From There, 'till Here [9]

46 2 0
                                    

Chapter 9

Nasha's POV

Ang aga kong nagising, 7:06 am...Eh 10 am  pa naman ang klase ko. Grabe ang sakit pati ng ulo ko, bumangon ako at pumunta sa kusina, naghanap ako ng biogesic kaso wala naman ako nakita. Hays, pero kailangan ko pumasok...Ngayon kasi iaanounce ni Professor panot ang mangyayari this weekend.

Naligo na ako, hindi na ako kumain, wala akong gana. Sa school na lang siguro... Nag-ayos nako para pumunta ng school, gusto ko maging maaga, ayaw ko makita si Stephen. Hindi pa kasi ako handa. Pakiramdam ko sobra rin ako sa mga sinabi ko sakanya kagabi.

Pagkalabas ko ng bahay napatingin agad ako sa kotse na nakatigil sa tapat ng bahay ko, at alam ko kung kanino yung kotse na nasa tapat.

KAY STEPHEN YUNG KOTSE.

Anong kailangan niya? Hindi pa ba sapat sa kanya ang nakita niya akong nasaktan at umiyak sa harapan niya? 

Lumabas siya sa kotse niya, pero ako naglakad na, hindi ko siya pinansin, para san pa?

Hinabol niya ako..

"Nasha, please talk to me.."

LAKAD LANG NASHA, LAKAD LANG.

"Nasha naman oh. Please, let me just explain..."

LAKAD LANG NASHA, KUNYARI WALA KANG NARIRINIG..

"Nasha please, I'm begging you..."

Bigla siyang lumuhod sa harapan ko at napatigil naman ako..

"For the last time, please let me talk to you..."

"Anong pa bang kailangan mo?! Wala ka na namang dapat iexplain e, kasi malinaw na sakin lahat ng nangyari!"

"It's not what you think. Nasha naman oh :'("

"Anong it's not what you think? Aksidente man ang nangyari sainyo o talagang sinadya, wala akong pakialam, okay? NANGYARI NA STEPHEN, NANGYARI NA. KAYA PEDE BA, PANINDIGAN MO NALANG UNG KASALANAN NIYO."

Tumungo siya at nakita kong pumatak ang mga luha niya...Kasalanan ko ba kung nagmamatigas ako? Para sa aming dalwa din naman to e.

"Titigilan na kita if that's what you want...Pero sa huling pagkakataon na to, hayaan mo akong sabihin sayo lahat ng gusto kong sabihin sayo..."

Hinawakan niyang mahigpit ang mga kamay ko.

"Nasha, Mahal na mahal kita, ikaw ang una at huling babaeng mamahalin ko. Kahit kailan walang nagbago sa pagmamahal ko sayo. Kahit kailan hindi ako natukso sa iba, pero sa nangyari...Iba na talaga kapag nauuto ka...Alam ko kasalanan ko lahat to at wala akong karapatan humarap sayo ngayon. Pero kinapalan ko ang mukha ko dahil gusto ko malaman mo kung gaano kita kamahal. Masakit. At kahit ilang beses ko sabihin sayo na hindi ko sinasadya lahat, alam kong ayaw mo na. Gusto kong ibalik yung sa atin, yung katulad ng dati. Kung kaya ko lang at kung pede lang, kung pede ko lang ibalik yung nakaraan matagal ko ng ginawa, sana hindi nalang ako pumunta, sana hindi nalang ako nakipagsundo sa kanya, sana hindi nalang kita iniwan...Nagsisisi ako, yun nalang naman ang pede kong gawin diba? Ang laki ko kasing Tanga, ang tanga ko na pinakawalan kita,  ang tanga ko na pinabayaan kita, ang tanga ko na ipinagpalit ko ang relasyon nating dalwa sa kasunduan naming dalwa. Sorry Nasha, alam ko hindi sapat ang sorry at mas lalong hindi sapat ang effort para maibalik kita. Pero yun lang...gusto kong sabihin sayo na MAHAL NA MAHAL KITA. Nasha maghihintay ako, maghihintay ako hanggang sa mapatawad mo ako. Sampalin mo na ako, saktan mo na ako ngayon, tatanggapin ko yun."

Tumayo siya at humarap sa akin, sobrang pula ng mata niya. Dapat ba akong maawa?

"Gusto kitang patawadin, gusto kitang mahalin, kasi wala namang nagbago. Kaso wala na e, nanjan na kasi, nanjan na yung naging bunga ng panloloko niyo sa akin. Nasasaktan ka? MAS NASASAKTAN AKO STEPHEN. Kung alam mo lang kung gaano kasakit yung ginawa mo sa akin, natauhan ako, alam mo ba yun? Ayaw na kitang sampalin o kaya saktan, pag sinampal ba kita mababalik ba sa dati? Hindi diba, wag na. Nasaktan na ako... Tapusin na natin to, pare-pareho lang tayong nasasaktan sa nangyari... harapin nalang natin yung ngayon. Ang pinakaimportanteng gawin mo ngayon, panindigan mo ang kasalanan mo, maging mabuti kang ama. Mapapatawad kita, pero hindi ngayon. Ayaw kitang makita...Sana maintindihan mo ako. Salamat Stephen, salamat ng dahil sayo natauhan ako at narealize ko na dapat talaga hindi ibigay agad agad ang tiwala sa iba. Salamat, pinamuka mo sa akin yun."

From There, 'till Here [ONGOING SERIES]Where stories live. Discover now