From There, 'till Here [4]

52 2 0
                                    

Chapter 4

Nasha's POV

"Nasha gising...uy Nasha...gising..."

Unti unti kong minumulat ang mga mata ko. Tas pag mulat ko si Josh pala, ginising ako.

"Nandito na ba tayo?" Tanong ko sakanya. Nag-yawn pa ako. Grabe pagod na pagod ako...Ang sakit ng mga braso at paa ko, para akong binugbog.

"Masakit ba ang katawan mo? Sorry ha, gusto ko lang naman kasama ka dito sa party na to e."

"Ha? Uy hindi ah. Pagod lang to, dont worry, mageenjoy naman ako. :)"

 Then tinulungan niya ako bumaba sa kotse, inakay niya ako papunta sa loob. and grabe, nagsasayawan na sila, parang disco lang? Ang dami..sobrang daming tao...mga varsity at mga taga Enginering. grabe, akala ko pure nerds lang sila. yun pala. May tinatago din palang ugaling cat! Ang wawild nila. Ooops! Wrong term..


Iniwan muna ako ni Josh saglit, hindi lang naman ako ang bisita niya e diba. Nagikot din ako sa bahay nila. Tas ayun, buti na lang nakita ko si Kat.

"Beshe! ang ganda mo! Ang ganda ganda mo!" Sigaw ni Kat.

"Wag ka nga maingay, kailangan sumigaw talaga?" Sabi ko.

"Hindi naman po kasi tayo magkakarinigan kapag nagbulungan tayo diba?!" Sigaw ulit niya. Kung sabagay, hindi nga kami magkakarinigan, ang lakas kasi ng music.

[NP: Live While We're Young - 1D]

O ayan, lalo tuloy nag-wala ang mga tao. Dami kong namumukhaan dito na ang taas ng respeto ko sakanila pag nakikita ko sila sa campus, pero di ko aakalain ganito pala sila. Siyempre may respeto parin naman ako sakanila.Haha!

"Hoy beshe! wag ka ngang sumimangot jan. Magenjoy ka na lang oh." Sabi ni Kat. Aba't ang bruha, sumasayaw na rin.

"Feeling ko hindi ako mageenjoy dito bruha." Sabi ko sakanya.

"E hindi ka talaga mageenjoy kung puro si Stephen nasa isip mo! Gaga!" Sabi niya. Namura pa ako huhu.

But she's right, puro kasi si Stephen nasa isip ko, kaya I can't enjoy myself. Eh sa tingin ko nga, hindi ako iniisip ni Stephen. Kaya eto ako ngayon, nakaupo... May mga nakakausap din naman ako tapos si Kat, mukang enjoy lang siya sa pagsasayaw niya. Para siyang naka-inom.

Maya maya din naman..nakaramdam nanaman ako ng antok...

*YAWNS*

Tutulog muna ako...

-After 2 hours

"Nasha gising...Nashy...NASHA! Gising!" Pagmulat ko, si Kat pala.

"Aray bruha ka, bat mo ba ako ginigising? Uwian na ba?" Tanong ko.

"Hindi pa..Halika sa labas, dali! Tingan mo may fireworks."

Dali dali akong lumabas, may fireworks daw e, saka kung hilahin ako nitong si Kat ang lakas makahila! Pagkalabas ko, napa wow nalang ako.

ANG GANDA NG FIREWORKS. Kaso bakit may fireworks? Akala ko ba birthday to, hindi new year.

Oh well...Papasok na sana ulit ako kasi hindi naman ako nageenjoy dito, kaso biglang tumunog yung...favorite song namin ni...Stephen..

[NP: Never knew I needed - Neyo]

Biglang naglights-off. Lahat ng bisita may hawak na kandila tas may pagtingin ko sa paanan ko...nasa loob pala ako ng heart shape. Waaaa! Ano to? I-aalay naba nila ako? Huhu sabi ko na nga ba hindi na dapat ako nag punta dito e.

From There, 'till Here [ONGOING SERIES]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ