From There, 'till Here [28]

10 1 1
                                    

Chapter 28

Zemickis' POV

Galit kaya si Nasha sakin? Nung pagkahatid ko kasi sakanya kanina sa bahay nila, hindi niya ako iniimikan. Hindi ko alam kung may sinabi ba sakanya si Trina o wala. Tinanong ko naman siya if meron, ang sabi niya wala. Mukha siyang pagod kaya hindi ko na siya kinulit. Hindi ako nakapasok kanina dahil tinawagan ako ni Dad. Hindi ko alam nakauwi na pala sila ni Mom dito sa Pilipinas. 

Si Dad ay isang Doctor, neurologist siya sa California. Si Mommy naman may online business, kasama niya si Dad sa California. Pinauwi nila ako BGC, dahil taga doon talaga ako. Yung tinitirahan ko dito, binili ko lang yun para sa sarili ko. I want to be independent, ayaw kong umasa sakanila.

Madaling araw palang kanina dumeretso nako sa mansion. Yeah, mansion ang bahay na yon, kaya ayaw ko doon dahil ako lang mag-isa. It's too big for me, wala rin naman ibang kasama kundi ang mga katulong, isang driver at isang hardinero. 

*FLASHBACK*

Pagka-pasok ko palang ng mansion, sinalubong agad ako ni mom.

"My Zemickis! How are you baby?" Tanong ni mommy sakin.

"I'm fine, how about you, mom? How was your flight?" Magalang na tanong ko kay mommy. Pag kay mommy talaga sobrang magalang ako. I respect her the most.

"Okay lang son, pagod. Have you eaten your breakfast?" Tanong ni mommy habang tinitingan ako.

"Not yet, but I'm not yet hungry. That can wait. Where's dad? Bakit niyo po ba ako pinatawag dito? I still have class." Sabi ko kay mom.

"And that is the reason why I called you here." Singit ni Dad. Kita ko siyang pababa ng hagdan. He's 54 years old pero mukha lang siyang nasa 30s niya. 

Hinawakan ni mom ang kamay ko at hinila papunta sa living room, pinaupo niya ako katabi niya, kaharap naman namin si Dad. Inutusan ni mom ang isang katulong na ipaghanda kami ng coffee at cake.

"Zemickis, I heard you're studying again." Sabi ni Dad. Alam ko na kung saan mapupunta tong usapan na to.

"Yes dad." Ako

"..and not in our school. Sa isang school na hindi naman maganda, what brought you there?" Dad

"Dad, hindi porket hindi kasing ganda yun ng school na pag mamay-ari natin, e hindi na yun maganda sa paningin mo." Sabi ko sakanya. Kung kay mom, malaki ang respeto ko, sa kanya naman meron din syempre, ang kaso nga lang, hindi kami lagi nagkakaintindihan ni dad. Laging magkaiba ang perspective namin sa buhay.

"Zemickis, I'm fine with whatever you want to do with your life, but son, please care to explain bakit sa school pa na iyon? and why AB Journalism? I didn't know you were into that. Ang huling pagkakaalam ko tungkol sayo ay graduate ka ng BS Human Biology. Bakit hindi mo tinuloy yon sa pagmemedicine?" Tanong ni Dad sakin. 

"How about you, dad? Why did you took medicine when you already have that school given by your parents?" 

"Zemickis!" Saway ni mom sakin.

"You and I are in a different situation. Alam mo ang rason ko dyan." Dad

"You're right, you and I are in a different situation. So don't meddle with my life. Kung ano man ang ginagawa ko sa school na iyon, it's none of your business. Malaki na ako. Kung itutuloy ko ang medicine then it's up to me, dad. You don't have to dictate me, I know what I am doing." Mahabang paliwanag ko kay dad. Napahawak nalang siya sa sintido ng ulo niya, habang si mom naman ay kita ko na nag-aalala.

"Zemickis, I'm trusting you with every decision that you make, but please take care of yourself. Naalagaan mo ba ng mabuti ang sarili mo? Is the house nice, safe? Ayaw mo pa kasi magsama ng isa sa mga katulong natin." Alalang sabi ni mom.

From There, 'till Here [ONGOING SERIES]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon