From There, 'till Here [21]

34 2 0
                                    

Chapter 21

Nasha's POV

"Mmmmmmmmmmmm..." pag-ungol ko habang papalit palit ako kung saan ako haharap ng pwesto. "..mmmmmmmmmmmmmmm.." hanggang sa pagharap ko sa kanan ko napamulat ako ng may mahawakan akong matigas, akala ko unan pero yun pala..

SI ZEM!

Teka, teka, teka, bakit nandito si Zem!? Napa-upo ako sa kinahihigaan ko at lumingon lingon ako sa paligid. 

Hindi ko to kwarto! Nasaan ba ako?

Paggising ko mukha ni Zem ang nakita ko tapos nasa kwarto pa ako ng ibang tao.

WAAAAAAAA!

Hindi ako nakasigaw kasi ramdam ko wala pa akong lakas, tatayo na sana ako ng bigla ulit akong makaramdam ng hilo. Pero kaya ko to.. Sinubukan kong tumayo para hanapin ang cellphone ko...pero kahit bag ko nga hindi ko makita..

Kung saan saan sulok na ako naghanap dito sa kwartong to, pero wala talaga akong makita. Hanggang sa napa-upo nalang ako sa sahig at napasandal sa pader.

Napatingin ako kay Zem at unti unti na niyang minumulat ang kanyang mga mata..

Nakita kong nagulat siya at kinapa kapa niya yung kama, hinahanap ba niya ako?

Kinusot kusot niya ang mga mata niya at lumingon lingon kung saan hanggang sa makita niya ako..

"Uy Nasha.." pagtuloy niyang pagkusot sa kanyang mga mata.. "Bakit ka nandiyan?" humikab siya.

"Hinahanap ko kasi yung phone ko.." tumayo ako at unting unting lumalapit sa kanya.. "Nasaan nga pala ako?" pakiramdam ko bahay ni Zem to, hindi ko naman magawang magalit sa kanya sa pagdala niya sakin dito kasi wala naman siyang ginawang masama sakin. 

"Ahh..yung phone mo nasa bag mo sa baba, hindi ko na siya nabitbit kagabi dito kasi uhmmm..." pagputol niya sa sinasabi niya, "..hmm, bahay ko nga pala to..ano kasi, taas ng lagnat mo kagabi, hindi na kita nagawang ihatid sainyo kasi nataranta na ako...kaya sorry kung nagulat kang nandito ka, pero wag ka mag-alala wala naman akong ginawang masama sayo eh.." pagpilit niyang ngiti at pagkamot niya sa ulo niya, akala niya siguro galit ako sa ginawa niya.. hahahaha, baliw.

Well actually, yes I was surprised waking up knowing I'm not in my own room, pero yung point na si Zemickis Nael Chua ang nag-alaga sakin buong gabi. Wooow! As in wow lang ang masasabi ko. Hindi niya ako iniwan, and in fact nasa tabi ko lang siya magdamag! 

Ngayon ko na lang naman ulit naramdaman na may nag-aalaga sakin eh..

After Steph-...

Agang aga babanggitin ko yung pangalan na yun? Tss. No way!

And ayun na nga..tumayo si Zem at pumunta siya sa harapan ko, hinawakan niya yung noo ko..."May sinat ka pa ah.." tapos leeg ko naman hinawakan niya.."Tara kain ka muna para makainom ka ng gamot, tapos hatid na kita sa bahay mo.."

Hmmmm, medyo masungit! Lalabas na sana siya ng kwarto ng bigla siyang lumingon sakin..

"Pwede mo gamitin ung cr ko.." tinuro niya kung nasaan, "..para makapaghilamos ka na, hintayin nalang kita sa baba, ipeprepare ko lang kakainin mo.."

Napatingin nalang ako sa kanya, parang may problema siya..ni hindi nga niya ako nginitian eh. Nagpunta na ako sa cr niya, at habang naghihilamos, napatitig nalang ako sa salamin..

Pakiramdam ko naging pabigat ako kay Zem pamula kahapon, sobra ata siyang napagod kaka-alaga sakin kaya siya ganyan. 

Biglang napawi yung ngiti ko sa mukha knowing na baka nga pagod siya kaka-alaga sakin..

From There, 'till Here [ONGOING SERIES]Where stories live. Discover now