From There, till Here [41]

10 2 1
                                    

Chapter 41

Nasha's POV

After 2 months...

Wala naman masyadong nag-bago sa loob ng dalawang buwan. Wala nga ba?

Si Zem sobrang busy na, twice or thrice a week nga siyang may exam e. Kahit ganon, sa bahay parin niya siya umuuwi. Ako naman, dahil mas maluwag ang sched ko, ako ang nag-aadjust. Mas madalas na nga ata ako sa bahay ni Zem kesa sa bahay ko. Ipagluluto ko lang siya at aasikasuhin, pagkatapos non ay doon na din ako nag-aaral sakanila o di kaya ay nagawa ng thesis ko. Habang siya naman ay subsob din sa pag-aaral niya.

Sa kabila ng kanyang busy na buhay sa med school, maswerte ako kasi madami parin siyang oras para sakin. At inuuna parin niya ako. Kapag wala siya, si Tim ang naghahatid-sundo sa akin sa school. Ganon lang ang routine namin.

Si Abo naman na kaklase ni Zem, ayun. Hindi parin tinatantanan si Zem sa kakulitan, akala mo totoong may kailangan tungkol sa school pero mamaya sesegway naman ng kanyang mga kalandian. Kapal pa ng mukha para kamustahin kaming dalawa ni Zem. Nangangamusta nga ba o nag-aabang? 

Ang barkada naman ay ganon padin. Kahit duguan na sa pag-gawa ng thesis ay nagagawa parin namin mag-bonding in and out of the campus. Kaso pakiramdam ko, unti-unti na kaming nagkakawatak-watak. 

Si Lawrence at Diane okay naman. Ganon padin sila, pati si Iris. Si Camille medyo iwas na, hindi ko alam kung bakit. Hindi na naman namin kasama si Louis kaya wala akong makitang dahilan para iwasan niya kami. Si AC at Bianca, ganon padin.

At si Kat? Yan din sobrang busy. Busy sa boyfriend niya. Sila na ni Patrick, isang buwan palang. Minsan nga kapag pupuntahan ako ni Zem, kasama niya si Patrick para dalawin ang kanyang girlfriend. Kaya hindi narin masyado nakaka-sama si Kat samin kapag nalabas, mas binibigay niya kay Patrick. Naiintindihan ko naman, med student din boyfriend niya e. Not to mention, 2nd year na. Kaya malamang sa malamang, mas busy yon at mas mahirap na ang subjects.

Natapos ako sa pag-rereminisce ko ng makarinig ako mula sa prof ko ng magandang salita,

"You may now go class. See you next Monday." Salamat naman at tapos na. Weekend na sa wakas!

Labasan na pero hindi parin ako kumikilos para ayusin ang mga gamit ko. Patuloy lang ako sa pag-lalaro nitong ballpen na hawak ko - ung tactical pen na binigay ni Zem, habang nakahalumbaba sa desk ko.

Tinanong ko na si Zem dati kung bakit niya ako binigyan ng ganito, pero ang sagot lang niya sakin, "It's for self-defense, love. You'll be needing it."

Ibig sabihin ba niya kakailangan ko ito?

"Hoy bruha! Kilos na!" Gulat akong napatingin sa nagsalita, si Kat pala.

Nilibot ko naman ang classroom namin, wala na palang tao. 

"Asan sila?" Tanong ko kay Kat.

"Si Diane at Lawrence, anniversary. Date muna daw sila. Si AC at Bianca, hindi ko alam nagmamadali umalis kanina. Si Iris nasa student government meeting, Si Cams ay -"

"Student government meeting? Anong papel niya?" Sa pagkaka-alam ko hindi officer si Iris ng klase namin at ng kahit anong organization dito sa school. So bakit siya nandon?


"Binigay na ni Cams ung presidency sa kanya. Ayaw na daw ni Cams." Paliwanag niya. 

"Bakit daw?"

"Hindi ko alam beshe e. Yaan mo tatanungin ko siya kapag nakita ko." Sarcastic niyang sabi.

"Tse. Umalis kana nga. Ay, teka. Ikaw anong lakad mo?" Tanong ko.

From There, 'till Here [ONGOING SERIES]Where stories live. Discover now