From There, 'till Here [33]

19 1 1
                                    

Chapter 33

Zemickis' POV

(THIS CHAPTER IS THE DAY AFTER TRINA'S BIRTHDAY CELEBRATION)

Nagising ako dahil parang naiihi ako sa lamig. Unti unti kong minulat ang mga mata ko. Pagmulat ko ng tuluyan ay napatulala lang ako, saka ko lang narealise na hindi ito ang kwarto ko sa bahay ko. Bumangon ako at nilibot ko ang mata ko sa kwartong to.

Nandito ako sa kwarto ko sa mansion namin.

Paano ako napunta dito? Naramdaman kong nanlamig ako lalo, wala pala akong damit. Naka boxer lang ako. 

Napatingin ako sa kung sino man ang pumasok dito sa kwarto ko.

"Gising kana pala?" Tanong niya

"Obviously." Ako

"Woah! Still the same, Zem. Walang pinagbago." Mayabang na sabi niya. Tsk

"What are you doing here?" Irita kong tanong sakanya.

"Is that your way of thanking your brother?" Tiningan ko naman siya ng masama, "Pagkatapos kong makipag-agawan dun sa kumidnap sayo, iyan lang igaganti mo sakin? Ouch!" Pag-iinarteng sabi niya. May pahawak hawak pa siya sa dibdib niya na akala mo'y totoong nasasaktan nga. Siraulo padin.

"Lumayas kana nga dito." Sabi ko sakanya sabay bato ng unan, pero ang nakasambot ng unang binato ko ay ung isa pang kakapasok lang dito sa kwarto ko. 

Bakit sila nandito?

"Oh ano, feeling mga bata? Pillow fight?" Sabi ng isa ko pang kapatid.

Yep, you've read it right. Mga kapatid ko ang kausap ko, dalawa ang kapatid ko. In fact, triplets kami. Nakakagulat ba? Among the three of us, two are identical and one is fraternal. Gusto ko man sabihin na ako ang fraternal, dahil ako ang pinakagwapo kahit pa sabihing mga kakambal ko sila, but sadly, ako ang may ka-identical, and it's Zed - Zed Addison's the real name, and the other one, yung hindi namin masyadong kamuka ay si Zen, short for Zen Ezekiel.

Kung may kaunting differences man kami ni Zed, yun ay ang mas matangkad siya ng kaunti sakin, but when it comes to body built, mas maganda ang pangangatawan ko siyempre. 

"Anong oras na?" Tanong ko sakanila. Kailan pa kaya sila nakauwi?

Si Zen kasama nina mom sa California, graduate siya ng Magna Cum Laude as Medtech, at tinuloy niya na agad ang medicine sa ibang bansa. Si Zed naman, wala, patravel travel lang yan pagkagraduate niya, kung graduate ako ng Human Bio. Si Zed naman ay graduate ng Physical Therapy, hindi man halata sa itsura niya dahil isa siyang tagumpay na chickboy, pero matalino din yan. Huwag lang itatabi sakin, dahil mas matalino ako sakanya, confirmed. 

"Grabe ka naman bro. Sa halip na kamustahin mo kami, talagang oras ang tinanong mo. Mahal mo ba talaga kami? Hay!" Pag-iinarte nanaman ni Zed. Siya ang pinakamaloko saming magkakapatid at siya rin ang HINDI seryoso sa buhay. Kaya siguro hindi rin siya nagtuloy sa medicine, unsure pa ata siya. Pero sanay nako sa kaartehan niya, at sanay narin siya sa ugali ko. Si Zen, siya ang pinakatahimik samin at pinakaseryoso, kung tutuusin siya ang bunso. Siya daw ang last na lumabas samin e.

"It's 4:30 in the morning." Sabi ni Zen

"Thanks" Sabi ko sabay tayo, naglakad na ako papuntang CR at naghilamos. Naalala ko si Nasha, hindi pa nga pala kami nagkakausap. Napasabunot ako sa sarili ko, hindi ko aakalain na tumagal ng ganto ang sitwasyon namin. Namimiss ko na talaga siya. 

Pag nagka-ayos na kami, pinag-iisipan ko kung liligawan ko paba siya, o deretchuhin ko na kayang tanungin kung gusto niyang maging girlfriend ko? Haha. Bahala na nga. Mag-aayos muna ako at kailangan ko pumasok, magsspecial exam ako.

From There, 'till Here [ONGOING SERIES]Where stories live. Discover now