LABINDALAWANG KABANATA

2.2K 131 42
                                    

Bigla namang nagulat si Mercedes at dinuro pa nito si Akira. Hindi siya makapaniwala sa kaniyang nakikita ngayon.

"B-binibini---"

Hindi pa natatapos ni Mercedes ang kaniyang sasabihin, nang bigla na lang siyang tinalikuran ni Akira at naglakad na papasok sa loob ng tindahan.

Marahil ay pupunahin na naman nito ang pagngiti niya katulad ng ginawa ni Ginoong Alfredo. Kadalasan kasi ay puro ngisi lang ang kaniyang ginagawa at isang pekeng ngiti lamang ang kaniyang pinapakita.

Agad naman siyang hinabol ni Mercedes at sumunod lamang sa kaniya. Ngunit hindi maiwasang mapangiti ni Mercedes sa tuwing pinagmamasdan ang likuran ni Akira. Ang ngiting kaniyang nasilayan kanina, ay isang tunay at totoong ngiti na ngayon niya pa lamang nasisilayan mula dito.

"Binibini, ang iyong ngiti ay sadyang kahali-halina," papuri pa ni Mercedes na inirapan lang ni Akira. Hindi niya na lamang ito pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad.

Maraming mga palamuti at iba't ibang kagamitan ang makikita dito sa loob ng tindahan. At sa unang tingin pa lamang ay mahahalata mo na, na may kamahalan ang mga ito.

Nakita nila si Nay Pansay sa sulok na pumipili ng mga iba't ibang palamuti. Disyembre na, at kinakailangan na nilang maglagay ng pang-dekorasyon para sa nalalapit na kapaskuhan.

Naglakad sila papalapit dito, ngunit agad silang sinalubong ng isang matandang lalaki. Agad namang napayuko si Mercedes nang makilala niya kung sino ito, at nagbigay galang sa matanda.

"Magandang umaga po, Señor Procopio." Bati ni Mercedes dito.

"Buenos días, Mercedes." Nakangiting bati din ni Señor Procopio kay Mercedes. Nabaling ang kaniyang atensiyon sa direksiyon ni Akira, na ngayon ay pinapasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa.

Matanda na si Señor Procopio. Mayroon na itong bigote na kulay puti na dahil sa katandaan. Maputi din ang kulay ng balat nito at may matangos na ilong. Hindi na nakakapagtaka pa na ang matandang kaharap ngayon ni Akira ay isang purong Kastila.

Tila hindi naman mapanatag si Señor Procopio sa mga tingin na ipinapataw sa kaniya ni Akira. Kaya naman, agad siyang napatikhim bago nagsalita, "Buenos días, Señorita. ¿Tiene algo que usted quiere?" (Magandang umaga, Binibini. May nais ka bang bilhin?)

Biglang kumunot ang noo ni Akira dahil hindi nito maintindihan ang sinasabi ni Señor Procopio.

"Paumanhin po, Señor, ngunit hindi po nakakaintindi ng wikang Kastila si Binibini." Agad na wika ni Mercedes dahil batid nito, na baka kung ano na naman ang sasabihin ni Akira. Nakakahiya ito lalo na't si Señor Procopio ay isa sa mga kagalang-galang na tao sa kanilang bayan.

"Veo! Ella es un mestiza
en consecuencia pienso que, tiene también un Español," (I see! She's a mestiza that's why, I think she's also a Spanish.)

Wika naman ni Señor Procopio sabay tawa pa nito. Napangiti na lang din si Mercedes habang si Akira naman, ay walang karea-reaksiyon ang mukha. Hindi niya naman kasi naiintindihan kung may nakakatawa nga ba sa sinabi nito o kung ano.






"Napakabuti ni Señor Procopio sa atin. Hindi po ba, Nay Pansay?" tanong ni Mercedes. Ngayon ay naglalakad na sila sa kahabaan ng Calle Zapalta, bitbit ang mga pinamili. Napangiti na lang din si Nay Pansay at sumang-ayon sa sinabi ni Mercedes.

Kanina pa sila nagku-kwentuhan sa mga bagay-bagay, habang si Akira naman ay tahimik lang na nakasunod sa kanila. Napapaisip tuloy siya kung paano siya napasama ng mga ito.

Napatigil sa paglalakad si Akira at napatingin sa mga larawang nakapaskil sa pader. Mga larawan ng mga taong pinaghahanap ng pamahalaang Kastila. Nabaling ang kaniyang atensiyon sa isang papel, na nakapaskil din katabi ng mga larawan. Tinanggal niya ito at binasa.

The Criminal's LifeWhere stories live. Discover now