Chapter 18 Nagda-drugs ata siya?

Bắt đầu từ đầu
                                    

"I still can't believe that we are going to start a family" nakangiting tanong niya.

"Kaya nga eh" sabi ko at napansin niyang konti lang ang ngiti ko.

"What's wrong?" he asked.

"Gusto ko pa kasi sana na tayo lang muna. Alam mo yun? Yung aking ang time mo, iyo ang akin."

"I know how you feel, pero it's our baby, siguradong mas masaya pa tayo pagkalabas niya"

I smiled and hugged him, "You're right, as long as we are together."

"Maglalampungan lang ba kayo dyan o sasabayan niyo kami dito?" someone asked. Nagtinginan kami ni Bryce saka tumawa ng konti.

"Kelan kaya tayo titigilan ni Jason sa pangiistorbo?" tanong ko.

I also called lolo and my parents when the boys were still in coma, gusto nilang umuwi agad ako sa US pero sabi ko mas fresh ang air dito at hindi naman sila kumontra. Pero pupunta raw dito si lolo in 2 months.



--

After we ate a lot, as in a lot, the girls decided to go home to get some of their things. Hindi naman sa titira na sila dito to help me with the pregnancy thingy, they will just stay during weekends. Mabuti nalang, Ashley's room is always ready. Ayaw kasing ipagamit ni Nathaniel yung dating room ko sa iba at baka daw masira yung mga pinaghirapan nilang idinecorate.

"Cofi, do you want more?" tanong ni Bryce na nagbabalat ng apple.

"No, thank you. Busog na busog na ako" sabi ko as I touched my stomach.

"Kailangan mong kumain ng marami" utos ni Jason na hindi tumitigil sa pagluluto ng favorite kong pancake niya.

We are still in the kitchen, the rest of the boys are watching me cautiously while glancing on their phone.

"Gusto niyo bang lumobo ako? At pwede bang iturn off niyo na muna yang Scape map? O pakisilent, kanina pa tunog ng tunog an mga phones natin eh" reklamo ko.

"Kanina pa nga nagtatanong yung iba ng update" sabi ni Nathaniel, "sige na Lexa, i-last mo na yang apple". He gently said.

"Huwag niyo siyang pilitin, masama yung masobrahan siya sa kain" said Kurt.

"Thank you Kurt! Finally! Someone who understands!" masayang sabi ko, "At ayaw ko ngang lumobo" dagdag ko.

"Normal lang naman yung mga buntis na tumataba" sabi ni Kalbo, gently talaga yung pagkasabi niya kaya medyo kinilabutan ako.

"Weh? Alam mo kung ano ang normal sa hindi?" tanong ko, I expected him to retort pero nagpoker face lang siya, ayaw siguro akong inisin. "Pwes ayaw ko" pagmamatigas ko.

"Fine," sabi ni Bryce at tumayo't inilagay sa container yung apple at inilagay sa loob ng fridge, then he looked at me, "I just want to give you a heads up, uuwi lahat ng barkada".

It took me 5 seconds to realize what he just said, tapos tumayo ako bigla.

"Ha!!? Mga baliw ba sila!?" I shouted. Don't get me wrong, I do want to hang out with them, pero sa situation ko ngayon na 9 guys ang kasama ko eh sobrang strict, how much more sa 30 guys!?

"Don't worry. One week lang naman, gusto ka lang kamustahin" said Jason who finally stopped cooking. Kasalukuyan na niyang inaayos yung cooking area, Allen is helping him.

Speaking of Allen, hindi ko pa siya masyadong nakakausap. It's the first time he came out of their room magmula nung umalis si Ashley. He looked okay, medyo dark lang yung mga eyebugs niya.

"Kahit na! One week is still long!" reklamo ko.

"Huminangon ka nga," said Nathaniel as he gently, yes, gently pulled me to sit back down, "nagpramis naman silang magbe-behave sila." he took out his phone saka itinaas at nagselfie kami.

"What was that for?" I asked.

"For documentation purposes" he said as he winked.

Jason called Bryce and they talked, sumali din si Kurt sa kanila. Yung tatlo naman eh busy sa pagsusulat ng kung ano ano'ng mga pangalan na pwede nilang isuggest sa akin. Allen is back at his seat, looking at his phone. Siniko ko si Nathaniel and he leaned closer.

"Kumusta na si Allen?" I asked him at napatingin siya saglit sa hindi na maliit na bata sa harapan namin.

"Ewan ko. He looked terrible. Nagda-drugs ata siya?" he asked at nagtinginan kami.

"Ate, kuya, alam niyo bang naririnig ko kayo?" Allen asked at nagkunwari kaming yung mga picture sa phone ni Nathaniel ang pinaguusapan namin, "hindi po ako nagda-drugs " he said.

I sighed and looked at him, "I know, we're just worried about you."

"Alam ko po" he sadly said saka yumuko ng konti, "pero, don't worry" he looked up with a little smile, "everything will be okay."

I smiled at him, "Okay, sabi mo eh" I said.

"Allexa, ahhh" utos agad ni Nathaniel and I instantly opened my mouth without thinking. The next thing I know is wala akong makita dahil napapikit ako dahil sa lemon na pinakain ni Nathaniel. Pero nasilip kong pinagtulungan siyang batukan nina Bryce, Jason at Kurt kaya I forgave him.

Ang aabangan ko na ngayon is yung pagdating nung ibang friends namin.

Balik Class 4F na naman itey!

-=-=-=-=-=-=-

Allen's POV is coming next!

Thank you again for your support Chowdies!

Just a little survey, sino ang mga k-pop fans sa inyo? Kindly comment down kung anong fandom kayo?

-EXO-L

-ARMY

Dalawang choices lang po, haha

Have a blessed day/noon/night Chowdies!^^

Me and My Boys VOLUME 4Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ