From There, 'till Here [17]

40 3 0
                                    

Chapter 17

Nasha's POV

What a long day!

Inabot kami ng 7 pm sa pagdodrawing. I mean SILA yung inabot ng 7 pm sa pagdodrawing. 

Ako, si Kat, si Bianca at si Diane naman nandito ngayon sa labas nag-iihaw kami ng barbeque. Balak kasi nila na dito na magpalipas ng gabi para kahit papano marami kaming matatapos ngayon.

Sina Zem at ung ibang boys naman nasa loob, ayun. Busy pa din sa pagdodrawing. Nagtatalo pa nga sila kanina e, dapat daw ganto dapat daw ganyan. Haha! Si Camille at Iris naman, ayun taga-dikta kung anong ilalagay pa, and si Mico? Wala. Nauna ng umalis. SUSUNDUIN DAW NIYA YUNG BAGO NIYANG NILILIGAWAN. Kawawa naman si Iris.

At syempre! Yung nilagay na mustache ni Zem, hindi ko parin inaalis, hindi parin kasi niya inaalis yung hairband, kinareer niya ba?! Hala, baka tuluyan ng mabakla si Zem! hahaha!

"Hoy girl kamustasa naman kayo ni Papa Zem?" Tanong ni Diane

"Oo nga girl, may nabubuo na ba sainyo?" Sunod naman ni Bianca.

"Nakakainis kayo! Wala no. Friends lang kami. Wag niyo naman lagyan ng malisya." Sabi ko

"Bessy hindi naman sa ganon pero sainyo ni Zem? MAY MALISYA TALAGA E!" Sabi ni Kat.

Nagtawanan naman sila.

"Bes ha, kanina ka pa!" Sabi ko sakanya! Grabe, para talagang di kami best friends!

"O bes, relax lang. Tingan mo yang mustache na nilagay ni Zem sayo. Hindi mo padin inaalis." Kat

"Gusto mo ba lagyan kita ng mustache jan sa noo mo!?" Suggestion ko.

"Haha. Joke lang Beshe!" Kat

"So...over ka na talaga kay Stephen?" Tanong ni Bianca.

"Over? Oo...pero hirap pa din ako magmove on." Sabi ko.

"Sooner or later makakapagmove on ka na din. Sa totoo lang girl, hindi ka mahihirapan mag move on. Kasi ang daming nakapaligid sayo na kumocomfort sayo. Number one na si Zem, pamula nung iniwan ka ni Stephen, he has always been there for you." Paliwanag naman ni Diane.

"Oo nga girl, I agree with Diane. Baka naman Zem likes you ha?" Bianca

"Asus! Wag nga kayong ganyan. Baka mamaya marinig kayo nun tapos mailang pa. Okay na yung ganito, masaya naman kami diba? Saka ayaw ko muna magkalove life...Pass muna ako." Ako

"You said so" Natatawang sabi ni Diane at Bianca

"Beshe, pano kung ligawan ka?" Tanong ni Kat

"Kakasabi ko lang beshe diba? Pass muna ako." Ako

Masyado nila akong pinagtutulakan kay Zem, e wala naman akong gusto dun. At mas lalong walang gusto sakin si Zem, naiintindihan niyo ba yun? WALA! AS IN WALA.

Pero bigla naman akong natulala at natigilan sa mga sinumbat nila sakin kanina. Ako kasi ang taga paypay sa barbeque at hindi ko namalayan.

Waaaaaaaaaa! LUMAKI NA YUNG APOOOOOOOOOOOOY!

"Nasha!", sigaw nina Kat.

Pinapaypayan ko parin yung apoy, WAAAA! Ano ba, natataranta na ako. Ang tanga ko! Lalo lang lumaki yung apoy! Biglang may bumuhat sakin palayo dun sa apoy at binuhusan ng tubig yung mga uling. Pagkalingon ko, si Zem pala...

"Nagpapakamatay ka na naman ba?! Pangalwa mo na to a! Pano kung lumapat yang buhok mo dun sa apoy? Edi nasunog ka!" Galit na sabi ni Zem. Galit ba talaga siya?

From There, 'till Here [ONGOING SERIES]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora