LABINTATLONG KABANATA

2.3K 118 21
                                    

Pagdating ni Akira, marami ng mga tao ang nagkukumpulan sa labas ng isang bahay. Agad niyang hinawi ang mga tao at bahagya pang nagreklamo ang mga ito.

"Dakpin ang mga taksil!" utos ni Heneral Martínez sa mga guardia civil. Agad naman nila itong sinunod at kinaladkad palabas ng bahay si Tandang Lino. Maging ang asawa nito at ang dalawang apo na nasa edad sampu pataas pa lamang, ay kinaladkad rin palabas ng bahay.

"Maawa kayo sa asawa't mga apo ko. Wala silang kasalanan!" pagmamakaawa pa ni Tandang Lino, ngunit hindi man lang siya pinakinggan at malakas pa siyang itinulak ng isa sa mga guardia civil, dahilan para masubsob siya sa lupa.

Lalapitan na sana siya ng dalawa niyang mga apo ngunit agad itong hinila at pinigilan ng mga guardia civil. Umiiyak na ang mga ito habang pilit na kumakawala mula sa pagkakahawak ng mga guardia civil. Habang ang asawa naman ni Tandang Lino ay nawalan na ng malay dahil sa mga nangyayari.

Napatingin naman si Tandang Lino sa direksiyon ng kaniyang asawa at mga apo. Naiiyak na lang siya dahil sa sobrang pag-aalala sa mga ito. Agad siyang lumuhod at lumapit sa kabayong sinasakyan ni Heneral Martínez.

"Heneral, ako'y nagsusumamo sa iyo. Wala akong alam sa mga binibintang ninyo sa akin. Wala akong alam sa rebeldeng grupo na inyong sinasabi. Pakawalan mo na ang aking asawa at mga apo. Wala silang kasalanan. Heneral, ako'y nakikiusap! Ang aking asawa'y may sakit pa sa puso," muling pakiusap ni Tandang Lino habang nakaluhod at nakatingala kay Heneral Martínez. Nakatingin lamang ito sa kaniya at wala man lang reaksiyon ang mukha nito.

Tahimik lang na nanunuod ang mga tao at walang may naglakas loob na makialam sa nangyayari. Naaawa sila sa sinapit ni Tandang Lino ngunit wala silang magagawa. Natatakot sila na sa oras na makialam sila, ay maging sila ay pagbintangan rin ng mga ito.

Habang si Akira nama'y nananatili lang na nakatayo at pinapanood ang mga nangyayari. Nakikilala niya ang Heneral sapagkat ito 'yung lalaki na pumigil dati kay Señorita Matilda sa palengke, nang minsang napagbintangan na magnanakaw si Mercedes. At maging si Tandang Lino ay nakikilala rin niya. Ito 'yung matandang lalaki na nagtitinda ng mga sandata sa palengke.

Nabaling ang kaniyang atensiyon sa dalawang apo ni Tandang Lino na wala pa ring tigil sa pag-iyak habang ginigising ang kanilang impo. Naikuyom na lang ni Akira ang kaniyang kamay. Bumalik na naman sa kaniyang alaala ang sinapit ng kaniyang mga magulang nang patayin ang mga ito. Ang dalawang apo ni Tandang Lino ay katulad na katulad niya. Walang magawa at umiiyak lang habang pinapanood ang mga nangyayari.

Bumalik ang atensiyon ni Akira kay Tandang Lino nang bigla na lang itong sumigaw. Nilalatigo na ito ng dalawang guardia civil dahil hindi nito inaalis ang pagkakapit sa paa ng Heneral.

"Heneral- Ah!" muling sigaw ni Tandang Lino. Tinitiis lang nito ang sakit ng pagkakalatigo sa kaniyang likod. Sa simula pa lang ay wala na siyang kaalam-alam sa tinutukoy ng mga ito. Isa lamang siyang tindero ng mga sandata na pinagbibintangan na kabilang sa rebeldeng grupo.

Hindi na napigilan pa ni Akira ang kaniyang sarili at lalapitan na sana ito, nang bigla na lang may kamay na humawak sa nakakuyom niyang kamay. Napatingin siya sa taong humawak nito at bahagya pang natigilan, dahil seryoso ang mukha nitong nakatingin kina Tandang Lino.


Felix...


"Mas makabubuti sa iyo kung hindi ka na makikialam!" seryoso nitong wika.

Bakit kahit sa panahong 'to, nangyayari pa rin ang mga ganito?

Bakit may mga tao pa ring pinagmamalupitan lang?

Hindi!

Hindi ko na hahayaan pang matulad sa'kin ang mga batang 'yun.

The Criminal's LifeWhere stories live. Discover now