IKALAWANG KABANATA

3.4K 212 29
                                    


Tuluyan na siyang nakalayo sa bahay na 'yon. Hinarangan pa siya ng dalawang bantay pero pinagsusuntok niya lang ang mga ito.

Ngayon ay mag-isa na lang niyang tinatahak ang daan papunta sa kung saan. Maraming nakatanim na mga palay sa paligid ng daang tinatahak niya. Para itong kalsada na patag at hindi sementado. May mga hile-hilerang puno ring nakatanim sa hindi kalayuan.

Malayong-malayo na siya sa kabihasnan. Malayong-malayo na siya sa siyudad at sa magulong lugar na kinalakihan niya. Napatingin siya sa araw na malapit ng lumubog. Hindi na niya alam kung saan siya pupunta. Wala siyang ka-ide-ideya kung ano ang nangyari sa kaniya at kung paano siya napadpad sa lugar na ito.

Nagpatuloy lang siya sa paglalakad at narating niya ang mga kabahayan na malayo sa isa't isa. May iilang tao na rin siyang nakakasalubong at pinagtitinginan lang siya ng mga ito. Tila nawe-weirduhan ang mga ito sa kaniya at maging sa sugat niya na kanina pa dumudugo. Nanghihina man ay pinilit niya pa ring maglakad hanggang sa napadpad siya sa lugar na kung saan labis niyang ikinagulat.

May simbahan, may malawak na parang plaza sa gilid nito. May mga bahay na hanggang second floor sa hindi kalayuan. May mga taong kakaiba ang mga kasuotan na pinagtitinginan siya. May mga kalesa at mga taong sa tingin niya ay mga guardiya dahil sa uniporme at sa mga mahahabang baril na dala ng mga ito.

"TONTO!" (Stupid)

Nabaling ang atensiyon niya sa lalaking 'di kalayuan sa direksiyon niya. Nakatalikod ito habang pinaghahampas ang dalawang babae gamit ang kaniyang baston. Nakaluhod sa harapan ang mga ito na umiiyak at paulit-ulit na humihingi ng tawad dito.

"Paumanhin po, Señor Arturo. Hindi po namin sinasadya!" pakiusap ng isang babae pero pinaghahampas lang sila ulit ng lalaking tinawag nitong Señor Arturo.

Napansin niyang nakatingin lang ang ibang mga tao sa eksenang 'yon at parang takot na makialam sa nangyayari.

"Señor Arturo pakinggan niyo sana ang-" pakiusap naman ng isa pang babae pero hindi na niya natapos pa ang kaniyang sasabihin nang biglang hilahin ni Señor Arturo ang kaniyang buhok.

"¡No quiero escucharte! Isa lamang kayong hamak na mababang uring indiyo!!" (I don't want to listen to you)

Sabi nito at saka malakas na tinulak ang babae dahilan para mapasubsob ito sa lupa. Agad namang tumayo ang isa pang babae at tinulungan ito.

Hindi na napigilan pa ni Akira ang kaniyang sarili. Hindi niya gustong makialam sa gulo pero sumusobra na ang Señor Arturo na 'to. Naglakad siya papalapit sa mga ito at hindi na niya napansin pa ang mabilis na kalesa na tumatakbo papunta sa direksiyon niya.

"TABI! MAGSITABI ANG LAHAT!" sigaw ng lalaking nagpapatakbo ng kalesa.

Gulat siyang napatingin dito at hindi agad nakakilos dahil bigla na lang siyang nakaramdam ng pagkahilo dahil sa sugat niya sa tagiliran na kanina pa dumudugo. Napahawak siya sa kaniyang tagiliran dahil sa matinding pagkirot nito. Napapikit na lang siya at parang hinihintay ang kalesang papalapit na sa kaniya.

Pero nagulat siya nang bigla na lang may taong tumulak sa kaniya at sabay silang nagpagulong-gulong sa kalsada. Tumama ang ulo niya sa isang matigas na bagay at agad siyang nawalan ng malay.










~*~


"Isang linggo na siyang hindi nagigising. Buhay pa kaya siya, Nay Pansay?" tanong ni Mercedes sa matandang babae na si Nay Pansay.

Hinampas naman siya sa balikat ni Nay Pansay at binalingan ng tingin si Akira, na mahimbing na natutulog. Naaawa siya sa kalagayan ng dalaga. Tumayo siya mula sa pagkakaupo at nagtungo sa bintana habang si Mercedes naman ay sinundan lang siya ng tingin.

Napabuntong-hininga na lang si Nay Mercedes. "Sa kalagayan niya, baka imposibleng siya'y magising pa." Gulat namang napatingin si Mercedes sa direksiyon ni Akira dahil sa sinabi ni Nay Pansay pero mas lalo siyang nagulat nang makitang gising na ito ngayon.

"N-nay Pansay siya'y g-gising na!" nauutal pa nitong wika habang tinuturo si Akira. Agad namang lumingon si Nay Pansay at maging siya ay nagulat din.

"Tsk! Matagal mamatay ang masamang damo," balewalang sabi ni Akira at saka bumangon para sumandal sa headboard ng kama. Inalalayan naman siya ni Mercedes pero tinapik niya lang ang kamay nito.

Naglakad si Nay Pansay palalapit dito at saka umupo sa kama. "Sabihin mo, maayos na ba ang iyong kalagayan?" tanong nito kay Akira. Tinitigan lang siya ni Akira at hindi sinagot ang tanong niya.

Nilibot ni Akira ang kaniyang tingin sa buong silid at napansin ang kakaibang disenyo nito. Parang sa sinauna lang!


Sinauna...


Naalala niya bigla ang nangyari sa kaniya noong umalis siya sa bahay na ito. Marami siyang nakita na mga bagay na kakaiba at bago sa paningin niya. Napahawak na lang siya sa kaniyang ulo nang sumakit na naman ito.

Bakas naman sa mga mukha nina Nay Pansay at Mercedes ang pag-aalala.

"Alam mo ba, Binibini, mabuti't naabutan ka ni Ginoong Alfredo noong umalis ka rito. Dahil kung hindi ay tuluyan ka na sanang nasagasaan ng kalesa," pagki-kwento naman ni Mercedes habang nakangiti.

Napatingin naman sa kaniya si Akira. "Pa'no ako napunta rito?" Nagkatinginan naman sina Nay Pansay at Mercedes dahil sa pagtanong niya.

Hinawakan ni Nay Pansay ang mga kamay ni Akira. "Isinalaysay sa akin ni Pedring ang nangyari noong gabing nakita ka nila. Papauwi na sila ni Ginoong Alfredo sakay ng kalesa nang bigla ka na lang daw nahulog. Ang labis naming ipinagtataka, bakit marami kang mga sugat at may mga tama ka rin ng bala?!" Pagki-kwento sabay tanong ni Nay Pansay.

Napakunot na lang ang noo ni Akira sa narinig. May ideya na siya kung ano ang nangyari sa kaniya pero masyadong mahirap paniwalaan. Napaka-imposible talagang mangyari ng bagay na 'yon.

Pero nangyari na nga mismo sa'kin!

Napailing na lang siya sa naiisip. Muli niyang binalingan ng tingin sina Nay Pansay at Mercedes na nakatingin lang sa kaniya.

"Anong taon na ngayon?!" hindi niya maiwasang itanong.

"Ayos ka lang ba, Binibini?" tanong ni Nay Pansay na nagtataka na sa kinikilos niya.

"Sagutin niyo na lang ang tanong ko!" naiinis niyang sabi.

Agad naman siyang sinagot ni Mercedes. "Taong isang libo walong raan pitumpu't dalawa."

Ilang segundo pang napaisip si Akira. Isang libo, one thousand ang katumbas no'n sa English. Walong raan, eight hundred. At pitumpu't dalawa, seventy-two.


Ibig sabihin...



1872!




NASA TAONG 1872 SIYA!



NAPUNTA SIYA SA NAKARAAN.



Ngunit.... paano nangyari 'yon?


The Criminal's LifeWhere stories live. Discover now