From There, 'till Here [29]

10 2 0
                                    

Chapter 29

Nasha's POV

Hindi ko alam kung paano ako nakauwi dito sa bahay at nakaakyat ng kwarto. Umasa pa naman ako kagabi na babalikan ako ni Zem, pero hindi na talaga. Kaya umuwi narin ako kahit pugto parin ang mga mata ko. Ayaw ko kasing makita ako ni mama na umiiyak. Naiinis ako sa kanya.

Pag-tingin ko sa wall clock ko dito sa kwarto ko, 7:45am na pala, 8:00am ang pasok ko. Papasok pa ba ako? Tumayo na ako at pumunta sa cr, pagkaharap ko sa salamin, grabe, pugtong pugto ang mga mata ko. Hindi bale na, papasok pa din ako, ayaw kong isipin ni Zem na naapektuhan ako sa kanya kagabi. Ano siya, sinuswerte? Hindi ko aakalain na sa kabila lahat ng pagsasama namin, ganon pala ang pag-iisip niya sakin. 

Naligo nako, pero hindi ko binilisan, nagbabad ako dito sa shower at nakatulala. Ano bang nangyayari sakin? Hindi naman ako ganito nung nagbreak kami ni Stephen. Mahal ko na nga talaga siguro si Zem. Sure ako. Kasi kung hindi, hindi naman ako masasaktan ng ganito diba? Nagsisimula nanaman akong maluha, naalala ko ung sigawan namin ni Zem kagabi. Ang sakit pala talaga.

Maya maya lang din ay lumabas nako at nagtuyo, ginawa ko narin ang mga karaniwang ritwal ko sa katawan at nagbihis nako. First time kong papasok ng naka-skirt, lagi akong nakapantalon kapag wash day. Wala lang, feel ko lang magskirt ngayon. Bakit ba? 

Pagkatapos ko magbihis, nagtuyo lang ako ngbuhok at nagsuklay, wala na akong pakelam kahit malate ako. Late nadin naman, bakit pa ako magmamadali.

Pagkababa ko hindi ko naabutan si mama, siguro tulog pa. Lumabas nako ng bahay at nagsimula ng maglakad papuntang school. 

Kat's POV

Matatapos na ang first subject pero wala padin si Nasha. Aabsent kaya siya? Impossible. Alam niyang may exam ngayon sa isa naming subject e, kaya sure akong hindi yun aabsent. Napatingin ako sa upuan niya, pero mas nahuli kong nakita si Zem na nakatingin sa bakanteng upuan ni Nasha. Parang pugto ang mata niya? May nangyari kaya sakanilang dalawa?

"Pst. Kat, asan si Nasha?" Tanong ni Camille na katabi ko

"Hindi ko nga alam e. Late lang siguro." Sabi ko sakanya

Daldal lang ng daldal yung prof namin, hanggang sa napatigil kaming lahat at nakatingin sa babaeng nasa labas ng pintuan.

Si Nasha?! 

Anong nakain ng bruhang to at nakapalda ngayon? Ang pagkakaalam ko ayaw niyang pumapasok ng nakapalda, naasiwa siya kasi maraming natingin sa legs niya. Maputi kasi at makinis. Pero bakit ganyan ang suot niya ngayon? Desente parin namang tingan, pero parang hindi siya.

Napatingin kaming lahat sakanya, ultimo tong prof namin. Deretso lang pumasok si Nasha at humingi ng pasensya sa prof na late siya, hindi rin naman siya pinagalitan ni prof. Yun ba ang tinatawag na charm? 

Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa makaupo siya, nakita ko si Zem na titig na titig din sakanya pero nakakunot ang noo. Haha! Possessive? Napansin din ata ni Zem na pinagtitinginan si Nasha ng mga lalake dito sa loob ng classroom. Ang ganda ng bestfriend ko, haha!

"Class dismiss." Sabi ni prof at saka umalis, umalis na rin ung iba naming kaklase. Ang natira nalang ay ang barkada.

Hindi parin inaalis ni Zem ang tingin niya kay Nasha, si Nasha naman ay tumayo na at lumapit samin.

"Kumain na kayo?" Tanong ni Nasha. 

"Hi girl, hindi pa. What's with the skirt today?" Tanong ni Diane.

"Oo nga girl, ang ganda mo lalo, kanina kapa pinagtitinginan ng boys. At kanina parin tinitingan ni Zem isa isa ang mga boys na tumitingin sa legs mo." Bianca

From There, 'till Here [ONGOING SERIES]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant