From There, 'till Here [27]

5 2 1
                                    

Chapter 27

Nasha's POV

"Nasha! We need to talk." Sabi ni Stephen sa kabilang linya.

"Huh? Para saan?" Tanong ko

"Please, I need to see you now."

"Oh..Okay.." Yun nalang ang naisagot ko. Kahit pagod at antok nako nagawa ko parin mag-okay. Hindi ko alam, siguro dahil gusto ko marinig ung sasabihin niya? 

"I'll see you in 20 minutes. Pupuntahan kita jan sainyo." Masayang sabi niya at ibinaba na niya yung tawag.

Ano kayang sasabihin niya? Tumayo nako at pumunta ng CR, naghilamos at nagtoothbrush lang ako. 

Pagkatapos ko sa mga ritual ko, bumaba nako at tumulong kay mama sa kusina. Sinabi ko kay mama na may darating ako na bisita at si Stephen yon. Kilala naman ni mama si Stephen, pero alam niya na ung nangyari samin kaya medyo hindi okay si mama sa pagdalaw ni Stephen. Sinabi ko sakanya na okay lang yon at dito lang naman kami sa bahay mag-uusap. Nagalit siya nung nalaman niya ang ginawa ni Stephen sakin.

Dinagdagan ni mama ang ulam na niluluto niya, pero halatang sinunog niya yung mga yon. Haha baliw talaga tong nanay ko, sabi niya na kay Stephen daw yon. Tinanong ko naman kung bakit niya sinunog. Sabi niya dahil daw kakulay ng budhi ni Stephen. Adik si mama.


*DINGDONG*

Nung narinig ko na yung doorbell, agad na pumunta ako sa pintuan. Nagpaalam si mama na aakyat muna siya sa kwarto niya. Baka daw kung anong masabi niya kapag nakaharap niya si Stephen. Pinagbuksan ko ng pintuan si Stephen. Nagulat ako na may kasama siya.

Si Kent.

Pinapasok ko na sila at inalok na kumain muna. Hindi naman sila tumanggi at kumain nga sila. 

Saang bundok kaya sila galing at parang mga gutom na gutom? Nakatingin ako kay Stephen habang kumakain siya, ang laki ng pinagbago niya. Pumayat siya, nagkaroon ng konting wrinkles at halatang napabayaan ang sarili. Kawawa naman siya.

Pero bakit parang hindi man lang nag-adrenaline rush ung tibok ng puso ko? Hindi ba dapat ung pagkabukas ko palang ng pintuan at nakita ko siya, parang bibilis ang tibok ng puso ko? Kasi ngayon ko nalang ulit siya nakita e. Hindi ba dapat matuwa ako? Pero wala lang. Normal lang na feeling. Nakamove-on na nga talaga ako? 

Nabaling naman ang tingin ko kay Kent. Oo, si Kent. Yung lalakeng sinasabi ko sainyo dati na high school buddy namin ni Stephen, yung lalakeng mahabang buhok dati na ngayon ay maikli na! Hindi na sana ako magtataka kung bakit siya kasama ni Stephen dito kasi magkakilala naman sila. Pero diba sabi ni Stephen may sasabihin daw siya? Bakit nandito tong si Kent?

"Nasha, kamusta?" Tanong ni Stephen.

"Okay naman. Ikaw?" Sabi ko sakanya.

"Ayos lang din. Ayos na ayos." Ngumiti siya sakin ng malaki. Weird. Napatingin ulit ako kay Kent na nakatingin saming dalawa na nakangiti.

Pagkatapos nila kumain, niligpit ko muna ung pinagkainan nila sa kusina. Sinabi ko sakanila na sa sala na nila ako hintayin. Pagpunta ko sa sala, nag-uusap ung dalawa. Naputol lang nung nakita nilang nandon nako. 

May inabot sakin si Stephen na brown envelope.

"Anong gagawin ko dito? Pinapatapon mo ba?" Tanong ko sakanya.

"Silly! Open it!" Masayang sabi niya

Binuksan ko naman ang envelope at nakita kong puro papel ang laman. Kinuha ko ito at sa first page palang kita ko na agad kung ano to.

From There, 'till Here [ONGOING SERIES]Where stories live. Discover now