DALAWAMPU'T LIMANG KABANATA

1.9K 118 37
                                    

Kanina pa nakatitig si Heneral Martinez sa isang piraso ng papel na kaniyang hawak-hawak. Titig na titig siya rito na animo'y kinakabisado ang mukha ng isang tao na nakaguhit sa papel.

Ito ang larawan ng salarin sa nangyari noon sa Carsel. Malabo at hindi detalyado ang pagkakaguhit ng pintor ngunit mas mainam nang mayroon siyang hawak na magpapatunay sa katauhan nito kaysa sa wala. Mabuti na lamang at may isang trabahador ang lumapit sa kaniya noon at namukhaan nito ang pustura ng salarin.

Nakasuot ng panglalaking kasuotan ang salarin at mayroong takip ang mukha nito. Kaya hindi niya makilala ang mukha ngunit hindi niya rin masasabing lalaki nga ito. Ayon kasi sa isinalaysay sa kaniya ng trabahador, babae ang tindig ng katawan nito.

Napasandal na lamang siya sa kaniyang upuan at mariing hinilot ang kaniyang sentido.

"Heneral?" dinig niyang boses ng isang guardia civil habang kinakatok ang pintuan ng kaniyang opisina.

"Nandirito po si Heneral Velasco," dagdag pa nito.

Si Velasco?

Agad na napaayos ng upo si Heneral Martinez at itinago ang larawan sa loob ng drawer. Huminga muna siya ng malalim bago nagsalita.

"Papasukin mo siya."

Bumukas ang pintuan at bumungad agad sa kaniya ang nakangiting mukha ni Heneral Velasco. Nakasuot ito ng uniporme ng isang heneral at maging ng sombrero. Mayroon itong balbas ngunit hindi ganoon karami. Matangkad din ito at hindi mapagkakaila ang lahing kastila nito.

"Heneral, nagagalak akong makita kang muli" bati nito sa kaniya.

Tumayo siya mula sa pagkakaupo at kinamayan ang kararating na panauhin.

"Umupo ka, Heneral Velasco"

Umupo naman si Heneral Velasco sa upuan at muli rin siyang umupo katapat ng upuan nito.

"Kailan ka pa naparito?" tanong niya rito. Bahagya naman itong natawa.

"Kararating ko lamang kaninang umaga at ako'y dumiretso na agad dito sa kuwartel upang ikaw ay bisitahin," sagot naman nito.

Napatango-tango na lamang siya rito. Mahigit dalawang taon na nang huli silang magkitang dalawa. Nakadestino kasi ito sa Bulacan at siya naman ay dito sa bayan ng San Lazaro.

"Ano nga pala ang iyong pakay at ika'y naparito pa?" usisa niya dito. Sumandal sa upuan si Heneral Velasco at nakadekwatrong umupo.  Muli na naman itong ngumiti ngunit parang may kung ano sa ngiting ipinapakita nito.

"Ako'y nakatanggap ng isang paanyaya mula sa gobernadorcillo sa magaganap na karera bukas," nakangiting sagot nito.

Hindi na nakakapagtaka na imbitahan ito ng kaniyang ama. Ang magaganap na karera bukas ay isang napakalaking paligsahan. At si Heneral Velasco ay isa sa mga tanyag na heneral ng bansa. Masasabi ring isa ito sa pinakamahusay pagdating sa taktika ng pakikidigma. At iyon marahil ang dahilan kung bakit ito naimbitahan ng kaniyang ama.

Bigla niyang naalala ang nangyari noong mga nakaraang araw. Ang pagpaslang sa tatlo niyang mga tauhan. Nais niya mang i-atras muna ito dahil sa naganap na kaguluhan, ngunit wala siya sa posisyon upang salungatin ang kagustuhan ng kaniyang ama. Oo nga't isa siyang heneral ngunit wala pa sa kalingkingan ang kapangyarihang taglay niya kung ihahambing sa kapangyarihang taglay ng kaniyang ama.

Matiim niyang tinitigan si Heneral Velasco na hanggang ngayon ay nakangiti pa rin sa kaniya. Ayaw niya mang isipin ngunit nakikita niya talaga sa mga mata nito na may iba pang dahilan kung bakit ito naparito.

"Kung gayon ay ano pa ang ibang sadya mo rito?" diretsahang tanong niya rito.

Hindi agad ito sumagot. Umayos ito ng upo at sumandal sa sandalan ng upuan. Nakatingin ang mga mata nito sa bintana ng kaniyang opisina.

The Criminal's LifeWhere stories live. Discover now