From There, 'till Here [14]

40 2 0
                                    

Chapter 14

Zemickis' POV

Naguguluhan ako sa babaeng to, sino ba talaga siya? Tinititigan ko siyang mabuti pero hindi ko talaga siya mamukhan...Baka naman pinagtitripan niya lang ako?

Iyak siya ng iyak kaya hindi siya makapagsalita ng ayos..

"Ako yung..Ako yung dati mong.."

Then I cut her off.

"Look, Maxine...Whoever you are before, kilala man kita o hindi, wala akong pakelam ok? Hindi ako interesado...Magpahinga ka na..Pagod lang yan."

Yeah, I don't care whoever she was before...Impossibleng sabihin niya na siya ang dati kong girlfriend, cause the last time I remember, hindi pa ako nagkakagirlfriend. Wala pa at hindi pa ako nanliligaw. Hindi ako bading, wala lang talaga akong panahon sa mga ganyan.

Kaya wala akong dapat ikabahala, she's not my ex.

My highschool life was not that memorable, kaya wala ako maalala...Pero gaya ng sinabi ko kanina, kung sino man siya.. WALA AKONG PAKELAM.

Iyak lang siya ng iyak, tatalikod na sana ako kaso biglang may nagdoorbell.

*DINGDOOOOOOOOOONG*

Agad kong binuksan ang pintuan. Sino naman kaya ang dadalaw sa amin ngayong mga oras na to? 6:39 na oh.

Pagbukas ko...Nagulat ako..

Hindi dahil multo ang nakita ko.

Si NASHA.

"Uhm... Hi Zem." Nahihiyang sabi ni Nasha.

"Nasha, pasok ka." Binuksan ko pa ng malaki yung pintuan and I gave way to her, kaso hindi siya pumasok.

"Nako hindi na, hindi naman ako magtatagal e. Ibibigay ko lang to." Binigay niya sakin yung bag ko. Shit! Nakalimutan ko nga pala sa kanila kanina. 

Nagpasalamat ako at nginitian ko siya. Again, inalok ko siyang pumasok sa bahay, pero tinanggihan ulit niya. 

"Hindi na..." Napatingin siya kay Maxine, nandon pa pala ang babaeng yon? "Mukhang busy kayo e. Hehe, pasensya sa istorbo, sige bye." Tumalikod na siya.

"Ihahatid na kita." Sabi ko.

"Zem naman, wag na-" Lumapit pa siya sakin at bumulong, "baka magalit girlfriend mo no!"

"I insist Nasha, anong oras na oh?" Sabi ko.

"Pero yung ano mo..." Nagaalangan sabi niya.

"Wag mo na siyang intindihin. Let's go." Buti naman nagpatalo na siya. Makulit din to e.

Tumingin ako kay Maxine, "Ihahatid ko lang si Nasha."

Nagnod lang siya at kita ko parin na may pumapatak na luha sa mga mata niya...

Habang naglalakad kami ni Nasha sa daan, ang tahimik..Para kaming nagpoprosisyon, ang bagal naming maglakad. Ni hindi siya nagsasalita, tumingin ako sakanya, pero nakatungo lang siya. May problema ba siya? Bakit ba lagi nalang siyang ganito?

"May problema ka ba?" Panimula ko.

"Huh? Wala ah." Sabi niya.

"Eh bakit ka ganyan? Alam mo pansin ko sayo, lagi ka nalang malungkot." Sabi ko. Totoo naman e, kung hindi ko siya kukulitin, pansin sakanya na malungkot siya.

"May iniisip lang." Seryosong sabi niya.

"Kung may problema ka, kahit gaano pa kabigat yang problema mo. Ngumiti ka lang. Mawawala ang lahat." Bagay kasi sakanya ang ngumiti. Kahit ako, kapag nakikita ko siyang nakangiti, nahahawa ako. Para akong walang problema.

From There, 'till Here [ONGOING SERIES]Where stories live. Discover now