako.

"So-...sorry.." Sabi niya. 

"PURO KA SORRY! LAGI KA NG NAGSORRY! HINDI KA NAMAN NATUTUTO!"

"Concern lang naman ako e." Sabi niya. 

"CONCERN? NAG-ALALA KA?! SALAMAT AH, PERO HINDI KO KAILANGAN NG CONCERN MO." Ako.

Kumalma ako nung makita kong tumulo ang luha niya...

Sumobra ba ako? Sinabi ko lang naman ang gusto kong sabihin, ayaw ko kasi ng ganun...Basta basta nalang susulpot kung nasan man ako. Hindi ko rin naman siya sinabihan na gawin yung bagay na yon.

"Ikaw nalang ang kumain, busog pa ako. Magpapahinga na ako. Ge" Sabi ko.

Aakyat na sana ako sa hagdanan, kaso biglang...

bigla niya akong niyakap sa likod...

WTF MAXINE!? 

Maxine's POV

Yes, may POV din ako..Akala niyo siguro wala no?

Akala niyo siguro sabit lang ako dito sa storyang to...

Pfft. Well, let's find out kung anong role ko dito.

I'm Maxine Marinella T. Suarez, 18 yrs old, and I'm taking Culinary sa Kitsen University...

Hindi ko na patatagilin ang POV ko, deretsuhan na.

Niyakap ko si Zem ng mahigpit sa likod niya, ramdam ko na nagulat siya...Isang minuto din akong nakayakap sa kanya and after that..tinanggal niya ang mga kamay ko na nakapulupot sa kanya.

"Sorry...Sorry kung nasigawan kita." Sabi ni Zem.

"Hindi naman yun e." Mahina kong sambit. Naiiyak ako.

"E bakit mo ako niyakap?" Tanong niya.

"I want..I want you...I want you to love me..." Sabi ko.

2 minutes of silence, tumingin ako kay Zem, ang mukha siyang nagulat sa sinabi ko.

Totoo..gusto kong mahalin ako ni Zem...Mahal ko siya e, may magagawa ba kayo? Nagselos ako sa kanilang dalwa nung babae kasama niya sa park...Hindi lang naman mag bfs and gfs ang may karapatan magselos sa isa't isa diba? Kung mahal mo ang isang tao at may mahal siyang iba, may karapatan ka magselos pero wala kang karapatan manakit.

Pero kanina, kung girlfriend lang ako ni Zem, nasampal ko na yung babae kahit kaibigan pa siya ni Zem, unang kita ko palang sa kanya kanina hindi na siya gusto ng mga dugo ko...I EXTREMELY HATE HER.

Mukhang close sila ni Zem, nagkukulitan, nagaasaran at nagtatawanan...Nakita ko kung gaano kasaya si Zem...

Close din naman kami ni Zem a? NUON.

Is there any chance that Zem will treat me like her AGAIN?

Is there any chance that I will be Zem's reason of his happiness AGAIN?

"Ikain mo nalang Maxine, gutom lang yan...Magpapahinga na ako." Sabi niya.

"ZEM! MAHAL NA MAHAL KITA! MAHALIN MO DIN NAMAN AKO!" Sigaw ko sakanya.

"Maxine, mahal mo na agad ako? Ang bilis naman yata." Natatawang sabi niya.

"Hindi mo ba ako naalala? Hindi mo ba ako nakikilala? Zem kilala mo ako! Una mo akong nakilala kesa dun sa babaeng kasama mo kanina! Ang bilis mong makalimot!" Sabi ko sakanya.

"Bakit? Sino kaba? I'm sure na hindi kita kilala. Pero kung ipagpipilitan mong kakilala kita noon palang, then prove it." Sabi niya.

"Ako yung...Ako yung dati mong..." Sabi ko...

------------

From There, 'till Here [ONGOING SERIES]Where stories live. Discover now